Chapter Five

13.8K 364 10
                                    

NOON, hanggang ngayon, hanggang maaari sana ay ayaw ni Mack na magkaroon sila ng bisitang babae, lalo na at hindi nila kaano-ano. Iyon ay dahil sa isang pangyayari noong nasa high school si Beka. Nagdala ito ng mga kaklase sa bahay nila dahil magpa-practice umano ang mga ito ng sayaw para sa foundation day ng school.

Okay naman. Tinanggap niya ang mga ito nang maayos. Nakipagkuwentuhan pa siya at pinakain ang mga ito. Nang umalis ang mga ito, akala niya ay hanggang doon na lang. Hindi pala. Nang mga sumunod na araw, ginulo siya ng mga tawag at bigla-biglang pagbisita ng isa sa mga kaklase ni Beka na panauhin nila noon.

Na-obsess sa kanya ang babae. Hindi siya tinantanan hangga't hindi niya isinusumbong sa mga magulang nito. Pagkatapos niyon, mga death threats na ang natanggap niya mula sa babae. Hindi na lang niya pinansin ito. Ang katwiran niya, kung papansinin niya, lalo lang itong magiging determinado.

Naging mahirap iyon para sa kanya dahil may mga pagkakataon na gusto na niyang patulan ito, as in harapin at pagalitan ang babae. Umabot yata sa kalahating taon ang panggugulong iyon ng babae. Ayaw na niyang maulit ang ganoon kaya pinagsabihan niya si Beka. Naintindihan naman siya ng kapatid at hanggang maaari nga ay umiiwas itong magdala ng mga kaibigan sa kanilang bahay.

Pero may mga dinala na naman ngayon ang kapatid niya. Hindi niya namalayan nang dumating ang mga ito. Nakatulog na siya sa pagod dahil hindi biro ang nilakad niya. Kaya bagsak agad siya sa higaan pagdating niya. At kahit wala pa siyang intensiyon na matulog, nakatulog siya.

Naalimpungatan lang siya bandang alas-dos ng madaling-araw dahil may narinig siyang mga tawanan at mga boses. Nagmumula ang mga iyon sa silid ni Beka kaya alam niyang may mga kasama ito. At kung minamalas, ang mga kaopisina nitong BI ang iniuwi nito.

How right he was.

Because one of them was standing by the door of the dirty kitchen where he was drinking his coffee. May maliit silang Formica table doon at kadalasan ay doon sila kumakaing magkapatid. Minsan lang nila gamitin ang dining table sa labas.

Sinadya niyang hindi batiin ang babae. It was the woman in white turtlenecked blouse last Saturday—ang leader ng mga BI. Her hair was wild. It reminded him of Beka's doll. Iyong ginupitan ng kapatid niya, pagkatapos ay pinabayaan na hanggang magdikit-dikit ang buhok dahil sa alikabok. Ganoon ang buhok ng babaeng nakatayo sa harap niya.

And she was wearing his robe. Kaya pala hanap siya nang hanap doon kanina.

"H-hi," bati ng babae.

He knew she was trying to smile, pero ngiwi ang lumabas sa pilit na pagkakangiti nito. Gustong matawa ni Mack. Lalo niyang pinasungit ang anyo. Hindi siya nagsalita. Tinitigan lang niya ito.

"G-good morning," bati uli nito. "N-na-stranded kami kahapon. Hindi kami makauwi. Dahil mas malapit itong inyo, niyaya na lang kami ni Beka rito. Naglakad lang kami," paliwanag nito.

Hindi pa rin siya nagsalita. Minasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Sinadya niya iyon para lalong takutin ito. Halata namang nerbiyos na nerbiyos at hiyang-hiya ito.

Well, that was good news. May hiya pala ang babae.

"C-can I have a cup of coffee?" tanong nito.

Well, erase what he just thought. Walang hiya pala ito.

Tumayo siya, tiningnan uli ito nang seryoso, pagkatapos ay nilampasan na niya sa doorway.

"Ano 'yon?" bulong nito, ngunit narinig niya.

Napangiti siya.

"Excuse me!" habol ng babae. "Magkakape ako, puwede?"

He just shrugged.

"Magkakape ako sa ayaw at sa gusto mo. Bisita ako," mataray na sabi nito.

Ang mga maldita talaga, sa loob-loob ni Mack, kahit magtangkang maging anghel, lumalabas pa rin ang pagkamaldita.

Pumasok siya sa kanyang silid, dumiretso sa banyo na kanugnog niyon. Mabilis siyang nag-shower at nagbihis. Ayon sa balita sa TV kanina, sarado pa rin ang mga kalsada dahil ongoing pa rin ang rescue operation. Mukhang maglalakad na naman siya pabalik naman sa opisina, kaya kailangan na niyang simulang maglakad. Hindi naman sa wala siyang pakialam sa nangyayari sa Pilipinas. Sa katunayan, isa siya sa mga nagimbal at nagalit.

Kaya lang, nangyari na iyon. Ang pinakamagandang gawin ay ang ituloy ang buhay. Walang karapatan ang mga teroristang iyon na patigilin ang pag-inog ng buhay nila o ang baguhin iyon dahil sa baluktot na katwiran ng mga ito.

Kaya, it was business as usual for him.

Paglabas niya ng silid, kahit inaasahan na niyang makikita uli ang bisita ni Beka, nagulat pa rin siya nang makitang kumakain ito ng almusal sa dining table—feeling at-home.

"Kain ka," yaya pa nito, parang nang-aasar.

Nilapitan niya ang babae. "Naiintindihan ko na wala kayong matutuluyan kagabi. Pero hanggang doon na lang 'yon. Ayoko nang bumalik pa kayo rito. Iwasan n'yo na si Beka. Pinag-resign ko na siya para makaiwas sa inyo dahil hindi ko nagustuhan ang mga nakita ko sa inyo, lalo na sa iyo."

Kitang-kita niyang nagulat ang babae. Hindi nito naituloy ang pagnguya sa tocino na pinrito niya.

"Nagkakaintindihan na siguro tayo," aniya.

Pabagsak na binitawan ng babae ang kubyertos at tumindig. "Kaibigan ang turing namin kay Beka dahil mabait siya. Mahusay siyang makisama at makipagkapwa-tao. Sumama kami sa kanya rito dahil doon. Hindi namin alam na may kasama pala siyang kuwago sa bahay na ito. Huwag kang mag-alala, hinding-hindi na tayo magkikita uli, mister!"

"Good," ani Mack.

"Salamat sa almusal at sa kape," sarkastikong sabi pa nito.

"You might as well thank me for that robe," he said with the same sarcasm.

Napanganga ito.

"Ah, okay," anito, sabay hubad ng robe. "O, isaksak mo sa baga mo!" Isinalpak nito sa dibdib niya ang robe.

Siya naman ang napanganga at nanlaki ang mga mata.

Bakit ba binanggit pa niya ang robe? Nalantad tuloy sa kanya ang dibdib ng babae. Natatakpan iyon ng puting sando pero manipis at malalim ang neckline niyon. Kitang-kita niya ang hugis at ang size ng dibdib nito, pati nipples.

He groaned inside. Iyon ang isa pang rason kung bakit ayaw niyang magkaroon ng bisitang babae sa bahay nila. Hanggang maaari ay ayaw niyang matukso o maakit sa kahit sinong babae dahil wala pa sa plano niya ang pag-aasawa. Hindi pa umaabot sa target amount niya ang kanyang personal savings.

Inisip na lang niya na napagsabihan na niya ang babae. Iyon na ang huli nilang pagkikita. Tinalikuran niya ito.

Blush Series 3: Crush Curse (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon