Natapos ko ang pinagawa sakin bilang quest ni Mr. Conner at agad ko syang pinuntahan sa munting kubo nya.
“Magaling iho, dahil sa tulong na iyong nagawa ibibigay ko na ang kaukulang reward.” sabi ni Mr. Conner.
Agad nyang iniabot sakin ang isang libro na kulay abo na may lining bilang marka at ang bawat lining neto ay mistulang mabagal na nagwewave habang itoy naggo-glow.
Ayon sa game manual na binasa ko habang ini-install ko ang laro sa console,
Ang bawat skill book ay may kanya-kanyang kulay para malaman kung anong klase ng skill ito, ang skill book ay isang libro na may mga markang linya na kumikinang habang umaalon ng mabagal o mas tinatawag na optical illusion.
Ang mga klase ng skill book ay Active skill book, Sub-skill book, Passive skill book.
Pulang kulay para sa Active skill book, Asul para Sub-skill book, at kulay Abo para sa Passive skill book.
At meron pang isa na kung tawagin ay Unknown skill book.
Tinawag itong unknown dahil walang kahit isang info ang nakatalaga sa manual pero inilagay parin nila ang tungkol rito.
Sabi pa sa manual na kapag may isang player ang nakakuha at magamit ito ay agad na ia-update ang laro dahil isa ito sa future feature ng laro.
Dahil narin sa pagbabasa ko kaya alam ko na passive skill book ang ibinigay sakin.
Agad ko itong tinanggap.
“Receive: Skill book of Mastery grinding(Passive)” Ito ang lumabas sa aking Virtual screen.
Agad ko naman itong pinindot o tinap ang mismong libro.
Lumabas sa virtual screen ang info ng skill na nakuha ko.
Skill book of Mastery grinding: A passive skill that allows your overall mastery to gain experience in every hit you make.
Sa ibaba ng virtual screen ay may nakasulat na “Learn” na sya ko namang pinindot na nagpawala sa libro. Nabalot ng puting aura ang katawan ko pero panandalian lamang ito at nawala. Senyales iyon na naging skill ko na ang Mastery grinding.
Di ko masyado madama kung talaga bang dapat na rare item ang label sa skill na natutunan ko.
Di ko alam kung may pakinabang ba to, passive skill lang pala, di ko naman magagamit.
Mas okay pa sana kung active skill nalang binigay.
“Salamat po Mr. Conner, sana manlang ginawa nyo ng active skill para naman magamit ko.” Sabi ko.
Tinignan nya ako ng seryoso kaya naman agad kong bawi,
“Biro lang po. Hehe..” dugtong ko pa na may pilit na tawa.
Natawa naman bigla si Mr. Conner na syang pinagtaka ko tsaka sya nagsalita.
“Nakakatawa ka iho, passive skill lang yan pero wag mo maliitin ang bigay na kakayahan sayo nyan. Dadating ang panahon malalaman mo kung bakit.” sabi pa neto.
“Ahh.. Okay po, hehe.” tugon ko at ngumiti.
Kahit naguguluhan ay naniwala ako dahil naisip ko rin na bakit naman le-label’an ng rare ang isang item kung wala itong pakinabang.
“Iho, hayaan mo kong patunayan sayo na higit na makatutulong sayo ang ibinigay kong kakayahan.” Sabi ni Mr. Conner.
“Tanggapin mo ang pagsubok na ito..” Dugtong pa nya.
Lumabas sa virtual screen ko ang mga sumusunod.
“Receive quest: How sturdy you are Mr. Straw hat.”
Pagsubok ha. Game ako dyan, mukang mapapasabak na ko sa totong aksyon ah.
Sino kaya tong Mr. Straw hat na to?
Agad kong inaccept ang quest.
“Quest accepted: How sturdy you are Mr. Straw hat.
Reward: Gauntlet of Divine retribution”
Sinundan ko palabas si Mr. Conner dahil bigla itong lumabas, sinusundan ko lang sya ng bigla itong huminto sa open field kung saan may mga scarecrow.
“Ang pagsubok ko sayo ay pataubin ang isa sa mga scarecrow na ito.” Sabi ni Mr. Conner.
Seryoso itong nakatingin sakin na para bang naghihintay ng isasagot ko.
Okay? Patataubin lang naman eh. . .
Ehh??
“Ano patataubin ko lang? Pagsubok naba yon? Nagbibiro ata kayo Mr. Conner hahaha.” sagot ko habang tumatawa ngunit seryoso parin si Mr. Conner.
Agad kong binawi ang postura ko at inayos ang sarili.
Tinanggap ko ang quest kaya kailangan ko tong tapusin, ayokong may naiiwan akong bagay na naumpisahan ko na.
Pero ang kataka-taka, bat sa dummy na to pa?
Akala ko pa naman makakaranas na ko ng aksyon sa larong to pero isasantabi ko muna yon, focus muna ko dito sa quest na to.
Tinignan ko ang mga scarecrow.
Tulad lang ito ng normal na panakot uwak, kahoy na binalutan ng dayami at dinamitang pantao at may straw hat o yung sumbrerong pang-magsasaka.
Biglang may lumabas sa ulunan ng scarecrow na Health bar o HP bar na syang kinataka ko ng titigan ko ito at may name ito na Training dummy.
“Napansin mo na sigurong may HP bar ang mga yan. Kaya umpisahan mo na iho..” sabi bigla ni Mr. Conner.
Teka, maalala ko nga pala. Wala pa kong weapon, anong gagamitin ko?
Dibale na nga, patataubin lang naman eh.
Kaya na siguro ng isang suntok to.
BOOOGS!
TIIING!
Biglang may lumabas sa virtual screen ko.
“Bare hands mastery learned!”
Ehh? Bat di nabali o nasira tong training dummy? Pagsuntok ko ay yumugyog lang ito bahagya.
Agad kong dinambahan muli ito ng isa pang suntok at laking gulat ko sa nakita ko.
1 lang ang damage na nagawa ko? At ang nagpalaki pa ng aking mata ay ang HP ng training dummy na to.
500 thousand?
“The heck?!” naibulalas ko nalang sa sarili dahil sa inis at pagkabigla. Mabuti nalang at isa lang ang kailangan pabagsakin, anim ang dummy na nasa harapan ko, I guess swerte parin? Di ko masabi, parang ang pait sabihin na swerte ako sa sitwasyon na to.
Kung may weapon lang sana ko baka mapabilis pa konti ang pagtapos ko sa quest na to pero walang ibinibigay na kahit ano pagka-warp sa laro ayon sa manual, lahat ng player sa ganon mag-uumpisa, sa wala.
Di ko naman alam kung saan ang town dito para makabili ng weapon, at kung may mabibilhan naman ng weapon, wala naman akong in-game currency o pera sa laro.
Makakakuha ka ng reward na pera sa laro kapag tumulong ka sa mga simpleng quest sa town tulad ng pagtulong sa mga villager.
Nagsisisi na ko kung bat dito ko pa naisipan sa training camp mag-warp bilang starting point!
---
Salamat sa mga nag-vote!
Peace out!
BINABASA MO ANG
Lifeline Online: New World Order
Science FictionIsang makabagong mundo sa loob ng isang laro. Birtwal na mundo na syang magbabago sa reyalidad mo. New era, New life start, New journey. . . New world And... a NEW WORLD ORDER.