Chapter 5 Name? Number? Please?

27 0 0
                                    

Nag-fix na ako ng gamit sa cabinet at nag change na rin ako ng damit.

Naiilang ako.

Yes. What you think now is right.

We ended up on the same room.

Hati kami sa pagbabayad nito kaya hindi masiyado mabigat sa bulsa. At napagaan rin sa freebies nila na 20% discount in any payable expenses ang bulsa ko.

Hindi ko siya kilala, pero kilala niya ako. Siyempre, siguro dahil din sa kilala ako ng buong campus.

Tahimik lang kaming nag ayos ng gamit. Hindi ko rin alam kung paano simulan ang isang conversation sa isang stranger.

“Siya nga pala, hindi ko alam ang name mo…” nabigla ako sa sinabi niya. Now he is giving me the “innocent look”

 “Ano?, sabi mo kanina kilala mo ako? Tapos ngayon sinasabi mong hindi mo alam ang pangalan ko?!” galit na sagot ko.

“I mean, nakita na kita sa school pero hindi ko alam ang pangalan mo. And the fact na kailangan ko ng room kaya sinabi ko na kilala kita.”

May topak pala ang lalakeng to ah!

“Andy, Management student. You really don’t recognize me?  I’m well known duh.”

Hindi siguro niya ako nakilala kasi marami naman ang students sa university namin na ka pangalan ko.

“Well, hindi mo naman kailangang magyabang…” sabi ng lalake.

“What?! Hindi ako...”

“IT’S OK. I KNOW A LOT OF GIRLS LIKE YOU”   aray, masakit yun.

Umalis siya ng room pagkatapos niyang mag ayos ng kanyang gamit. Siyempre hindi na ako nagtanong kung saan siya pupunta, hindi ko naman siya cargo eh.

 Ang kapal niya diba! He compared me to those girls na, you know na... He don't even know me at the very first place. Pangalan ko nga kailangan pa niyang itanong.

Ay... Oo nga pala, hindi ko rin nakuha ang pangalan niya.

____________________________________________________________________________

Mga 20 minutes ko siyang hinanap sa resort.

Bakit?

Simple lang, I need to get his name at makipag-agree sa kanyang tungkol sa cottage. Alam niyo na, 'yung mga rules like, curfew hours, sino ang unang gagamit sa iisang banyo, sino ang hahawak ng susi, etc.

Napagod ako sa paglalakad kaya umupo muna ako sa isang bench na kaharap ang magandang view ng beach. Ang sarap ng hangin. Gusto ko tuloy mag-swimming.

Dahil sa sarap na feeling, hindi ko napigilang makatulog. Pag-gising ko, pagabi na pala. kumakalam na rin ang tiyan ko.

Mabait talaga ang mga staff dito. Hindi na nila ako ginising. Siguro naawa sila sa akin kasi medyo stress na rin ang face ko.

AY! Bigla kong naalala. Hinahanap ko pala 'yung roommate ko.

Hinanap ko siya ulit. Nakita ko ang ibang guest na papunta na sa dinning area to take the free dinner. Siyempre mayroon din kami niyan, iba lang talaga ang payment namin sa cottage(room) mahal kaya.

Habang naglalakad, bigla kong naalala na hindi ko pala dala-dala ang susi. Hindi ko rin natandaan kung lock ba ang room or iniwan ko lang na hindi naka lock. Patay ako. Dahil diyan tumakbo na ako pabalik sa cottage(room).

Hingal na hingal akong dumating sa cottage. Doon ko na lang nakita ang roommate kong mahimbing ang tulog sa labas. 

Tinignan ko lang siya for about 2 minutes. Wow, maganda pala ang kanyang... 

Hindi ko na tinapos ang pagtingin ko sa kanyang mukha dahil nagugutom na ako! Ginising ko siya ng husto.

"Oh! Tsk. Ano ba?" tanong niya sa akin na para bang nakalimutan niyang may kasama siya sa room. Pagmulat ng kanyang mga mata binigyan ko siya ng "Where Have You Been" look.

"Oy! Nandiyan ka na pala! Saan ka ba pumunta? Kanina pa ako naghahanap sayo. Gutom na ako eh. Kailangan kong kunin ang dinner pass sa loob..." ha! ikaw pa ang maraming sinasabi, eh ako ang kanina pang naghahanap!

Dinner pass daw. Dinner pass.

"OMG!!!" sigaw ko.

"Bakit?" tanong niya.

"HINDI KO DALA-DALA ANG KEY! LOCK BA? NASA LOOB ANG SUSI!"

"WHAT?!?"

_______________________________________________________________-

Dahil sa nagyari, minabuti naming puntahan ang receptionist at nag explain ng maayos. Binigyan naman kami ng another key para mabuksan ang room. Nakuha na namin ang key at pass namin. Nag dinner na rin kami by the bay.

Pag-uwi namin sa cottage.

"Hindi ko ba naibigay sayo ang pangalan ko?" tanong niya.

"Ha? Eh..."

"I'm Jet. Bio student... and I-am-not-well-known-in-school." Aba! Iniinis niya ako ha!

"Ehem. Puwede ba nating pag-usapan ang rules dito? I'm sure you're having plans upon staying here. Kaya kailangan nating pagplanuhin ng mabuti ang kung sino ang hahawak sa susi, sino ang unang maliligo..." inis kong explanation sa kanya.

"Hindi na yan kailangan." sabi niya, "You can do what you want. FREE will."

"Hindi 'yan puwede! Tignan mo na lang ang nangyari ngayon..."

"AH!, Sige, give me your number and I'll contact you and ask you if uuwi ka dito or ako ang hindi uuwi dito sa gabi." Loko niya ah!

"What?" sagot ko sa kanya.

"In case of emergency like this..." giving me the "duh" look.

"You're  not polite! And you're a complete stranger! So why would I give to you my contact number..."

" OH. OK. ANDY, well-known-in-school. I'm Jet, not-known-in-school. For emergency purposes, can I get your number? PLEASE?" 

By Accident Or By DestinyWhere stories live. Discover now