"A-ah eh, hindi naman sa ganun Ms. De Vega. Naisip ko lang kasi na paano kung mapahamak ka sa gagawin natin? Sigurado kasi na kapag pinakilala ka mamaya bilang girlfriend ko, ikaw ang puntiryahin ng gustong pumatay sa akin."Kitang-kita ko kung paano sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Narinig kong napatawa ng mahina si Mr. Adolfo. Sa tinuran kasing iyon ni Nikko ay parang pinapalabas nya na mahina ako at hindi ko kayang protektahan ang sarili ko. Sinamaan ko lang sila ng tingin.
" Exactly Mr. Salazar. Yan nga yung plano natin diba? Di ka ba nakikinig kay M- sa boyfriend ko? Ano ba ang problema mo at ganyan ka umasta? Don't tell me minamaliit mo ako?"
Napayuko sya dahil sa sinabi ko. Hindi na sya nagsalita pa kaya uminit ang ulo ko. The Heck! So tama ang sinabi ko?
"Calm down love. Mauubos ang oras natin sa ginagawa mo."
Naparoll eyes na lang ako nang marinig ang sinabi ni Mr. Adolfo. Masyado na syang nawili sa kakatawag sa akin ng love and I tell you hindi sya magandang pakinggan.
Pagalit kong binuklat ang folder kung saan nakasulat ang program. Di ko na lang sila papansinin at itutuon na lang sa launching ang atensyon ko.
_______________________________
"Ladies and gentlemen, let us all welcome. The one and only son of our beloved CEO, Mr. Nikko Salazar. Around of applause please."
Nagpalakpakan ang lahat ng tumayo si Nikko. Ako naman ay ngumiti lang nang nakita kong napatingin sya sa gawi ko at sinimsim ang wine ko.
"Good evening everyone. Maraming salamat at pinaunlakan ninyo ang aking imbitasyon. Salamat rin at naging bahagi kayo sa espesyal na pagdiriwang na ito. Ngunit bago natin simulan ang selebrasyon ng pag bukas ng bago Kong negosyo ay nais Kong ipakilala sa inyo ang babaeng naging isa sa dahilan kung bakit naisipan Kong itayo ang Techno's. Everyone, meet my one and only gorgeous girlfriend. Ms. Rain de Vega."
Nagpalakpakan ang lahat nang lapitan ako ni Nikko at inilahad ang kanyang kamay kaya agad ko iyong tinanggap. Tumayo at ngumiti sa madla. Inilibot ko na lang ang aking paningin habang nakapaskil ang pekeng ngiti sa aking labi hanggang sa napatigil ang aking tingin sa isang tao.
'Got yah.' Bulong ng isip ko. Akala ko pa naman mahirap syang ma identify.
"30S" bulong ko bago ako inayang maupo ni Nikko. I'm sure alam na ni Mr. Adolfo ang nais Kong iparating.
"Copy! Good job love. You're more than what I am expecting. That's fast for a beginner."
Napangiti ako ng palihim nang marinig ang papuring iyon though medyo uminit ang dugo ko sa itinawag nya sa akin. Masyado na syang nawiwili. Napailing-iling ako at uminom ng wine na kakalapag pa lang ng waiter sa table namin. Maya't Maya ko na ring ibinaling ang aking tingin sa stage since nagsimula na ang program.
"CO5"
Rinig Kong wika ni Mr. Adolfo mula sa earpiece na nakakabit sa hikaw ko kaya inihanda ko na rin ang sarili ko.
4
3
2
1
"Oh Shit!" Mura ko nang matapunan ako ng wine na dala ng waiter.
"I'm sorry ma'am di ko po sinasadya. "
Pahinging paumanhin ng waiter habang pinupunasan ng tissue ang dress ko.
"Ako na." Wika ko sabay agaw ng tissue. Baka kung ano pa ang mapunasan nya eh."Okay ka lang ba Hon? Basa na ang dress mo, samahan na kita sa ladies room." Nag-aalalang sambit ni Nikko na medyo sinamaan ng tingin ang waiter na tatanga-tanga.
"At ikaw sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo.""Opo. Pasensya po ulit Ma'am , Sir. Di na po mauulit."
Nakayukong paumanhin ng waiter kaya hinawakan ko ang kamay ni Nikko para patigilin."Okay lang, wag mo nang pagalitan. Di niya naman sinasadya."
Nakangiting awat ko kaya napabuntunghinga na lang sya. Sinenyasan ko na lang ang waiter na umalis na para ipagpatuloy ang trabaho niya. Buti naman at wala sa amin ang atensyon ng lahat kundi sa projection at specifications ng mga gadgets na irerelease ng Techno's. Maliban na lang sa isang taong minamanmanan ang bawat kilos ko.Tsk! Halata masyado."Ladies room lang ako, Hon. I need to fix myself. Nagmumukha akong basang sisiw."
Nakasimangot kong sabi saka tumayo."Samahan na kita." Tatayo na sana sya ngunit pinigilan ko.
"No need. I can handle myself."
"But-"
"Please, don't interfere with the plan. It'll ruin everything."
Napatango na lang sya kaya napangiti ako. Di parin sya nagbabago. He is still the same. Strong but smart. Pag alam nyang kailangan ay Hindi na sya mag-aaksaya ng panahon sa kakakontra. One of the things I love the most. But it's over for us.
Tumayo na ako at nagtungo sa rest room. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng tissue na ginamit ng waiter kanina para punasan ang dress ko. I felt something hard in it kaya napangiti ako.
Agad akong humarap sa salamin pagkapasok ko. I composed myself bago inilabas ang lipstick na kasama nung tissue na ginamit kanina. I opened it nilagyan ang labi ko.
May pumasok na magandang babae pero di ko na pinansin. Pumasok kasi sya sa isang cubicle.
Nag ring ang phone ko kaya agad ko yung pinindot at itinapat sa tenga ko.
"Yes Hon?........... I'll be there in a minute. ......Yes, of course.....yeah.. Love you, too...bye."
Bumukas ang pinto ng cubicle na pinasukan nung babae. Binalik ko na lang sa purse ko yung cellphone ko.
"How sweet." Saglit akong natigilan nang may magsalita sa likod ko kasunod nun ang pagdampi ng isang malamig na bagay sa likod ko. But I'm not stupid para di malamang dulo ng baril iyon.
"Sino ka at anong kailangan mo sa akin?" Diretsong tanong ko while applying foundation on my face not minding the gun pointed at me.
"Ikaw ang nobya ni Nikko diba? Now kung ayaw mong patayin kita, tell me a story." Nakangiting saad nya kaya napa roll eyes ako sa isip ko.
Itinigil ko ang pag retouch at ibinalik ang iyon sa purse ko maliban sa lipstick na ginamit ko.
"Anong gusto mong malaman?"
"Secret details ng bank accounts ng mga Salazar. At ang exact location ng secret organization na tumutugis sa amin."
"Secret organization?"
"Yes. And para malinawan ka kung ano ang pakay ko, saan itinago ng mga Valle ang anak nila? "
Napakunot ang noo ko sa narinig. Anong kailangan nya sa akin? Tatawa ako pag sinabi nyang namiss nya ako kaya nya ako hinahanap.
"Anong pangalan niya?" Tanong ko. Kailangan Kong manigurado na ako ang tinutukoy niya. Mahirap na. Marami pa namang Valle ang apilyedo sa mundo.
"Mausisa ka ah. Pero sasabihin ko kung ano ang kasuklam-suklam niyang pangalan. It's Quiny Valle dear. Now sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo or else-
" Or else what Stephanie? Papatayin mo ako?"
Nakangisi Kong wika habang nakatingin sa repleksyon namin sa salamin. Nakakatawang isipin pero the whole time na nag-uusap kami ay makaharap lang sa salamin. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha."How did you-"
Itinaas ko ang aking kanang kamay na nakaharap sa salamin ang aking pulso.
==QUIN==
Yan lang naman ang tattoo ko kaya mas lalong nanlaki ang kanyang mga mata.
"No, ikaw si -F*ck!" Mura nya nang sipain ko sya patalikod dahilan para tumilapon sya.
"We meet again friend. Nice to see you." Nakangisi Kong wika bago pinindot ang switch sa gilid ng lipstick na hawak ko. And the next thing ay binalot ng dilim ang paligid.
BINABASA MO ANG
Stalwart High " The Famous Quiny Valle""
Acción"Love doesn't mean corrections, it is acceptance itself." Quiny Valle was set-up ,raped, and thrown to the mysterious school of Stalwart High- a front of a secret organization na tumutulong sa mga otoridad sa paghuli ng maimpluwensyang kriminal. But...