"YOU KNOW very well what I'm talking about," ani Mack, pero sa tingin naman ni Mirinda ay hindi ito galit. Tipong may hinanakit lang pero naroroon ang acceptance.
Pero guilty siya. Ang tendency ay tumanggi siya dahil ayaw tanggapin ng pride niya na pahiya siya. "H-hindi talaga kita maintindihan." She tried to look innocent.
Na hindi naman successful dahil hinawakan ni Mack ang baba niya. "If you really want to be on my good side, be true," sabi nito. "None is more appealing than an honest woman, Mirinda."
Buking na buking na buking na nga siya. She squirmed inside. Nasabihan pa tuloy siyang sinungaling.
"You can flaunt your body to me and I'm man enough to admit it's having the desired effect on me. I would willingly and should I say, I could hungrily indulge you right now." He lowered his face to hers and she realized he had never taken his hand off her chin.
Pakiramdam ni Mirinda, bida siya sa isang love story and was about to be kissed by the hero. Ganoon pala ang pakiramdam, nakakapanginig ng tuhod. Ang puso niya ay parang tatalsik sa rib cage. Ang sikmura niya ay parang hinahalukay at naninigas.
And despite all those nerve-wracking sensations, she never wanted to be anywhere else that very moment.
Pero nang inaakala niyang lalapat na sa mga labi niya ang mga labi nito at nagkakandapikit na siya sa pananabik, bigla itong nagsalita.
"But where would that take us, Mirinda? I want a woman I can take beyond my bed."
Hindi siya nakaimik. Pahiyang-pahiya siya.
"Have some sleep," sabi nito, dismissing ang tono.
Lumabas ito ng silid at dinig niya ang pagbukas at pagsara ng silid nito.
Naupo siya sa kama. Imposible na siyang makatulog. She was restless, agitated. She had to do something.
Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas siya at kinatok si Mack sa silid nito. "M-Mack..." tawag niya, kanda-buckle kahit isang kataga lang naman ang pangalan nito.
Biglang bumukas ang pinto.
"Can I come in?" tanong niya. "I-I want to apologize and explain and tell the truth." Her palms were sweating and she was shivering from the cold that was inside her.
Bahagyang tumango ito at ibinukas nang maluwang ang pinto. Tumuloy siya, naghanap ng mauupuan. Itim na ottoman lang ang puwedeng upuan sa silid nito. He asked her to sit there.
"Thanks," she murmured, pero nakayuko, pinipiga ang suot na robe sa kandungan.
"It's three in the morning, o hihintayin pa natin ang araw bago ka magsalita?" medyo naiinip na sabi nito, nakasandal sa pinto, nakahalukipkip.
Napayuko uli si Mirinda. Sa iba't ibang sizes ng square at rectangle na print ng comforter siya tumingin. Pero kailangan niyang mag-umpisa bago pa mainis uli ito sa kanya.
Humugot siya ng malalim na hininga. "H-hindi ko alam kung paano mo nalaman pero..."
"I heard you and Beka," maagap na sabi nito. "Nakabukas ang pinto n'yo kanina. Narinig ko lahat."
Tumango siya. Sa susunod na magpaplano siya ng ganoon, lagi na siyang magkakandado ng pinto.
She sighed again, glanced at him then looked down again. "Pero hindi na 'yon mahalaga," aniya. "Gusto ko lang humingi uli ng paumanhin. At... at hindi ko maipapaliwanag sa iyo kung bakit napapayag ako ni Beka, ng buong barkada namin na a-akitin ka." Halos ibulong na lang niya ang salitang iyon sa tindi ng kahihiyan. "Kung hindi ako magsasabi ng totoo..." She sighed again before she continued. "I always see myself as stubborn. I mean, I am strong-willed."
"That is very much obvious," ani Efimaco.
Sumulyap uli siya rito ngunit hindi niya matagalang tingnan ito. Nakaka-distract ang kaguwapuhan nito. Balik-tingin siya sa comforter. At least, relaxing ang mga kulay niyon.
"Kaya hindi ako puwedeng basta diktahan ng kahit sino. Hindi ako utú-utô. At alam ko na hindi ka naman maniniwala kung sasabihin ko sa 'yo na nauto lang ako nina Beka kaya sumang-ayon ako sa planong ito.
"Pumayag ako dahil... gusto ko. Sa pamamagitan ng plano namin, nagkaroon ako ng pagkakataon na maipakita na..." Nakagat niya ang ibabang labi. "May gusto ako sa 'yo." Pero bakit pa ba siya mahihiya, narinig na ni Mack ang mga sinabi niya kay Beka kanina?
Nagpatuloy siya. "Ginawa kong dahilan ang plano namin para mapalapit sa iyo. Iyon talaga ang gusto kong mangyari. Pero hindi ko maamin agad iyon kina Beka dahil kakantiyawan nila ako. Ako kasi ang nangungunang pumintas sa 'yo, 'tapos ako pala ang mangungunang maging patay na patay sa 'yo." She shrugged. "That's my explanation and the truth. Pasensiya ka na." Tumayo siya.
Humara naman si Mack sa pinto. "That's it? Are you sure?"
Alanganin siyang tumango. May gusto pa siyang sabihin pero hindi siya sigurado kung dapat pa.
"Don't worry, hindi na kita guguluhin simula ngayon," sabi na lang niya.
He placed both hands on her shoulders. "Hindi ako satisfied sa mga sinabi mo."
"Ano pa ba ang gusto mong marinig?"
"'Yong mga hindi mo pa sinasabi."
"Maawa ka naman, tirhan mo ako ng pride," aniya, pabiro pero totoo.
Yumuko ito hanggang magkatapat na ang mga mukha nila. "Only an honest man can be truly proud."
"Ang dami mo namang talinghaga."
"Hindi kita palalabasin dito hangga't hindi mo sinasabi ang gusto kong marinig."
"Ano ka ba, may built-in radar?" O may ESP ang loko? Parang alam na alam nito ang nasa isip niya at damdamin.
"'Could be." There was a teasing note in his tone and expression.
Bumuntong-hininga si Mirinda. "Gusto mo talagang marinig?" He nodded. "Ang totoo, hindi ko sasabihin dahil ayokong lumabas dito sa kuwarto mo. Gusto ko, ikulong mo ako rito. I want to..."
"What?" His face was filled with anticipation. He was enjoying the whole thing, she realized. He was taunting her, making fun of her.
"Kiss you," sagot niya. Let him gloat. Kitang-kita nga niya na parang inilawan ang mga mata nito sa tuwa. Para itong paslit na nakatanggap ng papuri buhat kay Mama. Parang kulang na lang ay maglulundag ito at palakpakan ang sarili.
Pero ang talagang nakakagulat sa lahat ay ang ma-realize niya na pabor sa kanya ang mga nangyayari. Tama ang mga marurunong. "Honesty is the best policy." "The truth will set you free."
"Hindi ako matatahimik habang-buhay kung hindi kita mahahalikan kahit ngayon lang." Bagama't may posibilidad nga na ganoon ang mangyari sa kanya, medyo pang-uuto na rin kay Mack ang sinabi niya.
Dahil nga parang uhaw na uhaw si Mack sa ganoong klaseng flattery. "'Yan ang totoo, kahiya-hiya man, kailangan kong ami—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil inangkin na nito ang kanyang mga labi.
It was hard to describe the kiss or the emotions it stirred in her. But maybe it would suffice to say that the kiss erased the memory of her first kiss years ago with a man she thought she would never forget but she did after three months. At sa mga sandaling iyon, hindi na rin niya maalala ang pangalan niyon.
It was like kissing a man for the very first time.
Falling in love for the first time.
She never wanted it to end.
But it did end, no matter how endless it seemed.
She was shaking when he released her.
"Now, I can sleep," sabi ni Mirinda at mabilis nang lumabas ng silid. She heard him call her name and groan, pero baka guniguni na lang niya iyon. Nagkandado siya sa guest room.
BINABASA MO ANG
Blush Series 3: Crush Curse (Completed)
Romance"Akitin mo si Kuya Mack," request kay Mirinda ng kaibigang si Beka. Gusto na kasi nitong lumagay sa tahimik. Kaso, may patakaran ang istrikto nitong kuya. Hindi puwedeng magpakasal ang kaibigan niya hanggang binata ang diktator nitong kapatid. Inis...