😎Kabanata 10: Cala & Van💪

1.2K 61 20
                                    






NILINGON ni Cala ang kaliwa niyang kamay. Mahigpit iyong hawak ni Van habang magkatabi silang lulan ng tricycle. Pauwi na sila at ang siste; pareho sila ni Van na nanghiram ng damit pang-ibaba at pantaas sa Tito nito. Hindi na kasi magagamit pa ang kanyang floral dress na suot kahapon. Naghalo kasi ang dugo at putik sa naturang kasuotan. Habang sa kasuotan ni Van ay puro putik naman. Subalit wala doon ang isip ni Cala. Hindi niya mawari kung bakit hindi mapayapa ang kanyang pakiramdam maging ang isip.

Napahugot siya ng hininga. Hindi pa rin siya makapaniwala sa pagtatapat ni Van. At itanggi man niya sa sarili, gustong-gusto rin naman niya ang nangyayari sa pagitan nila ng binata at sa mga ipinapakitang kabutihan nito sa kanya mula pa sa bayan o mas tamang sabihin---mula pa sa pag-aalok nitong sasamahan siya at tutulungan maghanap ng trabaho.

Kaya't mula sa magkahugpong nilang mga kamay, umangat ang kanyang mukha sa mukha ni Van, pero nakatitig din pala ito sa kamay nitong sinasakop at marahang pinipisil ang kanyang palad.

"Sabihin mo naman sa akin ang mga susunod mong pasabog? Para hindi ako nabibigla, ano?" Pahaging niya sa tonong malumanay pero 'di pa rin niya naiwasang langkapan ng katarayan.

"Huwag muna ngayon, Cala." Ngumiti ito. "Mamaya na pag-uwi natin sa inyo. Gusto kong magpaliwanag sa 'yo sa harap ng pamilya mo."

Bumuga siya ng hangin. Binawi niya ang kamay na hawak nito at saka siya humalukipkip. Yamot na ibinaling niya ang paningin sa labas ng umaandar na traysikel.

Napangisi si Van. "Ang taray mo talaga, bakla ko..."

"Mas mataray ka," ingos niya. At nagsimulang rumatrat ang kanyang bibig. "Kung 'di naman e pabigla-bigla kang nagsabing mahal mo ako. Ni wala ka ngang paramdam na nagkakagusto ka pala sa akin, sa halip ay binubully mo ako!"

"O, bakit naiinis ka diyan?" Marahang natawa si Van. "Hindi mo pa naman ako sinasagot a? Sabi mo nga kanina, pag-iisipan mo pa, tapos umungot ka pa na ligawan muna kita..."

"Hmp! Sinong 'di maiinis, e hindi ko mahulaan ang susunod mong gawin." Tila batang maktol niya. Kinakabahan kasi siya sa binabalak nito. Baka kung ano lang ang matanggap nito mula sa pamilya niya. "Bakit kasi kailangan mo pang kausapin ang pamilya ko? Ako muna kasi ang suyuin mo, bago sila!"

"Iyon na nga..." At marahang lumapit ang bibig sa tainga ni Cala. "Bago ka tuluyang maging akin, hihingi muna ako ng permiso sa magulang mo. Ayaw mo niyon? Magpapabasbas muna ako kay nanay Saloy bago kita ligawan nang paspasan."

Napamaang si Cala. "Anong paspasan sinasabi mo diyan? Baliw ka!" Angil niya. Hindi na natapos itong si Van na pukawin ang puso niya. Aminin man niya o hindi, nagugustuhan niya ang maharot nitong paggawi.

At bakit ba hanggang ngayon ay nagpapaka-demure siya sa harap ni Van? E totoo namang may gusto siya kay Van. Pero magagawa ba naman niyang magpatianod na lang? Paano kung nilalaro lang siya ni nito? May nalalaman pa itong kakausapin ang pamilya niya, akala siguro ay hahanga na siya sa ganoon. Ha! Sa panahon kasi ngayon, upgraded na ang manloloko. Ang gawain kasi ng matino, ginagawa na rin ng loko-loko kaya't nakakapangduga pa rin.

Pero ang isang bahagi ng isip niya ay tumatanggi naman sa mga negatibong isipin kay Van.

Dahil iba si Van. Matino siya na medyo maharot! Ang bahaging iyon ng isip niya.

At patunay niyon ang pagyakap ni Van sa kanyang baywang. Napakislot siya pero hinayaan na rin niya kahit nasasagi nito ang ilang galos at sugat niya sa katawan niya. Pareho lang naman silang may mga namamagang sugat. Isa pa'y masarap makulong sa bisig nito kahit... putol ang isa.

"Paspasan kitang liligawan kasi buhos na buhos na ang pagmamahal ko sa 'yo." Ang banat ni Van at inamoy-amoy sa batok si Cala.

Si Cala na pinigil 'wag mapahagikhik.

Cala Van (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon