Log In 11

122 15 6
                                    

The only reason kung bakit maaga akong nag-off sa laro ay para i-exercise ang katawan ko.

Just some basic compound exercises at jogging,
Linggo naman ngayon at walang pasok kaya naman sasamantalahin ko na.

Isa pa, tingin ko'y mas maganda paring nasa kondisyon ang pangangatawan ko.

Hindi rin maganda na buong araw akong nakahiga gamit ang console.

Ayon sa game manual, may capsule na partner ang console ngunit mahal ito.
Depende nalang kung mayaman ang isang user at hindi ito issue.

Pero sa part ko, hindi ko pa mabibili iyon.

Isa itong capsule na kung saan mas relax ang katawan mo, bahagyang nakahiga ang katawan ngunit nakaupo ka lamang sa loob neto.

Isa itong capsule na partner ng console para i-massage ang muscles mo to make it active,
Hindi nga naman magandang napapabayaan lamang ang totoong katawan dahil masyadong enjoy ang user sa mundo ng LLO.

Kaya heto ako at nag-exercise, di naman bago sakin ito. Every now and then ginagawa ko na ito.
Wala pa man din ang laro ay nakahiligan ko narin ang mag-exercise with some outdoor sports.

Matapos ang aking exercise ay muli akong nag-online para sulitin ang the rest ng linggo, dahil weekdays are school days.

***

Nasa sentro parin ng Bloody desert town kung saan ako nag-log out.

Kahit pa ito'y underdeveloped na town ay di ko parin nalilibot ang kabuuan neto.

"Pre, narinig mo ba yung kaganapan kagabi?" Dinig kong sabi ng isang player.

"May isang hunter raw ang nakakuha ng quest direkta sa npc." Dugtong pa neto.

"Paano? Eh diba mahirap makakuha mismo ng quest sa mga npc sa LLO?" Tugon naman ng isa pang player..

So totoo nga hinala ko, pahirapan nga maka-trigger ng quest sa mga npc.

"At balita ko rin, wala rin special na pananalita na ginamit ang player, kusa itong ibinigay ng npc."

"Swerte ng user na yon, samantalang tayo umaasa lang sa quest na bigay ng Hunters association."

Hunters association?

Di ko na narinig pa ang ilan sa pinag-uusapan nila dahil palayo na ang dalawang player.

Pero sa tingin ko'y may ideya ako kung ano ang pinag-uusapan nilang player ngunit tungkol sa Hunters association ay wala akong alam.

Sinubukan kong hanapin ito sa town at hindi naman ako nabigo.

Tinignan ko ang kabuoan ng building, two story building lamang ito.
Gaya ng ibang establishments ay plain looking lang rin ito, may sign board sa itaas ng pinto na Hunters association.

Pagpasok ko ay agad akong may nakasalubong na ilang mga players na papalabas ngunit dumiretso ako sa isang pwesto na may npc attendant.

"Hi Hun. . . Adventurer?" Pagbati sakin ng babaeng attendant na parang naguguluhan. "Nais mo bang mag-register upang maging hunter?" Dugtong neto.

Hunter?

"Isa sa mga privelege ng pagiging hunter ay maari kang makatanggap ng quest na naaayon sa iyong kakayahan. . . Ilan sa mga ito ay Subjugation quest, Kill quest, Gathering quest." Litanya ng naguguluhang attendant.

Wow, may nage-exist palang ganitong organisasyon para matulungan ang mga player na magka-quest ng mabilisan.

How nice, ngayon ko lamang nalaman.

"Base sa nakikita kong reaction mo Adventurer, mukang di ka aware sa organisasyong ito? At sa equipments na suot mo maliban sa level 1 blade, ikaw ay nasa level 3 na." Muli netong pangungusap sakin.

"Ah eh. . . Oo, pasensya at ako'y naguluhan pa ng malaman ko ang Hunters association." Nahihiya kong tugon. "At Oo, nais kong magpa-rehistro bilang isang hunter."

"Naiintindihan ko. Kahit ako ay nabigla na may Adventurer pang hindi registered as hunter at higit sa lahat ay level 3 na. Napansin ko na ikaw ay walang hunters badge sa iyong equipment kaya naman nalaman ko agad na ikaw ay isa paring Adventurer." Mahaba netong litanya. "50 copper coins para sa registration fee."

Agad akong nagbayad at binigyan lamang ako ng badge.

Received Hunters badge.

Chineck ko ang status window ko.

User: Clyde (Hunter)
Level: 3 (Hp/Mp: 400/200)
Title: *Empty

Main statStatus point: *Empty
Str: 25
Dex: 20
Int: 15

Other stat
*Can't stack up status point to level
Insight: 18
Reputation: 10
Haggling: 14

Ngayon, isa na akong hunter.

"Salamat" Sabi ko sa attendant na tinanguan nya ng ngiti at mahinhin na pagyuko.

"Maari kanang tumungo sa mga quest boards at i-accept ang ano mang quest ang iyong naisin. . .

May the light of Goddess Ley guide you Hunter." Sagot ng naturang attendant.

Agad kong tinungo ang mga quest boards at humanap ng quest.

May ibat-ibang category ang quest boards dito sa hunters association depende sa hirap ng quest.

Normal, Hard, Very hard, ???

Ang question mark level ng quest ay obvious, di matutukoy kung gaank ito kahirap.

Naghanap ako ng may magandang reward.
Gathering... Gathering... Subjugation... Kill quest.

At ang napili kong quest ay ang Kill quest na nasa hard level ang level of completion.

Quest: Kill Corrupted Bandit

Reward: 50 Silver coins
Reputation +5

TIIING!

Quest: Kill Corrupted Bandit (Accepted)

Okay, let's do some killing!

--
AN: Maikli lang po.

Peace out!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lifeline Online: New World OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon