Chapter 2 The Accident

38 1 0
                                    

10 years ago

9 years old ako noon at 11 years old si Seth, kuya ko.

Nabalitaan kong lilipat kami sa US. Sabi ni daddy doon na raw kami mag-aaral hanggang ready na si Seth na mag-take over sa business. Ayaw kong umalis kasi wala akong kaibigan doon at alam ko nanan na ayaw din ni Seth.

Pinilit ko si Seth na sumama sa akin na umalis ng bahay at magtago ng sandali. It was just a way to threat our parents and for them to realize na hindi kami puwede sa US tumira.

Ngunit hindi ko alam na magiging dahilan yun ng pagkawala ni Seth.

Pumunta kami sa isang malapit na resort. 

Sabi ni Seth hindi ako puwede mag-swimming kasi pagabi na at baka delikado. Pero makulit ako eh kaya hindi niya ako napigilang mag-swimming.

Habang umaahon na ako bigla naman akong nakatapak ng isang matulis na bagay. Napasigaw ako kaya to the rescue si Seth. 

"Ok ka na, mawawala rin ang sakit niyan Andrea. Huwag ka nang umiyak please." sabi niya sa akin habang pinipigilan ang pagdurugo ng aking paa.

"Hindi naman dahil sa sugat kuya kaya ako umiiyak.." 

"Oh? Ano ang problema? May masakit pa ba?"

"Ang slippers ko hindi ko na makukuha. It's floating in the water."

"Ok, don't worry I'll get it for you"

Hinawakan ko pa siya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may mali. Siguro natakot lang ako.

"It's ok. Everything will be fine" sabi niya sa akin habang nakangiti.

_________________

1, 2, 3. Halos 3 minutes na akong naghihintay pero walang kuya seth ang bumalik.

Natakot na ako kaya ang nagawa ko lang ay ang sumigaw ng malakas.

Then, I saw his body floating nearby. 

Nakita kong may tumakbo na batang lalake palapit sa akin at ang mga rescuers na papalapit sa katawan ni Seth.

Iyak ako ng iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung buhay pa siya.

Lumapit ang isang babae sa akin. Pilit niya akong pakalmahin. 

Dumating kami sa ospital. Humingi sila ng contact number nila mommy kaya ibinigay ko na.

Umupo lang ako sa labas ng ER, umiiyak pa rin.

Bigla namang umupo sa ang batang lalake sa tabi ko at inabot ang panyo at tubig. Hindi ko maigalaw ang kamay ko kaya iniwan nalang niya sa tabi ko. 

"Don't worry, he'll be fine. Everything will be ok." 

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin ako ng husto sa kanya. Ito ang mga salitang binitawan ni Seth bago siya mawala sa akin.

 Ngumiti siya at hinaplos ang ulo ko. Unti-unting nawala ang takot ko sa ginawa niya.

Tapos narinig ko nalang ang boses ni Daddy.

"Andrea? What happened? Nasaan si Seth?"

Wala akong nasagot.

Habang tumakbo ang parents ko sa ER kung nasaan si Seth. Nakita kong lumapit ang babaeng tumulong sa amin. Nakita ko siyang umiiyak, namamaga ang kanyang mga mata. Apektado rin pala siya, isang nanay siguro siya kaya ramdam din niya ang kawalan. 

Sinundo niya ang batang lalake na katabi ko.

Umiyak ako ng marinig ko ang sigaw ni Daddy.

Tinignan ko lang ang pag-alis ng batang lalake habang tumutulo ang luha ko.

Pagkatapos ng aksidenteng 'yun, nagbago na ang lahat,

At gabi-gabi ko nang napapaginipan ang lahat.

Ang ngiti ni Seth,

Ang babaeng tumulong sa akin,

At ang batang lalake.

 

 

By Accident Or By DestinyWhere stories live. Discover now