Chapter Fourteen

12.6K 280 1
                                    

"ARE YOU saying na nagpiprisinta ang babaeng ito na mag-model?" paniniyak ni Mack sa kapatid. Hindi niya malaman kung matatawa o maiiling. "Bakit?" But he must admit, impressive ang mga larawan na hawak niya.

"Kasi nga, gusto niyang makabayad kahit paano sa utang niya sa 'yo, para patawarin mo na raw siya. Hindi nga siya maniningil kung siya ang kukunin nating model pansamantala dahil nga hindi puwede si Kathrin, nabuntis ng Koreano," ani Beka. "Okay naman si Mirinda, hindi ba, Kuya? Photogenic siya."

He nodded. "But I'm not sure about it," aniya. Nakatingin siya sa larawan ni Mirinda na nakaupo sa kama, nakasandal sa headboard, may comforter hanggang baywang, nagbabasa ng paperback. Larawan ito ng isang masayang maybahay. Her hair was combed away from her face. her makeup wasn't too obvious.

"Pumayag ka na, Kuya. Naaawa na ako sa tao, eh. Kung kinakailangan nga raw na mag-bungee jumping siya sa San Juanico bridge para mapatawad mo siya, gagawin niya," pangungumbinsi pa nito. "At tipid tayo sa kanya, kasi nga libre.

"Magkano ba ang ibinabayad mo kay Kathrin, samantalang mas maganda naman si Mirinda kaysa sa kanya? Sa totoo lang, hindi mukhang maybahay si Kathrin. Mukha siyang starlet. Doon sa catalogue natin last year na may karga siyang baby, mukha siyang unwed mother."

"Oo na," pagpayag ni Mack. Napansin din naman niya iyon. Kaso lang, mahirap nang makahanap ng model na walang manager o agency, kaya pinagtiyagaan niya si Kathrin. Ang babae lang ang kakausapin at mas madali iyon para sa kanya. Tutal, hindi naman niya inagrabyado sa bayaran ang dating model.

"Payag ka na, Kuya?"

"Uh-huh." Tumango-tango siya. Close-up picture naman ni Mirinda ang tinititigan niya. Parang nakikipagtitigan din sa kanya ang babae; at noon lang niya napansin na expressive ang mga mata nito. Makapal ang eyelashes nito bagama't hindi masyadong mahaba ang mga iyon. Her nose was a typical Filipina nose. Hindi iyon masasabing matangos, pero hindi rin naman pangung-pango. Her mouth was generous and her lips were full. It was the angle of her jaws that gave her face character. She looked strong. And tough.

At aminado siya na ganoon ang hinahanap niya sa modelo. Mga maybahay ang target market niya. Mga pamilya. He wanted a model who could project the image of a tough, strong-minded homemaker. A model who would look capable, na kahit mabiyuda, hindi magugutom ang mga anak, and at the same time would exude sexiness. After all, sa mga kama kadalasan ang setting ng mga photo shoot.

"Great! Sasabihin ko kay Mirinda. Kahit bukas ng gabi, papayag na siyang magpa-picture."

"Okay. Kausapin mo na si Efren. Sabihin mong tawagan na niya 'yong photographer at set designer. Ipahanda mo na rin 'yong set para bukas ng gabi."

"Consider it done, Kuya. Iwan ko na 'yang mga pictures."

"Okay."

Palabas na ng opisina ang kapatid niya nang may maalala siya. "Saan ka nanggaling kagabi? Tulog na ako no'ng dumating ka."

"Nag-invite si Marybeth sa kanila. Death anniversary daw ng mother niya. Siya ang naghatid sa akin."

Mukha namang totoo ang sinabi nito dahil kahapon nang umaga ay nag-text na si Marybeth sa kanya. Nag-iimbita nga ito sa bahay dahil sa naturang okasyon.

"Sabay tayong uuwi mamaya," bilin na lang ni Mack sa kapatid.

Pagkalabas ni Beka ay hindi niya napigilan ang sarili na muling tingnan isa-isa ang mga larawan ni Mirinda.

He couldn't call her pretty, but definitely, she was not ugly. She was beautiful. At habang pinagmamasdan niya ang mga larawan, the more he doubted his impressions of her.

Maybe it was what others called "seeing someone in another light." And he could feel his heart softening. Dahil doon kaya ibinalik na niya sa envelope ang mga larawan.

He had been silly enough.

Blush Series 3: Crush Curse (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon