Log In 6

206 23 0
                                    

BLAG!

TIIING!

“Quest: How sturdy you are Mr. Straw hat. (Complete)
Reward: Gauntlet of Divine retribution.”

TIIING!

“Mastery rank up! Bare hands mastery Expert.”

"Mastery rank up! Endurance mastery is now Intermediate."

Ito ang mga lumitaw sa aking virtual screen pagtapos kong mapabagsak ang dummy.
Oo gaya ng sabi ni Mr. Conner ay pinataob ko ang dummy,
gamit lamang ang suntok.

Inabot din ako ng ilang araw dahil lang sa quest na to.

Tatlong araw na ang lumipas simula ng pagpasok ko sa larong ito at dahil lang yon sa pagpapataob ng dummy na to.

24 hours in real time is 5 days sa loob ng Lifeline online.

500k ang health points ng training dummy na ito, Oo isang training dummy lang.
1 lang ang naibabawas ko dito per hit ko gamit ang suntok kaya naman tumaas sa rank Expert ang bare hands mastery ko,
Limangdaang libong beses ko ba naman pinagsasapak ang dummy na to eh.

May mga parte na parang sukong suko na ako dahil makalipas lamang ang ilang oras na depleted na ang stamina ko at tinatamaan rin ng gutom sa birtwal na mundong to pero dinadalhan ako ng tinapay at kape ng matandang si Connor tatlong beses sa buong maghapon pero di sapat para sa recovery ng stamina.

Maswerte pa ako at di nagre-regenerate ang HP ng dummy, ang pait ng salita kong maswerte pa ko sa sitwasyon na yon.

At ang nakakatawa pa, habang ginagawa ko ang quest na to ay pinagtatawanan ako ng mga player na dumadaan dito sa training camp sa nagdaang tatlong araw.

“Pre tignan mo may noob, walang ginawa kundi suntukin yung scarecrow hahaha!”

“Hala nabaliw na, nag-advance ang technology pero utak netong player na to di ata sumabay.”

“Tss Tss Tss! Tanga.”

"Alam mo bang wala raw ibang ginawa yan sa mga nakalipas na araw kundi suntukin yung dummy, di ko alam kung sakanya ako maaawa o doon na lamang sa dummy."

"Peak of Newbie." At heto na ang naging tawag sakin ng mga players na nakakita sakin sa mga nagdaang araw na yon.

Ilan lang yan sa mga narinig kong sabi sakin ng mga dumaan.
Muntik ko ng i-give up ang quest dahil sa mga narinig ko.
Pero hinayaan ko nalang, ewan ko ba, di ko alam sa sarili ko, pilit kong pinagtyagaan ang quest na to tapusin.

Dahil naisip ko ang nabanggit ng npc na si Matandang si Conner na pagsubok ang ibinigay nya saking quest.
At konektado ang pagsubok na to sa passive skill na nakuha ko which is yung Mastery grinding skill ko.

Isa pa, napansin ko ring walang description ang quest na na-receive ko na dapat ay may nakalagay kung anong gagawin.
Title lamang ang meron ito kaya sinunod ko nalamang ang sinabi ni Mr. Conner na pataubin.

Ayun ang mga nasa isipan ko kaya’t di ko binitawan ang quest ng npc na si Mr. Conner.
Dahil kung advance ang technology’ng ginamit upang ma-access ang mundong ito,
advance rin dapat ang larong ito.

“Tingin ko hindi lang simpleng laro ito. . .” bulong ko na lamang sa sarili.

Agad kong hinarap si matandang Conner pagkasabi ko neto na syang nasa likuran ko lamang na nanunuod.

“Okay na po Mr. Conner.” Agad kong sabi bilang galang kahit sinusumpa ko na sya sa loob loob ko at itinuro ang nakatumbang dummy.

“Magaling! Magaling! Kakaiba ka iho, di ko inaasahan ang nakita ko.” tugon neto.

Lifeline Online: New World OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon