Chapter 12: The decision

126 26 1
                                    

Crystal

Yukong yuko ako habang naglalakad papasok ng room, masama parin yung loob ko kay Cristan. Alam ko yung part na ayaw niya sakin, pero sana naman wag niyang idamay pamilya ko. Sana naisip din niyang masakit yun para sakin, o isipin nalang niyang masakit yung mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Pero bakit ganon? Mahal ko parin siya.

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na, nahagip ko agad siya sa paningin ko at napansin kong nakatingin din siya sakin na nakakunot yung noo. Iniwas ko agad yung tingin ko sa kanya tsaka umupo ng diretso sa upuan ko.

Ng matapos na ang klase, dali dali kong niligpit yung mga gamit ko. Nang aakma akong lalabas na ng pinto ay may humawak ng braso ko. Kunot na kunot yung kanyang noo habang nakatingin sakin.

"Hinahanap ka nina mommy sa bahay"

Nagulat ako dahil kinausap niya ako ng mahinahon. Nakatulala lang ako dahil di ko alam kung anong isasagot ko. Dahan dahan kong inalis yung pagkakahawak niya sa braso ko tsaka siya tinignan at sinagot ng marahan.

"Ah, hindi ba sinabi ni Aling Bitang kay tita?"

"How would I know?"

I blinked tapos nagkibitbalikat nalang. I heard that he cleared his throat kaya napatingin ako sa kanya.

"Mabuti naman at umalis ka na sa bahay." Supladong sabi niya sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya at saka ngumiti konti. Nakita ko naman yung pagkagulat niya sa pag ngiti ko, siguro akala niya iiyak na naman ako. "Yun naman gusto mo diba? Hmm, siguro mas mabuti na yung ganito para di na maging mainit ulo mo sakin"

"Kahit umalis ka sa bahay, hindi magbabago yung pakikitungo ko sayo. Tsk." Sabi niya sabay padabog na umalis. Napabuntong hininga nalang ako.

May narinig akong yapak ng sandals kaya napalingon agad ako. "Oh, that's good! I just heard na wala ka na sa bahay ng boyfriend ko?" Pagdidiin niya, she smirked.

Di ko nalang siya pinansin at patuloy na inayos yung mga gamit ko. "I'm talking to you bitch!" Hila niya sa buhok ko at pinandilatan ako. "Hindi porket wala ka na sa teritoryo ni Cristan ay magtatapang tapangan ka na?" She laughs sarcastically.

Tangina, ang sakit humawak ng buhok 'tong babaeng to. Tinignan ko siya ng masama at nginisian. Hinawakan ko yung kamay niya ng mahigpit at pilit ng inalis yung pagkakahawak niya sa buhok ko na ikinagulat niya. "Kung sa tingin mo ay matatakot pa ako sayo, dyan ka nagkakamali. Tigil tigilan mo na ako dahil sa susunod na dumampi yung kahit isang hibla ng buhok mo sakin." Pinandilatan ko siya ng mata. "Ilalampaso ko 'yang mukha mo sa sahig. Naiintindihan mo?!" Sinuot ko na yung bag ko tsaka binangga yung balikat niyan.

Malapit na sana ako ng pinto ng tumigil ako at nilingon siya. "Bitch" kita ko yung galit sa kanya at pagkagulat pero inirapan ko lang siya at lumabas na ng classroom.

Dali dali akong naglakad palabas ng room pero natigil ako nang bigla niyang ulit hilahin yung buhok ko.

"How dare you say that?!" Nanggagalaiti niyang sigaw sakin. Dumadami na din yung nanonood samin.

"Hala may away na naman"

"Nag aaway na naman silang dalawa"

"Paniguradong kawawa na naman si Crystal neto, pustahan tayo"

Nothing Without You [Under editing and updating]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon