"UY, saan ka pupunta, kuya?" Sa pagbukas ni Caldoy ng pinto, bumungad naman sa kanyang paningin ang kapatid na bunso.
Si Caloy. Sampung taong gulang. Galing sa paaralan at gusot ang uniporme, kupasin at halatang bigay lang ng kapitbahay. Aba natural! Wala silang barya para magpatahi ng bago nitong uniporme.
Dahil bukod sa dakila silang tambay ng panganay niyang kapatid; ang ama nila ay yumao na at ang ina nilang si Aleng Saloy ay labandera lamang sa medyo mayamang pamilya. At sino pa ba ang medyo mayamang pamilya sa Sitio Dinapaan? Walang iba kundi ang pinakapantasya ng kanyang kalandian---si Noel Magdayao alyas Nonoy.
"Raraket ako bagets para may pambili ako ng bago mong uniporme!" Tinaasan niya ito ng isang kilay. Bumungisngis kasi ang amoy-pawis niyang kapatid, nakakainsultong bungisngis.
Sipain niya ito e!
"Kuya---"
"ATE! Naiintindihan mo?" nandidilat ang mga matang pamumutol niya rito. "My name is Cala! Cala Maganda! Ilang beses ko bang uulit-ulitin sa 'yo yan? Hindi na talaga kita bibigyan ng baon! Tabi nga diyan!" Angil niya. Sa ganda ng ayos niya at pamatay na kurba, tatawagin siyang "Kuya"! No way!
"Kuya naman---"
"Sabing Ate---"
"Oo na!" Kamot-ulo ang bata. "Ate na kung ate! Arte mo!" Ingos nito.
"Ano ba kasi problema mo?" Naloka siya at mas lalo itong pinandilatan. Gusto niya itong hampasin ng dala niyang backpack. Pero hinamig niya ang sarili, ayaw niyang ma-stress, sasabak nga pala siya sa kantahan. Dapat siyang mag-save ng maraming power ngayon. Dapat relaks lang! Dapat kalma lang.
"Ehh," biglang naging maamo ang mukha ni Caloy. Mukhang nag-aalngan sa nais sabihin.
"Ano? Magbibilin ka ng pasalubong? Sabihin mo na, okay? Nagmamadali ako." Napapaungol siya sa inis. Naaabala siya. Late na siya!
"Maganda ka naman, Ate e." Kamot-ulong puri nito.
Ngumiti siya. "Okay, thanks."
"Kung maayos ang suot mo," biglang sabi. "Kasi tingnan mo o, nakabulaklakin na bistida, naka-rubber shoes, naka-brown na hair band, itim na lipstick, tapos malalaking bilog na hikaw. Tapos 'yang bracelet mo, goma! At ang kapal pa ng buhok mo sa kilikili. 'Yang buhok mo sabog! Mahangin ba sa loob---"
"Magtigil ka na, Caloy!" Saway niya. Pakiramdam niya, kasinglaki na ng butas sa imburnal ang butas ng kanyang ilong. Labis na nag-iinit ang kanyang mukha. Labis na napapahiya habang pasimpleng sinisipat ang sariling anyo. Gash! E ano ngayon kung nakabistida akong floral tapos naka-rubber shoes? Paki ba nila?
Kinukumbinsi talaga niya ang sariling maganda at perpekto na ang kanyang porma! Pero kahit sarili niya, kinakalaban siya.
"Tama naman kasi ang kapatid mo, bakla ka!" Napairap siya.
"Ah basta!" Nagmatigas siya. "Okay na itong suot ko! Aalis na ako!" Pinal na sabi niya at akmang hahakbang.
"Kuya, saan ka ba kasi pupunta---"
"Magpapabuntis ako sa tomboy! Leshe!Judgemental ka! Pumasok ka na nga sa loob at magluto ka na ng hapunan natin! Magtira lang kayo ng pagkain ha!" Mataray niyang mando at habilin dito. Pagkuwan ay mabilis siyang humakbang paalis pero nahabol pa rin siya ng pambihirang kapatid.
"Ate sandali!"
"Ano ba Caloy! Late na ako sa---ano 'to? Aanhin ko ito? Tingnan mo at ipapalamon ko 'to sa 'yo!" Iritable at may himig pagbabanta niyang angil sa kapatid. Iniabot kasi nito sa kanya ang isang notebook.
"Assignment! Takdang aralin! Alam kong alam mo 'yan. Sagutan mo muna." Walang abog na ungot nito.
Sa inis ay nahampas niya ito ng notebook sa tuktok.
"Aray ko naman, Ate!"
"Hindi ba makapaghihintay ang assignment na ito, ha! Bubukulan talaga kita Caloy kapag na-disqualified ako sa contest! Makikita mong bata ka!" Gigil na binuklat niya ang kuwadirno! "Matapos mong ikritiko ang kaanyuan ko, hihingi ka ng tulong-talino sa akin! Matibay ka! Alin ba dito, bilis!" Halos ingudngod na niya sa bunganga ng kapatid ang notebook.
"Ito o---uy makahablot naman ng notebook e. Iniingatan ko nga 'yan dahil wala tayong pambili."
"Magdadrama ka pa?" pinanlisikan niya ito ng mga mata. "Kaloka 'to," at saka niya binasa ang nasusulat na katanungan sa takdang aralin. Nangunot ang noo niya."O sige, mamaya pagbalik, sasagutan natin 'yan."
"Ate!" Reklamo ng bata.
"Oo na. Mamaya!" At tuluyan siyang tumalikod. Nagmamadali siyang dumeretso sa parlor ng kaibigang si Leyk. Magpapaayos siya at hihiram na rin ng desenteng maisusuot.
"HINDI na natin patatagalin pa ang mga sandali! Palakpakan natin ang unang kalahok na nagmula pa sa malayong bundok. Miss Bee Yutipol sa kantang "Crazy In Love." Anang emcee matapos ang mahabang pambungad na talumpati ng mga kilalang personalidad. Ipinakilala ang mga hurado para sa singing contest na iyon. Isiniwalat ang criteria for judging. At naghandog pa ng pampasiglang bilang.
Umugong ang palakpakan sa malawak na sport plaza nang magdilim ang paligid at tumutok ang makukulay na ilaw sa baklang nasa entablado. Makulay ang pulang evening dress ni Bee Yutipol.
Samantala, nagkukukot ang kaloobang himutok ni Cala sa loob ng backstage. Umabot nga siya pero napagkasunduang siya ang pinakahuling kalahok. Kamakailan lang pangatlo siya ayon sa impormasyon, ngayon pangsampu na! Ha! May dayaang nagaganap!
Feeling lang naman niya.
Subalit 'di siya padadaig! Walang kaba-kaba! Laban! Mananalo siya, ibibigay niya ang kanyang best para magwagi.
Pero nang pumailanlang na ang malamyos at buong tinig ng baklang unang kalahok, parang piniga ang tuhod ni Cala. Parang gusto niyang lumambitin sa leeg ni Christian Grey. Chos.
🎶I look and stare so deep in your eyes
I touch on you more and more every time
When you leave I'm begging you not to go
Call your name two or three times in a row... 🎶Tuluyan na siyang napanganga sa ganda ng boses ni bakla. Babaeng-babae ang boses. Paano na siya? Talo na siya!
🎶Just how your love can
do what no one else can...Got me looking so crazy right now,
your love's
Got me looking so crazy right now...
Got me looking so crazy right now,
your touch... 🎶Mas lumakas pa ang mga sipol at hiyawan ng mga audience. Palakpakan at paghanga sa magandang boses ni Bee Yutipol.
Hindi!
Siya si Cala Maganda! Maganda rin ang boses! Ha!
🎶Got me hoping you'll page me right now...
Your kiss..
Got me hoping you'll save me right now..
Looking so crazy in love's...
Got me looking
Got me looking so crazy in love... 🎶Pero talagang nakakakaba!
Bakit kasi sumali siya sa ganito? Para manalo at makapag-abot ng konting salapi sa ina.
Pero kahit kinukumbinsi niya ang sarili, nawawalan talaga siya ng tiwala sa sarili. Mabuti pang umuwi na.
"Ops! San ka pupunta, aking Cala?" At sumadsad ang mukha niya sa malapad na dibdib ng mabangong lalaki. Napakapit tuloy siya sa mga balikat nito habang nakahapit naman ang isang braso nito sa kanyang bewang.
Isang braso? Teka...
Tumingala siya.
"Anton Van! Kupalin ka! Sabi ko na nga ba!" Bigla siyang napahiwalay sa nakangising lalaki.
Kaya pala pinanghinaan siya ng loob dahil narito na naman ang kalaban niya sa katahimikan ng kanyang buhay!
"Surprise! Numero unong tagahanga mo ako." Kumindat pa ito sa kanyang pagkainis.
BINABASA MO ANG
Cala Van (COMPLETED)
Nouvelles"Gusto ko, akin ka na. Gusto ko, may masuyong dahilan ka na para bigyan ako ng pansin kahit hindi na kita asarin." Cala at Van. Parehong matapang. Parehong may depekto sa katawan. Kung ganoon, ang tapang ba nila ay p'wedeng makabuo ng pagkakaibigan...