Chapter 12 The Sharing

11 1 0
                                    

Lumabas sina Tatang at Jet habang kami naman ni Nanang ang naiwan sa kusina.

“Nang, ako na po ang maglilinis  ng mga  pinggan” marunong akong maglinis ng pinggan ha.It is a way of thanking them for their accommodation na rin.

“Oh sige” ngiting sagot ni Nanang.

Sa ngayon, marami akong gustong itanong kay Nanang. Tungkol sa mga anak niya at kay Jet. Curios lang po talaga ako. Sa rami ng aming pinagusapan kanina, ni minsan hindi nabanggit ang kanilang lalakeng anak at kung sino nga ba itong si Jet.

“May gusto kang itanong?” napansin siguro niya ang expression ng mukha ko.

“Ahh, kasi po…hmm…” pautal na sagot ko. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan.

“Ah, si Jet? Hindi namin siya kadugo. Itinuturing lang namin siyang parang anak o apo.” biglang pagpapaliwanag ni Nanang.

Women’s  instinct talaga! Nababasa yata ni Nanang ang utak ko. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

“Ah, ganun po ba? Paano niyo po siyang nakilala?” tanong ko sa kanya.

“Haha” ay, tinawanan pa ako ni Nanang. Baka napansin niya talagang na curios ako. Nakakahiya na.

“2nd year high school si Jet noon nang makilala namin siya” panimula ni Nanang. “Nakita namin siyang palaboy lang sa terminal habang malakas ang ulan noon. Basang-basa siya nang aming mapansin at gutom na gutom na siya. Sabi niya naglayas daw siya sa kanila.”

“Po? Eh, bakit naman po raw siya naglayas?” mausisang tanong ko.

“Yan ang hindi malinaw sa amin. May naikuwento siya pero hindi gaano ka linaw ang dahilan niya. Dito siya sa amin nakitira ng mga ilang linggo hanggang sa naging isang buwan na yata. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa murang edad niya ay parang may malaking sugat na matagal mahilom.”

Tumingin si Nanang sa akin. Parang binabasa niya ang mukha ko at matagal na nakatitig sa mata ko.

“Bakit po Nang?” tanong ko sa kanya.

“Alam mo sa ngayon, parang nakikita ko kay Jet na unting-unti na niyang napupunuan ng kasiyahan ang malungkot niyang puso.” seryosong sabi ni Nanang.

Kaya pala laging nakasimangot siya! Dahil siguro sa nakaraan pati ang kasalukuyang mundo ay nabahiran na talaga ng kalungkutan. Eh, may isa pa akong gusting itanong kay Nanang. Tungkol sa anak nila.

“Nang, maaari po bang magtanong tungkol sa anak niyo? Yung lalake po?” lakas loob kung sinabi na ikinabigla niya. “Bakit?” tanong niya.

“Kasi po yung picture niyo po ay hindi latest diba? Hindi rin po nasagot ni Tatang ang tanong ko kanina. Nasaan na po ang anak niyo?”

Nakita ko ang biglang pagbabago ng mga mata niya. Para siyang naiiyak.

“Ah, Nang, hindi po sa nahihimasok ako per…” biglang bawi ko.

“Wala na siya.”

“Ah, sorry po…” hindi na sana ako nagtanong.

“Hindi mo naman kailangang mag-sorry… 20 years old siya noon. Gaya ni Jet, umalis siya sa amin. Mayroong mga bagay na hindi namin kayang ibigay sa kanya. Sabi niya sa sulat na iniwan niya, hindi raw niya kayang mabuhay sa sitwasyon namin. Mahirap talaga kami noon, sobrang hirap. Si Rosa lang ang kaya naming matustusan para sa kolehiyo. Si Jomar, hindi na namin naipagpatuloy ang pagpapaaral. Siyempre isa siyang binata, may mga pangarap siya na gusto niyang maabot.”

“Hindi niyo po ba siya hinanap?”

“Hinanap namin siya. Ngunit, dumating din ang araw na kinakatakutan ko. Nabalitaan namin na sumali siya sa isang grupo na nagbibenta ng drugs. Ayon sa mga pulis, nagsawa raw ang anak naming sa mga ginagawang mali ng grupo kaya gusto niya sanang isumbong ang mga ito. Pero, nang malaman ng mga kasama niya ang tangkang isusumbong sila…pinatay nila si Jomar…” malungkot na pinahayag ni Nanang ang kuwento ng anak niya.

Inilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat para maramdaman niya ang simpatya ko.

“Kaya noong nakilala ko si Jet. Inalagaan ko siya ng husto kasi nakikita ko sa kanya si Jomar.” dagdag pa ni Nanang.

“Kaya po pala welcome na welcome po siya dito. Akala ko talaga apo niyo siya.” Nginitian ko si Nanang.

“Eh, kayo? Hindi ba talaga kayo?” mabusisang tanong ni Nanang na pilit pinipigilan ang tawa.

“Nang naman. Hindi po talaga. Ngayon ko lang po siya nakilala sa resort” sagot ko.

“Sa resort?” pagtaas na kilay niya.

“Opo. Noong isang araw lang po kami sa resort. Naubusan po kasi ng room kaya nag share po kami. Nagkataon din na pareho kaming paaralan na pinapasukan.” Pagpapaliwanag ko.

“Isang Kuwarto???” biglang tanong ni Nanang. “Isang kuwarto talaga!??” tuwang dagdag niya. Hala! Bakit kaya mukha siya natutuwa.

“Baka naman magka-apo na ako niyan ha!” muntik ko nang mabitawan ang hawak-hawak kong baso.

“Nang naman!”

“HAHAHA! Biro lang! Pero kung sakali man…” pabirong tono na sinabi niya.

“Nang! Imposible po talaga! Isang family room po yun at hindi ko po boyfriend si Jet.”

“Family room? Hahaha! Puwede ka namang tumakbo sa kuwarto niya…!! HAHA…Biro lang!” Nanang talaga. ”Bata pa kayo para sa alam mo na…HAHA” Bagay talaga sila ni Tatang!

“Hindi ko nga masikmura ang ugali niyang anak-anakan niyo po!” napataas ko ang boses ko. Totoo naman eh.

“HAHA Bakit naman? Bagay naman kayo.”

“Sos Nang! Hindi niyo lang po alam ang kasungitan niyan! Sooobranng sungit po talaga niya! At hindi lang masungit, bastos din po! Akalain niyo po bang kinaladkad lang po ako kanina!”

“Pinilit ka lang niya na sumama?”

“Opo! Hindi po siya marunong gumalang sa babae! Gusto ko sanang magstay lang sa resort kasi may bago akong kakilaa na nagyayang maging tour guide ko…” magpapaliwanag pa sana ako ng biglang nagsalita si Nanang.

“Ah! Lalake ba yung bago mong kaibigan?” tumango lang ako bilang sagot ko sa tanong niya. “HAHA Baka nagselos itong si Jet!” ANO RAW! SELOS???

Hindi na ako makapagsalita. Kaya binaling ko na lang ang atensyon ko sa pagligpit ng mga bagong linis na pinggan.

“Ineng, baka ayaw ka lang niya ipahamak. Hindi siguro niya mapagkatiwalaan ang bagong kaibigan mo.” Eh Nang! Hindi ko rin naman gaano kakilala ang masungit na Jet na yan ah!

“Mabait naman po ang bagong nakilala ko…Masungit lang po talaga yung anak-anakan niyo…” pabugtong hininga kong sagot kay Nanang.

“HAHA kayo talagang mga bata… Ineng, Alam mo bang ikaw ang unang babaeng naibangit at naipakilala sa amin?”

Wow naka first place pala ako.

“Noon may kasama siyang isang lalake, siguro mga graduate na sila noon ng high school,  sabi niya ka tropa raw niya na hinahabol ang girlfriend…Grabe ang ka tropa niya noon, ayaw tumigil sa panliligaw ulit sa girlfriend niya na nakatira pala dito...” nagsimula siyang magkuwento sa mga pangyayari noon.

“Ah! Naalala ko rin! May sinabi si Jet bago siya umalis noong huli niyang punta rito.” Bigla siyang may naalala. “Sabi niya na balang araw raw maipapakilala niya ang taong pinakamamahal niya.”

Para palang mature na si Jet noon, mayroon pang balang araw- balang araw… Suwerte ng girlfriend niya ha.

“Akala ko nga ikaw na yun Ineng eh, ikaw kasi ang unang pinakilala sa amin.” Nabigla lang ako sa sinabi ni Nanang O___O

By Accident Or By DestinyWhere stories live. Discover now