Log In 1

386 26 6
                                    

Hi, Clyde jaden nga pala ang inyong lingkod *wink*

Sabi ko sa sarili kaharap ang salamin na nagsasabi ng katotohanang gwapo ko, este muka akong sabog, in more appropriate word ay walang na tulog.

Puyat nanaman kasi ko sa magdamag na paglalaro ng online game, wala eh, gamers life. Kumbaga natural na samin ang pagiging nocturnal. It wasn't on purpose, technically I lose track of time hehe. Reasoning! Hahaha

Heto at nag-aayos ng sarili at syempre ng kwarto ng makababa na para sa almusal.

21 years of existence pero wala parin akong permanenteng trabaho.

Yeah right, but hold up don't judge too quickly.

Di ako yung walang trabahong palamunin at pabigat,
I do extra’s pagdating sa computer, bunga na rin ng pagiging gamer.

Encoder o nagtatype ng mga kung anu-anong files, not the company papers just the small ones, pc format, pc upgrade, o ano pa mang konektado sa computer.

For short Im a computer geek.

Atsaka, kumikita rin kaming mga gamer sa online gaming through selling in-game item into real money or streaming.

Kumakain na ko ng agahan ko ng maisipan kong buksan ang tv, sa sala ko naisipang kumain ng biglang napukaw ng mata ko ang salitang “Virtual” sa television.

. . . “Isang malaking anunsyo po ang aming hatid, . . bla bla bla” sabi ng tagabalita.

“Virtual reality gaming console, matagumpay na naimbento ng DreamCatcher team na kilalang grupo ng mga scientist sa larangan ng teknolohiya.” Pagbabasa ko ng pabulong. . .

.

.

Kamuntikan ko maibuga sa samid sa bigla ang aking kinakain ng mag-sink in sa utak ko ang nabasa ko.

Wow! Sa tinatagal tagal ng panahon nagawa rin nila.

Pangarap lang to ng halos lahat ng gamer. Ang hirap maniwala pero malinaw na narinig ng mga tenga ko at binasang maigi ang anunsyo sa tv.

Wow! Just… WOW!

“. . .Kasalukuyang under development pa ang ibang program ng nasabing console for hackproof para tuluyan na itong ilabas sa merkado at sa buong mundo. Bla bla bla…” ika ng reporter sa tv, "Ayon pa sa nakalap naming impormasyon ay magkakaron ng Super-AI o Super Artificial Intelligence ang server para sa mga larong gagawin na syang inihanda para sa mga virus's, hackers, loopholes, glitch o ano pa mang ikasisira ng laro na syang aayos o gagawa ng real time update sa game..."

May iba pang sinabi at komento ang mga reporter pero nalingat na ang kaisipan ko sa mga ideyang nasa isip ko.

Tulad ng, anu-ano kayang mga vrmmorpg ang gagawin at gano kaya kahirap ang mga to at kung anu-ano pang random na bagay bagay ang tumakbo sa isip ko patungkol sa virtual reality console.

Marami ng nagawang vr pero salungat sa inaasam ng karamihan saming mga gamer, tulad nalang ng ibat-ibang klase ng vr boxes kung tawagin na kung saan mavivisual mo ang isang 360 degree videos o games, but in reality your aware na may suot ka lamang na gamit kung saan natatakpan ang buong paningin mo. It’s just like watching a cinema viewing it at full sight.

Pero ngayon, finally someone or somebody or kung sino man sila invented the full dive console.

Naexcite ako bigla dahil sa mga naiisip ko.

“. . .At!” Biglang salita ng reporter na kumuha uli ng atensyon ko. “Isa pang pahabol na balita, ayon sa impormasyong binigay samin, kasabay ng launch ng vr console ay sya ring pagrerelease nila ng kauna-unahang vrmmorpg, pero sikreto muna ang pangalan ng larong ito.”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at nagulat.

“Damn!” Nasambit ko nalang sa sarili ko.

Napakalaking balita neto. Siguradong di magkamayaw ang gaming industry neto.

Kailangan ko pa mag-ipon ng malaki-laking pera para sa vr console at kopya ng nasabing larong yon.

“Nak, ubusin mo na yang almusal mo, lumamig na dahil tulala ka dyan.” ika ni mama.

“Opo… narinig nyo po ba yung balita ma?” Sagot ko.

“Bakit anak, bingi naba ang mommy? Onaman nak, at sigurado akong nagpapantig ang tenga mo sa balitang yon haha.” sabi ni mama.

“Hahaha.” Sabay naming tawa ni mama.

Kilala ako ni mama, di sya againts sa pagiging gamer ko as long as alam ko ang responsibilities ko sa buhay.

At alam kong alam nya ring paghahandaan ko ang launch at release ng kauna-unahang VRMMORPG na yon.

Lifeline Online: New World OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon