Log In 7

299 28 3
                                    

Di ko maiwasan ngumiti sa ideya na may nakuha akong unique equipment with uncommon stats effect. Tama lang ang desisyon ko na pagtyagaan ang quest na to, dahil tulad ng nalalaman ko, bilang isang gamer, ang isang mmorpg game ay may mga special npc na syang nagbibigay ng quest na di rin pangkaraniwan pero paniguradong maganda ang reward, At ayun ang hinala ko sa non-player character na si Mr. Conner.

Tama ako ng hinala.

Naka-equip na sakin ang gauntlet na nakuha ko at sa kaliwang kamay to nakasuot, namangha ako dahil sakto ang fit neto at di kalakihan kung tignan, tinakpan lamang neto ang aking kamay. Habang pinagmamasdan ko ito ay bigla akong natulala sa nakita sa aking sarili. . .

“G*dammit!” bulong ko sa sarili ng madiin.

Nakita ko lang naman ang sariling naka-topless, tanging boxer short lang ang suot ng magawi ang paningin ko sa katawan ko habang pinagmamasdan ko yung gauntlet sa kamay ko.

Asar! Nawala sa isip kong wala nga pala kong panimulang equipment at weapon.

Kailangan ko na talaga makapuntang town.

Agad kong hinarap si Mr. Conner at nagtanong, “Mr. Conner, alam nyo po ba kung saan ang daan papuntang town of beginings?”

Ayon sa manual, unti-unting gumuguhit ang mapa sa system ng player habang ito ay naglilibot sa isang lugar, ngunit pwede ring bumili ng map ng isang lugar sa isang merchant na nasa town. Pero hindi lahat ng klase ng map ay mabibili sa merchant, tanging lugar lamang na map ang mabibili, dahil ayon rin sa manual ay may ibat-ibang uri ng map sa larong ito at nasa player na iyon para alamin o tuklasin kung anu-ano ang mga iyon.

“Bakit, anong kailangan mong gawin doon?” sagot ni Mr. Conner.

“Kailangan ko lang po kumita ng pera bilang pangunahing pondo sa paraang pag-kumpleto ng quest na may reward na pera na manggagaling sa mga villager at ng makabili na ko ng simpleng equipment.” tugon ko, isa sa guide yon na nakalagay sa manual ng laro.

TIIING!
Due to vulgar competent you showed to Mr. Conner and had insight of you as a adventurer with respect, affinity with Mr. Conner has risen to 3!

Okay? Ang baba naman ng pagtaas ng affinity, well.. Better than nothing. Sa dami ng reklamo ko habang ginagawa ang quest, syempre mabuti na to.

“Ganon ba. Matutulungan kita iho sa problema mo. Tanggapin mo to.” sabi ni Mr. Conner at may iniabot na bilog na batong kulay puti na agad ko naman tinanggap.

“Receive item: Return stone (Town of beginning's).”

“Gamitin mo yan para makapag-warp ka sa town, basagin mo gamit ang kamay mo pero bago iyon magpapakilala na ko. . .” Sabi neto na sya ko namang pinagtaka.

Sya si Mr. Conner na special npc, kailangan nya paba magpakilala eh obvious naman sakin yon dahil alam ko naman ito.

Ngunit nagulat ako ng bigla itong mabalutan ng puting liwanag kaya naman hinarang ko ang kamay ko dahil di ako makakita sa pagkasilaw dahil sa liwanag na nanggagaling kay Mr. Conner.

Ng mawala ang liwanag ay mas lalo akong nagulat sa nakita ko, dahil si Mr. Conner ay biglang nagkaruon ng full set of armor at may hawak na long sword. Wow!

Teka, bat parang bumata sya? Pero sya to nakasisiguro ko pero nagbago ng konti, parang bumata ang itsura neto.

O dahil lang nadala ng armor? Hahaha! Lame joke I know.

Nagkatitigan kami ng tumingin ito sakin. . .

Magkatitig parin kami na parang may kung anong namamagitan samin. Syete ang gay ng dating non!

Nakatitig parin kami sa isat-isa.

“Wow hiyang-hiya ako sayo iho, napaka-lupet at astig ko tignan sa baluting ito kung susumahin at samahan mo pa netong epic long sword na to tapos poker face lang nakuha kong reaction sayo matapos ng transformation ko? . .” Sabi neto sakin na di ko malaman kung masama loob o ano.

Okay? ? ?

“Hindi pala kayo matanda?” sagot ko na seryoso and still with a plain face looking at him.

“Ayun lang sasabihin mo? Di bale na nga. . .” Sabi pa neto.

“Ako nga pala si Conner, ang Rama guardian. Isa ako sa mga guardians ng larong ito. At ang role naming guardians ay makahanap ng Adventurer o hunyer na may potensyal, isa kana ron, na syang pagbibigyan namin ng rare skill tulad na lamang ng natanggap mo mula sakin. Bata. . . Aasahan kong mailalabas mo ang buong potensyal ng rare skill na ibinigay ko sayo.” Mabilis at direkta netong pananalita.

Di ko alam bat ganito nararamdaman ko, masyado syang nakaka-intimidate, parang may nararamdaman akong kakaibang lakas ng aura na nanggagaling sakanya.

Natural lang siguro to dahil guardian ng laro ang kaharap ko pero di ko pinahalata ang emosyon ko kahit pa medyo hirap na kong huminga dahil sa pressure na inilalabas nya, gaano ba kataas ang level at lakas na meron tong npc na to? Kasabay narin ng ilang butil ng malamig na pawis.

“Ngayon nakapagpakilala na ako bata, tanggapin mo ang mga ito bilang reward dahil naipasa mo ang pagsubok na ibinigay ko.”

“Item receive: Map part I.”

“Gc(Game currency) receive: 1 silver.”

“Gamitin mo ang map na yan upang makumpleto ang unique equipment. Magkikita pa tayo bata. . . Balang araw.” ang huling sinabi pa neto bago naglaho na parang pixelated graphics.

“WORLD NOTIFICATION: Rama, the Fist Guardian's quest has been completed!”

“. . .hmmm?” Pagtitig ko sa virtual screen.

. . .

. . .

(O_O) !!

“Wait! What?!!” gulat na sabi ko.

What the fudge?! It was meant to be a world notification?

What did I do to my past life? Napaka-swerte ko naman at may na-trigger akong hidden quest ng special npc at natapos ko pa.

Natuwa na ko dahil sa mga natanggap ko, mas lalo pang nagpalaki ng ngiti ko itong lumabas sa virtual screen ko.

I guess my first log-in wasn't that bad.

I made a World notification on few days of the vr game!

Parang nagboost ang buong energy sa katawan ko dahil dito o over-reacting ako? Basta ang alam ko sobrang natutuwa ako.

Milestones para sa layunin ko. Way to go!

Paniguradong paguusapan ang tungkol sa World notif na ito.

Urgghhh! I can't hide this emotions inside me, halu-halo, positive vibes overflowing through me.

“Hooo!” Di ko na napigilan at naisigaw ko na sa tuwa ang nararamdaman ko.

Dumungaw ang isang huling ngiti sa mga labi ko bago ko naisipang gamitin ang return stone para mag-warp sa town.

“Heto ang mundo ko. . .” sabi ko sa sarili na may pag-ngisi kasabay ng pagbasag ko sa return stone sa pagitan ng aking kamay.

---

Sana nagustuhan nyo guys.

As I say, this story is still on plotting so stay with me po sa bagal ko mag-update. Hehe..

Click vote! Thanks!

Peace out!

Lifeline Online: New World OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon