Chapter 9

1.3K 59 44
                                    

LUHAN'S POV


"Luhan, ano ba mas bagay sakin? Eto o eto?"

Wednesday na at nandito kami ngayon ni Yoona sa mall. Half-day kasi kami kaya naisipan niyang mag-shopping nalang raw ng damit para sa party. Tss. Matagal pa naman iyong party, eh. =_____=

"Umm...tingin ko mas bagay sa iyo ang pink kesa blue."

Tiningnan niya saglit ang pink dress tapos ay umiling. "Nope. I think mas bagay sakin ang blue."

Iyon naman pala, eh! Bakit niya pa tinanong sakin?? 

Girls. I can never understand them. ~_____~

Hayyy. Sa panahon na 'to, nami-miss ko na si XIumin hyung. Siya kasi lagi ko kasama sa mall noon.

HIndi para mag-shopping, kundi para mag-laro ng mga arcade games, mag-food-trip o para lang magpalamig.

Hayyy. Ewan ko lang sa kanya. Parang ang weird niya kasi these past few days. Lagi lang kasi siyang naka-buntot sakin pero hindi naman siya nagsasalita.

Kapag aalis naman siya ay lagi niyang bilin sakin ay, "Wag kang kumausap sa kahit sinong babae maliban kay Yoona."

Weird, diba?

"Oyy, Luhan. Ano?"

"H-ha? Bakit?"

Umiling lang siya. "Sabi ko. Kilala mo ba siya? Kanina pa nakatingin sa iyo, eh."

Lumingon ako at tama nga siya. May babae ngang nakatingin sakin at nakangiti pa. Psshh. Sino ba iyon? Hindi ko naman kilala iyon, eh.

Hindi ko na lang siya pinansin at lumingon uli kay Yoona.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nakatulala kasi siya.

"Ah-eh. Kasi. Papalapit dito yung babae."


Napalingon ulit ako at-Shet! Papalapit nga siya dito.

"Hi. Luhan, right?" tanong niya.

Tumango nalang ako at ngumiti.

Ngumiti rin siya sakin. Walang nagsalita samin. Pati si Yoona-teka. Nasaan ba si Yoona???

Tss. BIgla nalang nawala.

"Umm, hindi mo ba ako natandaan?"

Ha? Eh hindi ko nga siya kilala. Paano ko siya matandaan??

Tumawa siya nang ma-realize na hindi ko nga siya natandaan. "I'm Tiffany Hwang. Diba, ikaw yung may crush sakin? Sinigaw mo pa nga sa buong klase, eh."

Ha? Ano ba pinagsa-

D______O

Shet Oo nga pala. Siya yung sinabi kong crush ko kasi ayaw kong mabuking kay Xiumin hyung.  O/////O

"A-ah. Naalala ko na. Hehe." Napakamot naman ako sa batok ko. 

Ang awkward kasi. GRABE.

"Buti naman." tapos ay nag-eyesmile siya. Omo. Ang ganda niya *O*

"Tiffany! Nandito ka lang pala."

"Mommy! Si Luhan pala. Ang lalakeng may crush sakin ^__^"


D___O Bakit niya sinabi iyon? HIndi naman iyon totoo, eh ToT

Ang Prinsipe Kong Bulol [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon