Chapter 11 Awkward

23 1 1
                                    

Napamangha talaga ako sa magagandang lugar dito sa Dapitan. Mababait din ang mga residente. Akalain mo ba namang todo asikaso sila sa amin. Mayroong mga souvenir shop pero hindi ako bumili, kasi nga diba? Naiwan ang gamit ko sa resort.

Magtatanghali na kaya bumalik kami sa bahay ng dalawang matanda. Sabi kasi ni Jet doon na kami mananaghalian. Naglakad-lakad lang kami kasi malapit lang naman ang bahay sa huling pinuntahan namin.

Doon ko napansin ng tuluyan na parang kabisado na ni Jet ang lahat ng kalye dito. At masasabi ko rin na malakas talaga ang dating ng lalakeng ito. Bakit? Kasi lahat ng mga babae na nadadaanan namin ay napapa-head turn sa kanya. Yung iba nga todo ang ngiti! Mayroon ding maririnig na bulungan gaya ng “ang gwapo niya” o “ang gandang ng mukha” HAHAY! Ikaw na Jet! Ikaw na talaga!

“Oy Jet, hindi mo ba first time ang pumunta rito? Mukhang kabisado mo na ang daan ha” tanong ko sa kanya.

“Hindi ito ang unang beses na pumunta ako dito.” Sagot niya

Nang papalapit na kami sa bahay, mayrooong mga babae na parang nakilala na siya dati.

“Oy! Dayo! Bumalik ka pala dito?” tanong ng isang sexy na babae. Nag nod lang si Jet habang tuloy ang paglakad.

Wooooot, sexy!!” nabigla ako sa tawag ng mga lalake sa kanto.

Natakot talaga ako at napabilis ang lakad ko palapit ni Jet na napansin kong dinadahan ang paglakad, para bang hinihintay ako eh! Kasalanan ko bang para akong pagong?

May mga tumatawag pa rin ng atensyon ko at nag whistle. Naiilang na talaga ako.

Nang matabihan ko na si Jet, bigla niyang hinablot at hinawakan ng husto ang kamay ko, tapos pinalapit niya ako ng husto sa kanya… Ang pagkahablot niya ay para bang nagsasabi na dito ka lang o she’s mine???

Ano ba naman to oh! Kung anu-ano nalang ang iniisip ko!

“Ay, taken na pala pre!” sigaw ng isang lalake.

Nagulat ako sa sinabi ng lalake kaya tinignan ko lang si Jet. I gave him the *what-did-he-mean* look. Na sinagotan naman niya ng pagtaas ng kilay. Nang makita ko na ang bahay napansin kong bumilis ang paglakad ni Jet. Siyempre nadala ako sa paglakad kasi hawak pa rin niya ang kamay ko.

“Nay? Nandito na po kami.” Tawag niya sa matandang babae na nagdidilig sa mga bulaklak.

“Oh, tapos na ba ang pamamasiyal? Siguradong gutom na kayo. Pumasok na kayo habang hinahain pa ni tatang mo ang mainit na sabaw na niluto niya.” Ngiting sabi ng matandang babae.

“Nay yung sabaw ng bisayang manok ang niluto ni tatang?” tanong ni Jet.

 Habang nag-uusap sila umupo muna ako sa sala at napansin ko ang mga picture frame na nakasabit sa wall. May picture na latest na kasama ng dalawang matanda ang apat na maliliit na bata, mga apo siguro  nila. Mayroon ding picture na magkasama ang dalawang matanda at isang babae at lalake na nasa 20-30 years ang edad. May isang old picture na kinuha sa kasal. Siguro kasal ito ng dalawang matanda. Bigla naman akong napangiti. Iniisip ko yata kung ano ang feeling pag-ikakasal ka sa taong mahal mo at habang-buhay mong makakasama.

“Maganda ba ang picture Ineng?” nagulat ako sa matandang lalake na dala-dala pa ang hinaing na sabaw. Kanina pa ba siya nakatingin?

“Ah! Opo tay! Ang saya niyo pong tignan!” Napatawa nalang kami ng matandang lalake at nakita ko ring inabot niya ang pagkain kay Jet.

“Tay ako na po ang maglalagay sa mesa” sambit ni Jet habang nakatingin sa akin at nag-smirk pa saka pumunta sa dining table. Sa akin? Gosh

“Yang babae at lalake ang anak namin. Si Rosa nakatira na sa Manila kasama ang apat niyang anak at ang asawa. Yung apat na bata, malalaki na sila. Matagal na rin nung huling dalaw nila sa amin. Alam mo na ang Maynila palaging busy.”

“Tay, sino po yung lalake sa picture?” tanong ko sa matanda. Aakma na sanang sasagot ang matanda nang biglang tinawag kami ng asawa niya. “Kakain na tayo bago lumamig ang sabaw” ngiting sabi ng asawa.

Na curious tuloy ako sa isasagot ni tatang.

Habang kumakain kami nagkuwentuhan din kami sa mga lugar na pinuntahan namin. Mayroon din akong nakuha na mga detalye tungkol sa lugar na hindi ko nakuha sa pag-tour namin. Dito na pala ipinanganak ang dalawang matanda dito na rin sila bumuo ng pamilya. Nakakatuwa ngang tignan ang dalawa eh, parang bestfriend lang ang turingan. Sa bagay ganoon naman dapat sa isang relasyon diba? You need to treat your partner as your best friend. Sweet din sila sa isat isa kasi kanina pa naka holding hands habang kumakain.

“Si tatang talaga takot mawala si nanang…” explain niya sa akin habang tinuturo ang magkaholding hands ng dalawang matanda. Tumawa nalang kami.

“Siyempre naman. Siya lang yata ang mahal ko. Kaya ikaw Jet! Humanap ka ng babae na mamahalin mo ng husto!” tuksong sabi ni Tatang.

“Tang naman! Mayroon na nga eh! Ayaw mo talagang maniwala!?” kumunot ng pa-cute ang mukha ni Jet na tinawanan ko.

“Ah! Ito bang si Ineng ang tinutukoy mo ha iho??” sabi ni Nanang.

Muntik ko nang maluwal ang pagkain ko. Mabuti nalang naabot ko kaagad ang tubig. Nagulat naman ako sa sinabi ni Nanang.

“Nang mali po kayo ng akala!! Hindi ko po boyfriend si Jet! HAHAHA! Ngayon ko lang po siya nakilala.” diretsong sagot ko.

“Ah ganoon ba? HAHAHA pasensiya na Ineng. Akala ko kasi girlfriend ka ni Jet!” tawang sabi ni Nanang.

“AY! Akala ko talaga kayong dalawa! Hoy Jet! Ligawan mo na to si Ineng!!” sigaw na sabi ni Tatang.

Tatang naman eh! Awkward na talaga!

“Oo nga Jet! Ligawan mo to, bagay naman kayo at mukha namang mabait si Ineng!” tuksong sabo ni Nanang. Isa pa si Nanang!

Tinignan ko lang si Jet na tuloy pa rin sa pagkain at lumingon siya sa akin tapos sa dalawang matanda. “Nang! Tang! Iniinis niyo naman po ako eh! Kumain na lang po kayo bago ko pa maubos to!” tumaas ang boses ni Jet na nag-pout pa ng lips. Ang cute tignan.

“Ah! Itong batang to! Ayaw talaga makinig! Babatukan kita diyan ah!” sabi ni Tatang.

“Tang naman! Mayroon na nga ako…” sabi ni Jet.

“Tang, mayroon na kay Jet! Huwag na nating pilitin. Nahihiya tuloy itong si Ineng” sabi ni Nanang.

Hahay! Women’s instinct nga naman. Oo na! nahihiya na ako.

May girlfriend na pala itong si Jet…

Tawanan lang kaimi ng tawanan hanggang naubos talaga namin ang pagkain.

 _________________________________________

Thank You Readers!

I dedicate this Chapter to my best friend Diane Velez HAPPY HAPPY BIRTHDAY :)

By Accident Or By DestinyWhere stories live. Discover now