Matapos Kong gawin yun ay binuklat ko na ang folder at binasa ang nilalaman. Kitang-kita ko sa gilid ng aking mata ang pagtitig ni Mr. Adolfo sa may bandang tiyan ko pero di ko na pinansin. Sa ugali niya palang, malabong manyakin nya ako. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa.
May sinet up palang party si Nikko mamayang alas sais ng gabi para mapalabas ang tao sa likod ng mga death threats. Kaya naman pala kami ang inatasan sa kasong to dahil wala pang nangyayari sa imbestigasyon ng mga pulis. Students from Stalwart High were really the best option in terms of some cases like this.
Nalipat ang tingin ko sa mesa nang may inilapag ng founder ang dalawang envelope kaya agad kong kinuha ang isa at tiningnan ang NASA loob. Invitation lang naman para sa isang party ni Nikko. Fake launching ng isa nyang negosyo na balak niyang itayo. Napataas ang kilay ko nang mabasa ang pangalan na nakalagay sa invitation.
"Rain de Vega?"
Dudugtungan ko pa sana ng tanong kung bakit ibang pangalan ang naroroon nang magsalita si Sir na di ko parin alam ang pangalan.
" Yes, You are invited as Rain de Vega. We will not use your name for security purposes. Baka matrace ka ng kung sinumang tao sa likod ng death threats lalo pa at ang pangalan mo ang mainit sa tenga nila."
"What the! Kalalabas ko palang ng Stalwart High, papaano nangyari yun? Bago ako itinapon ng mga magu- I'm sure may cover up story ang ginawa sa pagkawala ko."
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili Kong umiyak. Naalala ko nanaman sila. Kumusta na kaya sila? Masaya na ba ang buhay nila magmula nung itinapon nila ako?
" Exactly! Kalalabas mo pa lang kaya mainit na naman ang pangalan mo sa mga tenga nila. Pero I assure you, Hindi ka nila makikilala since malaki na ang pinagbago ng mukha mo. Kaya pangalan mo ang dapat nating itago."
Gulong-gulo pa rin ako. Nararamdaman Kong may ma's mabigat na dahilan. Bakit Hindi ako pwedeng matrace ng kung sinumang tao sa likod ng death threats na natatanggap ni Nikko. Anong kinalaman ko doon? Kahit saan mang anggulo tingnan, may Mali. Masama ang kutob ko sa lahat ng nangyayari. Kailangan Kong malaman ang puno't dulo ng lahat ng Ito. Kung kailangan Kong maging katulad ni Mr. Adolfo para malaman ang lahat ng dapat Kong malaman, gagawin ko. Kayang-kaya Kong maging malakas at magpanggap. Kayang - kaya Kong manakit ng walang awa sa mga criminal na walang ibang ginawa kundi manakit at magpanggap na inosente.
At ang lahat ng yan ay sisimulan ko ngayon.An evil smirk suddenly flashes on my face.
Looks like the famous Quiny Valle is now back on tracks."Ito lang ba ang lahat ng details?"
Tango lang ang naging sagot ng founder na hindi ko parin alam kung ano ang pangalan . Do I need to?tsk.
"I like the look on your face.Fierce and a little bit irritated. By the way my dear Quiny-"
"Don't. Call. Me. By. That. Name. Quin would be fine. Sir-"
"James."
"J-james?" Nanginig ang kalamnan ko nang marinig ang pangalan ilang taon ko na rin pinangarap na makaharap. Makaharap para sa isang paghihiganti. Di lamang sa pagkuha ng pinaka-iniingatan Kong dangal kundi pati na rin sa pagsira ng buong buhay at pagkatao ko. Dahil sa taong nagmamay-ari ng kasuklam-suklam na pangalang yun, nawala sa akin ang lahat. Naikuyom ko ng mahigpit ang kamao ko hanggang sa mamuti Ito dahil sa tindi ng galit na umahon sa dibdib ko.
"Yes, my dear Quiny?"
Marahas akong napatayo sa kinauupuan ko nang tanggalin nya ang maskara at malinaw na nasilayan ng aking dalawang mata ang taong matagal ko nang gustong burahin sa mundo.
Susugod na sana ako sa taong yun ngunit bigla akong nakaramdam ng pagtusok ng isang karayom sa leeg kasunod ng pamamanhid at panghihina ng aking katawan. Namimigat na rin ang talukap ng aking mga mata. Kahit di ko man nakita ang taong nagturok sa akin ng karayom ay alam na alam ko kung sino.
"Patawarin mo sana ako pero hindi mo sya pwedeng saktan."
Yan lang ang narinig ko mula sa kanya.Pero bago ko pa man maipikit ang aking namimigat na mata, kitang-kita ko ang pagsakal ni Mr. Adolfo kay Sir James o baka pinaglalaruan lang ako ng aking paningin. Asa ka pang ipagtatanggol ako ni Mr. Adolfo. Di ko na kinaya ang bigat ng aking mga talukap kaya hinayaan ko na lamang na lamunin ng dilim ang aking diwa.
-----------_-------_---------------__
Nakarinig ako ng ingay ng mga tao kaya dahan-dahan Kong iminulat ang aking mga mata. Isang pamilyar na lugar ang bumungad sa aking paningin. Building na may halos tatlong palapag. Mga lalaki at babae na may nakasukbit na bag sa likod habang suot ang uniporme na may tatak ng isang prestihiyosong eskwelahan.
Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng dati Kong eskwelahan. Bakit nga ba ako napunta dito? Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Nandito pala ako nakapwesto sa bench na lagi kong tinatambayan nung araw.
"Quin, saan punta mo?"
Napalingon ako nang marinig iyon. Boses iyon ng isang babae na tinuring kong kaibigan. Pero kaibigan nga ba ang turing nito sa akin?"Ui Steph! Dadalhin ko lang ang mga files na to Kay Sir James. Pinabibigay ng principal."
Napangiti ako ng bahagya nang marinig ang masiglang boses na ilang taon ko na ring hindi naririnig. Boses na punu ng kasayahan at walang kahit maliit na bahid ng karahasan. Boses na mismong sa akin nagmula ilang taon na rin ang nakalipas.
Napatingin ako sa mukha ng dating ako. Mahabang buhok na bahagyang pinusod. Maaliwalas na mukha. Ibang-iba sa itsura ko noon matapos ang incidenteng yun.
"A, ganoon ba? Pasensya ka na ha? Gusto man kitang samahan pero kailangan ko pa kasing isauli Kay ma'am Reyes yung textbook at syllabus na hiniram ko nung isang araw."
"Okay lang, ano ka ba. Kaya ko na ito. O pano? Muna na ako sayo ha? Baka pagalitan ako ni Principal pag di ko agad naibigay to."
"Sige. Ingat ka. "
"Ikaw rin."
Napatingin ako Kay Steph na ngayo'y nakatingin sa papalayong batang ako. Kitang-kita ko kung paano siya ngumisi. Isang bagay na kailanman ay hindi ko nakita noon. Maglalakad na sana ako palayo nang magsalita siya.
"Galingan nyo ang pag video ha?"
Napatingin ako sa kanya habang may kinakausap siya sa cell phone niya.
Agad akong tumakbo at sinundan ang batang ako. Kung Hindi ako nagkakamali, ito yung time na gagahasain sya. NO! HINDI PWEDE!
Ayokong maulit ang lahat. Diretso ang takbo ko papasok ng building.Oh God! I swear papaslangin ko ang James na yun.
BINABASA MO ANG
Stalwart High " The Famous Quiny Valle""
Action"Love doesn't mean corrections, it is acceptance itself." Quiny Valle was set-up ,raped, and thrown to the mysterious school of Stalwart High- a front of a secret organization na tumutulong sa mga otoridad sa paghuli ng maimpluwensyang kriminal. But...