Ano bang basehan para matawag mong prinsipe ang isang tao?
Gwapo?
Mayaman?
Marunong lumaban?
Palaging may dalang sandata?
May kabayo?
Katulad ng mga prinsipe sa mga fairy tales na nababasa natin?Siyempre hindi naman mawawala yung siya ang palaging nandun para iligtas ang prinsesa niya.
Baka para sa iba sa inyo, iyon ang mga katangian na gusto niyo sa isang prinsipe.
Pero kung tatanungin niyo ako?
Para sakin ang prinsipe ko ay gwapo nga at mayaman, yun nga lang bulol. Hindi lang iyong pagiging bulol ang pinagkaiba niya sa ibang prinsipe dahil hindi siya mabait. Ang sama nga niya sakin nung una, tapos isa siyang dakilang isnabero at ang cold niya. Daig pa niya ang north pole sa sobrang lamig.
Pero kahit na ganun siya. Kahit ang sama ng budhi niya, para sakin siya ang prinsipe ko.
Bakit?
Dahil siya lang ang tanging nandiyan nung panahong malungkot ako. Siya lang ang hindi nang-iwan sakin.
At siya lang ang nag-iisang prinsipe kong bulol.
**
Edited ^_____^
Mahiwagang nowt ni otor: Lahat po ng chapters ay ie-edit ko. Pahahabain ko yung mga chapters kasi parang ang bilis lang ng flow ng story and I'm not satisfied with that fact Hehehe. Pero wag kayong mag-alala. Same plot pa rin po. Abah! Ang hirap kaya mag-isip ng panibagong plot XD
Dedicated pala sa isa sa mga idol ko pagdating sa pagsulat ng mga boyxboy stories. Ang galing niya po. Pramis. :DD
Salamat pala sa mga nagbasa, nagbabasa, babasahin palang ang storyang ito. Salamat at kahit di ako magaling mgsulat katulad ng iba ay pinagtitiyagaan niyo parin ang story ko. Mahar ko kayo! Mua :*
Vomments? :D
17/10/25: Before you proceed, please keep in mind that when I wrote this story I was 14 years old. This was my first ever completed story so I got a bit carried away. Please forgive me if some parts are too cringy. (Yes, there are a lot lmao). I know I said I would edit this but I changed my mind. Every chapter I wrote holds a distinct memory. It reminds me of my the times when I was still new to this world of story writing. Every time I reread this I can't help but smile and laugh. I realized I didn't want to let go of those memories. OA na kung OA pero yun nararamdaman ko eh. Wag na kayong pumalag hahahaha anyway, if you still want to read this then be my guest. Comments/reviews/votes are highly appreciated. But no flames please! I'm not wearing any fireproof gear lmao
BOOK 2 IS NOW POSTED! :D
BINABASA MO ANG
Ang Prinsipe Kong Bulol [COMPLETED]
FanfictionSinong may sabi na mga prinsesa lang ang pwedeng magkaroon ng prinsipe? ||Book cover by: ElhanLu||