I really enjoyed the zipline!
Kahit hindi siya gaano ka haba, at least nakikita pa rin ang ganda ng beach resort. Mabuti na lang na introduce ito ni Ian, the cute. Yes you read it right. Tinawag ko na siyang cute. Natawa nalang kami kasi pinayagan niya ako na tawagin ko siyang “cutie Ian”.
Flashback ----
“Oh, kung hindi ba kita tinanong tungkol sa zipline, nag-emot ka na doon sa beach, or worst, lumulutang kana sa dagat niyan.”
“hahaha! Ang baba naman ng tingin mo sa akin. Alam mo kung may problema hindi agad pagpapakamatay ay sagot eh!”
“Tama! Kaya imbis umiyak ng husto, mag-enjoy ka na lang habang nabubuhay” I agreed.
Bigla akong napatingin sa isang maliit na ice-cream shop.
“WOW! May ice-cream shop pala dito!...cutie Ian puntahan natin!!!!”
“Huh?!! Tinawag mo akong cutie Ian?” he said while laughing. Nahiya tuloy ako.
“Kasi… naniniwala ka naman na cute ka diba! Sabi mo nga kanina, “ako ang pinaka-cute na anak ni mama” DIBA?!”
“hahaha! Sige na nga, papayagan na kitang tawagin akong cutie Ian”
End of Flashback---
Yun, tawanan lang kami. Nag share rin siya ng mga traditions at important details tungkol sa lugar nila. Sabay na rin kaming nag lunch. Tapos nalaman ko rin na ang parents niya ay parehong nag work dito sa resort. Ang mama niya ang Assistant Manager samantalang ang tatay niya ay Cook sa restaurant.
Buong maghapon kaming nagsama. Nagyaya pa nga siyang maging tour guide ko sa lugar nila at pupuntahan daw naming ang ibang historical places pati na rin ang amusement park nila sa city.
Hinatid niya ako pauwi. Napansin kong may tao na yata sa loob kasi bukas na ang ilaw sa sala at parang naka-on yung TV. Dumating na yata si masungit na Jet.
Bubuksan ko na sana yung pinto upang yayain si Ian nang biglang binuksan ito ni Jet.
“Dumating ka na pala…” he said giving me the *who-the-heck-is-that-look*
“Andy, hindi mo pala sinabing may kasama ka” Ian said
“ah, kasi… ano… Maiba nga, gusto mong mag juice muna?...“
“Boyfriend mo Andy?...”
Sasagot na sana ako nang biglang…
“Pre gabi na…” sabi ni Jet.
And I was like *what-the-hell*
“Ah, sige Andy baka napagod ka sa ginawa natin kanina, mag rest ka na…” Mag sasalita pa sana si Ian pero pinapasok na ako ni Jet na kanina pa pala nakahawak sa wrist ko.
“By Ian!” sumigaw nalang ako.
Habang nasa loob, kumuha muna ako ng tubig dahil kanina pa nauhaw ang lalamunan ko. Then,
“Bakit mo pinaalis agad ang bisita ko? Pareho naman tayong nagbabayad ha!” napataas yata ang boses ko.
Tahimik lang si Jet na nanonood ng TV. Nilapitan ko pa siya at inulit ang tanong ko.
Tapos tumayo siya naglakad patungo sa kanyang silid. Napatigil siya at…
“Sumabay ka sa akin bukas…”
Without further explanation sinara niya ang pinto ng room niya…
WHAT WAS THAT?
He asked me to come with him? Eh! Hindi nga kami gaano nagpapalitan ng salita! Tapos ngayon bigla na lang siyang nagyaya! HA! Ano siya! Tatay ko para sumama kaagad sa kanya! O baka iniisip niyang kaladkarin ako! Che! HINDI AKO SASAMA SA KANYA!
Nagdabog siya ng pinto….
Nagdabog din ako ng pinto!
![](https://img.wattpad.com/cover/16750495-288-k809569.jpg)
YOU ARE READING
By Accident Or By Destiny
Teen FictionIt has been years ago after that accident. But, I could still remember it; he's laughter, he's words that cheered me up... now he is forever gone. And, I could still remember someone... The boy who never left my side...