Chapter 6 First Night

12 1 0
                                    

No interesting things happened during our first hours.

Tahimik siya at tahimik din naman ako. Hindi naman gaano ka kapal ang mukha ko to start a conversation to a stranger.

Pagkatapos naming manood ng news sandali, nag toothbrush ako, nag half-bath, at nag stay lang sa balcony for fresh air.

Dinaanan na ako ng antok kaya humiga nalang ako sa sala malapit sa balcony. Hindi ko namalayan ang oras dahil napahimbing na ang tulog ko.

"Andrea! Gusto mong kumain?" sabi ni kuya Seth

"Yes! I want to eat mango float! Ice Cream! Cake! and... Steak!"

"Haha, you really eat a lot ha! You'll get fat! like a pig!"

"NO! hindi ako magiging pig!"

"Haha, Do you want me to cook a steak for you?"

"You know how? e diba noong nagluto ka hindi masarap?... HUWAG NALANG! BUSOG PA AKO!"

Tumawa lang kami ng tumawa ni kuya Seth at dumating na rin si Mommy, sa wakas! Kakain ako ng masarap na steak na luto ni Mommy!

Dumating din si Daddy, may bitbit siyang cake. Paborito ko ang chocolate cake, alam niya 'yan.

"HAPPY BIRTHDAY ANDREA!" sigaw nina Mommy at Daddy.

Nag guitar ang kuya ko ng Happy Birthday song at pumalakpak ng malakas sina Mommy, pati na rin ang mga yaya. Ang saya na ng birthday ko!

"Go blow your candle Andrea!" sabi ni Mommy.

"Close your eyes and make a wish!" sabi ni Daddy.

I closed my eyes and make a wish. When I open my eyes...

I saw my brother's body floating in the sea. He is dead.

I don't know what to do! I'm afraid!

Sumigaw lang ako ng sumigaw. Umiiyak dahil walang magawa...

"AHHH...HUHUHUHU...Seth! Seth!..HUHUHU..."

"Andy! Andy? Andy wake up!"

Isang panaginip na naman. Isang mapait na panaginip. Isang panaginip na naging totoo noon pa man.

Hindi ko namalayang niyakap ko kaagad ang stranger na 'to. Takot lang naman ako.

"Shh, panaginip lang 'yun ano ka ba? It's normal for human to have nightmares. Huwag kang umiyak ng malakas, para ka namang bata." binulong niyang sabi habang nakayakap pa kami sa isa't isa.

Tinulak ko siya siyempre. Nakikita na nga niyang nahirapan ako sa paghinga, binubwisit pa ako.

Padabog akong umalis at tumungo sa balcony. 

ilang minuto ang nakalipas, narinig ko ang palapit na ingay ng paa. Siya pala...

At... uy, maybe his conscience was awakened... Bigla ba naman akong inabutan ng hot choco at itinabi sa akin ang extra kumot.

"oh, para hindi ka lamigin" sabi ni Jet.

Walang imik na hinablot ko ang kumot at tinignan siya ng madalian upang makuha ang hot choco.

Habang naghahari ang katahimikan, bigla kong na-realize na hindi lang pala tungkol sa family ang problema ko ngayon. I almost forgot that my boyfriend and I had a cold fight 2 days ago. 

"Are you dreaming about your boyfriend" Jet asked and I answered him with a "why-do-you-care-look".

"I think maldita kang girlfriend. Kaya siguro nagalit sa iyo..." sh#$# kanina pa siya ha! He is so insensitive!

"You know what Andy, if you can't share anything or release THAT feeling, you will never enjoy this trip..." ABA! nag-iba ang ihip ng hangin!

Wala na akong nailabas na salita sa bibig ko, tinignan ko lang siya at siya nama'y tumitig sa akin...gosh...

Nariyan na naman yung feeling na parang may... fireworks?... Iba pala ang mata niya, parang may pinagdadaanan din...

Sabagay, lahat ng mga taong nag-sosolo flight sa trip ay yung mga taong ay kailangang hanapin, sundin, reflect o di naman kaya'y makalimot.

Napansin kong nakaidlip na pala siya at dahil na rin sa pagod ng kakaiyak, napaidlip narin ako.

Salamat sa inabot niyang kumot, hindi ko masyadong nararamdaman ang lamig ng gabi.

By Accident Or By DestinyWhere stories live. Discover now