~~~
MADULAS at malambot ang tela ng suot na floral dress ni Cala. Iyong humahakab sa kakarampot na kurba ng kanyang katawan.
Eh ano kung wala akong maganda at matambok na kurba... ang mahalaga may kurba! Pagkumbinsi niya sa sariling repleksyon sa kupas na salamin. Iyong salamin na nilalamon na ng tuldok-tuldok na maiitim. Pero kahit paano ay nasasalamin pa naman niya ang sarili. Napapangiting hinayaan niyang nakalugay ang maalon niyang buhok.
Umikot-ikot siya at ngumuso, nasisiyahan siya sa pulang-pulang mga labi dulot ng lipstick. Pinapungay ang mga mata at ang kilay ay pina-arko pa lalo. Idagdag pa sa ayos niya ang gumegewang na malalaking bilog na hikaw sa tigkabila niyang tainga.
Pagkuwan ay taas-noong tinaasan niya ng kilay ang sarili sa salamin.
Hindi ba at napakaganda ko sa ayos ko ngayon? Sure ako, maraming beses na mapapalingon sa akin ang mga boylet sa bayan. Napangiti siya sa naisip. Tumutok pa ang kanyang mga mata sa bahagyang bumubukol na dungot sa dibdib.
Okay na siguro kahit walang bra. Malalaki kasi ang bra ni Nanay. Ang gurang na 'yon, di man lang ako bilhan ng---
"Caldoy! Bakla matagal ka pa ba? Bilisan mo na! Naiinip na si putol!"
Bahagya na lang siyang nagulat sa kalampag na iyon. Naitirik niya ang mata at agad binuksan ang kurtinang nanlilimahid sa dumi. Multipurpose kasi ang pobreng kurtina. Pamunasan ng basang bibig, pamunasan ng maruming kamay, pamunas sa sipon, nilalahidan ng kulangot, tagasalo ng alikabok. At kung anu-ano pang masasamang elemento ng germs.
Pinanlakihan niya ng mga mata ang bastos niyang kuya. Si Capoy. "Kuya naman, mamaya niyan marinig ka ni Van. Nakakahiya. Kaloka ka." Agad ay angil niya sa kontroladong boses. "Ano na lang ang iisipin niyan?"
Imbyerna! Kulang na lang ay bugahan niya ito ng amoy-imburnal niyang hininga, nang sa ganun ay mahimatay ito nang panandalian para wala na munang gumambala sa pagpapaganda niya.
"Bagal mo kasi!" Sikmat ni Capoy. "Kanina pa naroon sa labas si Putol mo! Ni hindi mo man lang papasukin at ipagkuha ng kape sa ref. Klaseng nililigawan ka? Mag-eport ka rin, ulol!" Ang madiin nitong anas with matching duro-duro pa sa kanyang mukha. Sapakin niya ito ng suot niyang rubber shoes e.
"Mas ulol ka, kuya! Walang kape sa ref at wala tayong ref! Halusinasyon mo na, ilusyon mo pa! Tabi nga diyan!" Tinabig niya ito.
Pero pinigil siya ng kapatid sa kanyang kanang braso. Iritang napalingon siya dito. "Ano ba kuya! Bakit ba?"
"Sandali..." anitong kunot-noong nakatutok sa kanyang paanan. "Pusha! Bakit naka-dress ka tapos naka-rubber shoes? Inuulol mo ba kami ha, Caldoya?"
Naningkit ang mata niya. Medyo nabingi siya sa pangalang Caldoya.
Ghad! It's Cala kaya!
"So? Pake mo ba? Ito ang uso sa akin! Anong problema?" Pagmamataray niya kasabay ng paghawi niya ng ilang hibla ng kanyang buhok bago namewang. Feel na feel pa niya ang gumegewang niyang bilog na hikaw sa kanyang tigkabilang tainga.
"Wala ka talagang utak, Caldoya! Napakabadoy mong magpaganda. Talo mo pa ang may sayad sa utak! Pota! Magpalit ka nga doon! Bilis!" Matigas nitong utos.
Pero umalma siya. "Pero, kuya, okay na ito! Hindi naman ako masisilipan sa floral dress ko. May napkin naman akong---"
"Kagaguhan! Napkin ng bayag mo! Wala kang bilat, b'wisit!" Lalong 'di maipinta ang mukha ni Capoy sa kalantudan ng kapatid na bakla. "Okay na 'yang floral dress-dress na 'yan. Palitan mo lang ng may takong 'yang bwisit na rubber shoes. At saka 'yang pekeng nunal mo, hindi bagay sa 'yo!" Iyon lang at iiling-iling na akmang tatalikod na si Capoy pero malakas itong tinabig ni Cala. Kamuntikan pang mawala sa balanse ang lalaki.
BINABASA MO ANG
Cala Van (COMPLETED)
Short Story"Gusto ko, akin ka na. Gusto ko, may masuyong dahilan ka na para bigyan ako ng pansin kahit hindi na kita asarin." Cala at Van. Parehong matapang. Parehong may depekto sa katawan. Kung ganoon, ang tapang ba nila ay p'wedeng makabuo ng pagkakaibigan...