"NOONG isang gabi pa ako text nang text at tawag nang tawag sa 'yo, bruhilda," sabi ni Mirinda nang tumawag si Beka sa opisina.
"Pinabura ni Kuya ang mga pangalan n'yo sa cell ko. Hindi pa nakontento, tinanggal pa ang SIM. Ikukuha na lang daw niya ako ng plan. Nandito ako sa tahian, dito ako tumatawag."
"Ang bangis naman talaga ng alaga mo. Ano'ng nangyari? Nakita na niya si Buddha?"
"Oo. Kaya nga kinumpiska ang SIM card ko. Huwag na raw akong makipag-ugnayan sa inyo."
"O, eh, bakit tumatawag ka ngayon?" Kung psychiatrist lang siya, ginamot na niya nang libre ang Kuya Mack nito. Sobra nang pasaway!
"Wala, na-miss ko lang kayo. Kapag may bago na akong cell number, tatawag uli ako."
Natawa si Mirinda. "Wala kang kadalaan!"
"Sabi nga nila, women friends are good investment in later years. Ayokong tumanda na walang friends."
"I'm touched," biro niya, pero totoong touched siya. "Maiba tayo, mare. Napag-usapan namin nina Lala na mag-apologize ako sa kuya mo. Naisip ko na tama sila dahil ako naman talaga ang may kasalanan. Kaya tulungan mo ako. Paano ako magso-sorry sa kuya mo? I mean, kailangan ko bang magdala ng padulas?"
"Talaga?" ani Beka pagkatapos ay sandaling natahimik.
"Hoy, Beka! Nandiyan ka pa?"
"O-oo. Ano, tama nga sina Lala. Dapat kang mag-apologize kay Kuya. Galit na galit siya, eh."
"So, help me. How do I start?"
"Let me think..." Natahimik na naman ito.
"Hello? Earth to Beka. Kriinggg!" biro niya dahil ang tagal ng dead air.
"Alam mo kasi, si Kuya, kahit istrikto at masungit, malambot naman ang puso."
Iyon na yata ang pinakamalaking contradiction na narinig ni Mirinda sa buong buhay niya. Pero hinayaan na lang niya ang kaibigan.
"So?" aniya.
"Wala si Kuya ngayon sa office. Send him flowers na lang muna. 'Tapos, bukas ng hapon, puntahan mo siya sa office. Usually, hanggang eight ng gabi 'yon doon. Pero nakauwi na ang mga empleyado kaya makakausap mo na siya nang mabuti."
"Hindi mo ako sasamahan, kikay?"
"Hindi puwede, eh. Ikaw na lang mag-isa, tutal, maganda naman ang pakay mo."
"Sabagay. Sige na nga. Anong flowers?"
"Roses. 'Yong red. Tatlo."
Napahagalpak siya ng tawa. "Ano siya, jowa ko?"
"Tatlo para 'I am sorry.'"
"Ang corny. Pero effective kaya 'yon?"
"Oo. Gano'n ang ginagawa ko kapag may kasalanan ako sa kanya, eh. Lalambot na ang puso n'on. Kaya kapag kinausap mo siya tomorrow, hindi na siya galit. Tatanggapin na niya ang sorry mo at baka pumayag na siyang gumimik tayo uli."
"Okay. Tawag ka na lang uli, kikay. Ingat ka riyan sa tahian, baka matahi ang daliri mo."
Humagikgik si Beka. "'Kainis nga, eh. Dito ako idinestino at maghapon akong tinuruang manahi ng punda! Bukas, comforter naman! 'Di bale sana kung may pogi rito, kaso, wala! Panay nana 'yong mga nandito."
"Magdusa ka, uliran kang kapatid, eh."
"Sige na, ba-bye na. Tawag uli ako bukas."
Ibinaba niya ang telepono at ini-report sa nakaabang na sina Lala at Faye ang napag-usapan nila ni Beka.
"Three red roses," ani Faye. "Corny naman n'on."
"Tulips na lang." Si Lala.
"Roses daw, eh."
Kaya pagkalabas nila ng opisina, sa tindahan ng mga bulaklak tumuloy si Mirinda. Pumili siya ng bagong bukadkad pa lamang na roses.
Napatunganga naman siya nang ibigay sa kanya ang card. Ano ang ilalagay niya roon?
Si Lala ang nag-provide ng text.
BINABASA MO ANG
Blush Series 3: Crush Curse (Completed)
Romance"Akitin mo si Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na kasi nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may patakaran ang istrikto nitong kuya. Hindi puwedeng magpakasal ang kaibigan niya hanggang binata ang diktator nitong kapatid. Inis...