"Hey Love. Miss me?"
Halo-halong emosyon Ang nararamdaman ko habang nakatitig sa nakangisi niyang mukha. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magiging masaya dahil nakita ko siya sa harap ko.
Mabilis na gumalaw ang kamay ko at hinubad Ang suot Kong tsinelas na di Naman akin at ibinato sa kanya. Sapul Yun sa mukha niya.
"What the! Yan ba ang way ng pagbati mo sa akin? Ang intense ha!"
Reklamo niya habang hinaplos haplos Ang ilong niyang natamaan.
Di pa ako nakontento. Mabilis akong tumayo at pinaghahampas siya. Kasabay din nun ay Ang aking sunod-sunod na paghagulgol. Naiinis ako sa kanya! Saan ba siya nagpunta? Hindi lang ba niya naisip na may taong halos mabaliw sa kaiisip Kung anong nangyari sa kanya?"Hey! Ano bang problema mo?"
Reklamo niya habang sinasangga Ang bawat hampas ko.
" Nakakainis ka! Saan ka ba nagpunta? Akala ko Kung ano nang nangyari sayo. Kung nahuli kaba Ng mga tauhan Ni Nikko, kung nahulog ka ba sa bangin tapos nabagok Ang ulo mo or nadali ka Ng mababangis na hayop diyan sa gubat. Tapos ngayon ngingisi ka Lang sa akin?"
Napatigil ako nang hulihin niya Ang kamay ko at bigla akong niyakap.
"I'm sorry Kung pinag-alala Kita. I'm sorry. Talagang masaya Lang ako na Makita Kang okay dito. Please stop crying. Ayokong Makita kang umiiyak dahil sa akin. I'm not worth your tears. "
Natigilan ako nang marinig ang sinabi niya. Nag-alala? Ako? Sa kanya?
Oh come on! No way!! Pinahid ko Ang luha sa aking pisngi. Humiwalay ako sa kanya at itinulak siya palayo." Sorry to burst your bubbles pero di ako nag-alala sayo. Nag-alala ako para sa sarili ko. I am your student and of course hindi ka pwedeng mawala because ano na Lang mangyayari sa akin diba? Ayokong bumagsak sa misyon nang dahil sayo."
He chuckled after I said those words. Then he smirked.
" Of course! That's good to hear, Love. But don't worry, hindi ka babagsak because of me. I will make sure of that."Sabay lakad papasok sa kitchen at iniwan akong mag-isa at napapaisip. Nakita Kong sumilip siya Mula sa pintuan Ng kusina habang nakangisi.
"What?" Mataray Kong tanong habang nakataas Ang kilay.
"Let's eat."
Napailing- iling na Lang ako saka sumunod sa kanya. Andun na Rin pala sila ate Loida pati na Rin SI Sushen.
"Ate Quin, kakain na po tayo."
Ngumiti na Lang ako sa kanya at umupo sa may bakanteng upuan sa tabi ni Sushen at tahimik na sinimulan ang pagkain.
"Ano ba talagang nangyari sayo after nating mahulog sa bangin?"
Tanong ko sa kanya nang maabutan ko siyang nakaupo sa may upuang kawayan sa labas Ng bahay. Lumapit ako at tumabi sa kanya. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip Ang hangin. Ang sarap Ng simoy Ng hangin dito. Siguro dahil na Rin sa napapalibutan kami Ng mga puno.
Nagulat na Lang ako nang bigla Niya akong yakapin. Tatanggalin ko Sana Ang mga kamay niya nang pigilan niya ako.
"Please Don't." Natigilan ako nang sabihin niya Yun.
"P-pero-"
"Let's stay like this just for awhile, please."
Tumanggo na Lang ako bilang pagsang-ayon."Tsaka malamig dito Kaya hayaan mo muna akong yakapin ka."
Napapikit na Lang ako habang pinapakiramdaman Ang hampas Ng hangin sa mukha ko. Ngayon ko Lang to naranasan. Ang magkaroon Ng peaceful na pakiramdam. Yun bang pakiramdam na parang Ang gaan Ng isip mo. Na para bang panandaliang nawala sa isip mo Ang mga mabibigat na pangyayari sa buhay mo.
" To answer your question kanina. After nating mahulog sa bangin, nasabit ka sa may ugat Ng puno at nawalan ng Malay. Habang ako Naman napadpad sa ilog sa ibaba at nawalan na Rin Ng malay. Nagising na Lang ako nang naramdaman Kong niyuyugyug ako at SI ate Loida Yun. And the next thing I knew, nandito ka rin pala."
"Kailan tayo aalis para tapusin Ang misyon natin? Marami akong gustong linawin. Ewan ko ba pero pakiramdam ko marami akong hindi Alam tungkol sa pagkatao ko. Ni Hindi ko nga Alam Kung kilala ko na ba talaga Ang sarili ko."
"Pwede bang mag stay muna tayo dito kahit ilang araw Lang? Gusto ko sanang maranasan aNg isang payapang buhay kahit panandalian lang. Hayaan mo munang magrelax Ang isip natin. Tsaka minsan Lang to, minsan Lang tayo mamuhay na parang isang ordinaryong tao. Malayo sa panganib at malayo sa gulo.
At Isa pa, malayo sa karibal ko"
Agad akong napalingon sa kanya nang marealize ko ang sinabi niya. But it was a mistake. Nakalimutan kong nakaakap pala sa akin ang walang hiya kaya an inch or inches lang ang pagitan ng mukha namin. Napansin kong napatitig siya sa mata ko pababa sa ilong at labi ko. Nakita ko rin siyang napalunok kaya bago pa ako malunod sa sensasyong dulot ng posisyon namin ay umiwas ako ng tingin at tuluyan siyang tinulak palayo.
"A-Ahm, malalim na pala ang gabi. Matutulog na ako. Tsaka inaantok na rin kasi ako kaya mauna na ako sayong matulog. Ikaw ba? Di ka pa inaantok?" Pag-iiba ko ng usapan. Umiling-iling lang siya kaya tumango ako bago naglakad papasok ng bahay.
"T-teka."
Napatigil ako sa paglalakad para marinig ang sasabihin niya pero nanatili parin akong nakatalikod sa kanya.
"Gumising ka ng maaga bukas 4am sharp. Babiyahe tayo pabalik ng Headquarters para maireport natin ang nangyari."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya pero tumango na lang ako bago nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa paghiga ko ay nakakunot ang noo ko. Minsan talaga ang gulo nun kausap. Sabi niya pa kanina gusto niya mag stay dito kahit ilang araw lang tapos ngayon sasabihin niya na gigising ng 4am sharp. Parang timang lang. Napairap na lang ako sa kawalan. Hmmppp.
Pero napahilot na lang ako sa sintido ko nang maalala ang pangyayari. Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung alin ang totoo sa hindi. Hindi ko alam kung sino ang kakampi o kaaway.
Biglang nag pop up sa isip ko ang mukha ni Mr. Adolfo.
Hayyys Mr. Adolfo. Kaibigan ba kita o Kakampi?Yun ang huling katanungan na nabuo sa isip ko bago ako lamunin ng antok.
![](https://img.wattpad.com/cover/95037661-288-k281579.jpg)
BINABASA MO ANG
Stalwart High " The Famous Quiny Valle""
Acción"Love doesn't mean corrections, it is acceptance itself." Quiny Valle was set-up ,raped, and thrown to the mysterious school of Stalwart High- a front of a secret organization na tumutulong sa mga otoridad sa paghuli ng maimpluwensyang kriminal. But...