I woke up around 6 o’clock. Took a glass of milk and decided to have a jog.
It has been a long time for me to jog, busy kasi palagi sa school.
While jogging, iniisip ko tuloy na sana makita ko si Ian. Para makapag-tour sa lugar.
Alam niyo, noong una kaming nagkasama ni Ian kahapon, I was comfortable directly with his company. Yun bang tipong paraang matagal na kayong magkakilala.
Pagtingin ko sa wrist watch ko almost 7 na pala, at naka ilang ikot na rin ako sa resort. HOH! Nakakapagod pero ang sarap ng feeling na nakapag exercise ng ganito. I decided to go back.
Pagdating ko sa inuupahan naming, nagtimpla ako agad ng chocolate-milk, nag luto rin ng sunny-side up egg na pinalaman ko sa bread. Pinalamig ko muna ang hinanda kong breakfast at pumunta saglit sa room ko para mkapag-change.
Nagulat ako paglabas sa room.
“OMG!” tinignan ko ang tinimpla kong chocolate-milk na hawak-hawak ni Jet.
“hmmm?” tsk tumingin lang siya at aakma na sana siyang magsalita pero…wait, may choco-milk siya sa labi, parang bata…
Tatawa sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko…
“Who told you to drink that?” tanong ko sa kanya.
Itong masungit na ‘to! Nagkulang pa sa pagaasar, kinuha ba naman ang isang slice bread ko! TSK!
“WAIT!” kinuha ko agad ang plate bago pa niya makuha ang isang slice bread at ang sunny-side up egg.
“Ano ba!? Akin to ah!, magluto ka kung nagugutom ka!” tumaas tuloy ang boses ko, umagang-umaga nambibwisit na.
Wala ba talaga siyang dila? Hindi man lang nagsalita. Hindi man lang nag-sorry.
Habang kinakain ko ang natirang tinapay at sunny-side up, I felt consciousness. Pagtingin ko sa sink…
Shet! Kanina pa ba siya nakatitig?
Ano ba ‘to? Uminit yata ang pisngi ko… ANO ‘TO?
Anong ginawa ko habang nakatitig pa rin siya na inuubos ang choco-milk? I awkwardly bend my head and just stare my plate na nauubos na talaga ang bread. Gosh, kailan pa siya matatapos sa pag-inom!
When I heard the water from the faucet, it was a signal na tapos na siyang uminon… sa wakas hindi na siya nakatingin.
I act really weird kasi dalidali kong inubos ang pagkain at kumuha agad ng water sa fridge. Is my hand shaking?
Napansin yata niya ang kilos ko “Huwag kang magmadali…expensive ang glass. Kung mahulog man ‘yan damay pa ako sa pagbayad…”
“…ha?...what?...” I shyly spoke.
After that awkward moment for me, I washed the dishes. Naglinis din ako sa floor since nakita ko ang cleaning materials. Pagkatapos ay naligo na rin ako to freshen up my body. Nagbihis na rin ako ng denim jeans at plain shirt. Wala na akong magawa, except that I am really hoping na dumating at magyaya si Ian. Umupo nalang ako sa sala at nanood ng cartoons.
--- Blank TV---
THE HELL! Brownout ba?? Nasaan na ang remote…
“Let’s go…” Ah! Multo! Pero pagtingin ko, gwapong multo. Did I just say gwapo? Oh gosh, this is really bad…
Anong let’s go?
“ha?” tanong ko.
Magtatanong pa sana ako ngunit bigla niyang hinila ang wrist ko. Ang gaan ko naman na talagang napalabas niya ako. Then I saw a Hi-lux… who owns this?
“Teka! Sa iyo ba ‘to? Saan mo ako dadalhin? Kidnaper ka noh?! Hoy!” sinigawan ko siya.
“I rented it…sumakay ka na nga lang!” wow, sinigawan ba naman ako.
“Bakit ba! Dito lang ako! Ayaw kong sumama!”
“Diba sabi ko sa iyo na sasama ka sa akin ngayon?!..” ha? When did he… Ah, last night? Serious pala yun?
“Eh bakit?! Nag yes ba ako?”
“Sige na sumakay ka na!” binuksan niya ang front seat at pinipilit akong ipasok. “Sasama ka sa akin kesa sumama ka sa kung sinu-sino…”
I gave him a *what-do-you-mean* look. ANO RAW? ANONG IBIG NIYANG SABIHIN? NABINGI BA AKO?
Before he could really push me inside the car, mayroon akong narinig.
“Andy!” did I just heard somebody shouting my name?
YOU ARE READING
By Accident Or By Destiny
Teen FictionIt has been years ago after that accident. But, I could still remember it; he's laughter, he's words that cheered me up... now he is forever gone. And, I could still remember someone... The boy who never left my side...