Chapter Nine

15 2 0
                                    

Okay? Ano yun?
Kung hindi ko siya tinawag na love, di sya tatayo para pagbuksan si Nikko?tsk. Ang artee.

Pinagmamasdan ko na lang sya habang binubuksan ang pinto ng banyo. Okay lang kaya si Nikko?

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay mabilis na lumabas si Nikko. Binangga pa si Mr. Adolfo at diretsong nagtungo sa kinaroroonan ko. Napatingin ako Kay Mr. Adolfo na napasandal sa gilid habang naiinis na nakatingin kay Nikko na ngayon ay chinicheck ang buong katawan ko.

"Anong nangyari? Bakit mo ako nilock sa banyo? Ano yung narinig Kong mga putok? Baril ba yun? Natamaan ka ba? May sugat ka ba? Nasaan?"

Sunod-sunod niyang tanong sa akin habang nakatitig lang ako sa mukha niya. Nakakamiss din pala ang ganito. Yung pakiramdam na nag-aalala siya sa akin. Ganito kasi siya noon eh. Konting sakit o sugat na mayroon ako, kung makapag-alala siya parang wala nang bukas.

Di ko namalayan na tumulo na pala ang luha. Samu't sari ang emosyong nararamdaman ko. Masaya dahil naramdaman ko ulit yun kahit Hindi niya alam na ako to. Pero malungkot parin dahil hanggang doon lang yun. Hindi na maibabalik ang lahat.

"Bakit ka umiiyak? Rain naman o, sumagot ka naman please. Nag-aalala na ako. Ano ba talagang masakit sayo?"

"Okay lang ako."

Pinahid ko na lang ang mga luhang tumulo mula sa aking mga mata saka ngumiti nang malaki. At least, sa ngiti lang na yun mawala ang anumang pag-alala niya.

Napabuntunghinga na lamang siya pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong hatakin palapit at mahigpit na niyakap.

"Please wag mo na ulit gawin yun. Mababaliw ako sa pag-aalala."

Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya. Minsan naisip ko kung bakit di ko magawang magalit sa kanya sa kabila ng ginawa niyang pagtalikod sa akin? Siguro dahil may pinagsamahan kami at naintindihan ko na may reason siya kaya niya nagawa sa akin yun. Napangiti na lang ako at yumakap sa kanya pabalik.

"Ehem."
Pareho kaming napabitaw mula sa pagkakayakap nang marinig ang tikhim ni Mr. Adolfo.
"Tapos na ba kayong maglambingan? Grabe kayo ah. Kung makayakap parang di nagkita ng sampung taon. Ano yan, long lost friend?"

May bahid na inis niyang wika saka umupo sa sofa. Nakita Kong napayuko si Nikko.

"Pasensya na po, Mr. Adolfo. Nag-aalala lang talaga ako sa girlfriend mo."

Hinging paumanhin ni Nikko kaya tumango lang siya bilang sagot. Pagkara'ay tumayo bago magsalita ulit.

"Kailangan na nating bumalik sa condo natin, LOVE. Hindi ka na ligtas dito. The fact na alam na nila ang kinaroroonan ng lugar na ito, I'm sure marami pang susunod."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit kami babalik doon eh may misyon nga kaming ginagawa. At iyun ay ang protektahan si Nikko mula sa mga taong gusto syang patayin.

"Bibili muna ako ng makakain sa labas para makapag-usap kayo ng maayos."

Wika ni Nikko at tumalima na palabas ng kwarto. Pero tinawag ko.
"Huwag ka munang lumabas Mr. Salazar, baka mapaano ka sa labas. "

Ngumiti lang siya at umiling.
"No need to worry about me. May mga bodyguards naman akong kasama eh. Salamat sa pag-aalala."

Hindi na ako umangal pa hanggang sa lumabas na siya ng silid. Nalipat ang tingin ko Kay Mr. Adolfo at sinamaan ko ng tingin.

"What?"
Tanong niya kaya nag roll eyes na lang ako.

"Bakit tayo babalik sa condo mo? Diba may misyon tayo? At iyon ay ang protektahan si Mr. Salazar." Naiinis na sabi ko sabay upo sa kama.

Nabigla na lang ako nang may isang bagay syang ibinato sa akin. Buti na lang at nasalo ko agad. Isa palang papel na naka rolyo.

"Ano naman to?"

"Papel?"

Sarkastikong sagot niya kaya di ko na napigilang ihagis sa kanya ang unan ko kaya natamaan siya sa mukha. Sinamaan niya lang ako ng tingin habang ako naman ay tinaasan lang siya ng kilay.

"Ano bang problema mo? Bakit bigla-bigla ka na lang nambabato ng unan?"

Nangangailiting wika niya sabay hagis pabalik ng unan. Agad ko naman yung nasalo tsaka niyakap.

"Eh kasi naman po, nagtatanong ako ng maayos kaya sana sagutin mo ako ng maayos ha?"

Pagkatapos kong sabihin yun ay inirapan ko pa siya. Kakainis talaga kasi tong mentor ko, ang weird ng ugali. May panahong mabait, meron ring galit at nambabara. Hmmp.

"Ang tanga naman kasing tanong yun."

Kunot noo akong napatingin sa kanya nang magsalita siya.

" Alam naman na papel ang hinawakan, nagtanong pa kung ano yun? Weird." Bulong niya sabay iling. Tumayo na rin siya at lumabas ng kwarto. Di ko na lang siya pinansin at ibinuklat ang papel.

Matapos kong basahin ang nilalaman nun, pakiramdam ko parang pinagsakluban ng langit ang buong pagkatao ko. Di ko maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong naging masaya, magalit o malungkot sa balita. Balita na kung saan patay na ang mama ko at ang may gawa nun ay ang walang puso kong ama. Nabitawan ko ang papel at tuluyan na ngang napahagulgol habang nakatakip ang mga palad sa aking mga mata.  Hindi dapat nangyari ang lahat ng ito.

Oo galit ako sa mama ko dahil wala man lang siyang ginawa kundi tumahimik at hayaan akong itapon ni papa sa Stalwart High pero ayoko namang may mangyaring masama sa kanya.

Napaangat na lang ako ng mukha nang may maramdaman akong braso na nakapulupot sa akin.

"Lov- Nikko? Nandiyan ka na pala."

Napakagat na lang ako ng labi nang muntikan ko nang masambit ang tawagan na yun. Mukhang hindi lang si Mr. Adolfo ang nawiwili sa paggamit nun. Mukhang pati na rin ako.

"Everything will be alright."

I looked at him. I really missed this man. His hugs and everything.

"We're leaving, Nikko. Please take good care of yourself while me and my boyfriend are away."

Sa pagsambit ko ng pahayag na iyon ay maramdaman kong mas humigpit ang yakap niya sa akin kaya napapikit na lang ako.

"You know what, Ms. De Vega? I really have this feeling na parang magkakilala na tayo before. Your presence is familiar. Yung feeling na habang ganito ka kalapit at kayakap kita, the same feeling noong kayakap at kausap ko si Quiny. Now, tell me Miss De Vega-

Kumalas siya ng yakap at tinitigan ako sa mata. Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay ang kanyang sasabihin. Umiwas ako ng tingin. Please Nikko, not now.

Hinawakan niya ang aking baba at ipinaharap sa kanya ang aking mukha. Nakita Kong huminga siya ng malalim saka binigkas ang isang tanong na nakapagdulot ng pagsabog sa aking buong pagkatao.

Is there any chance na ikaw si Quiny Valle?"

Oh shoot! I'm doomed!

Stalwart High " The Famous Quiny Valle""Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon