Chapter 19

886 45 29
                                    

LUHAN'S POV

Pumunta ako kina Yoona at dire-diretsong pumasok sa bahay nila Hindi ko naman kailangan kumatok o humingi ng permiso para pumasok. Kilala na naman nila ako.

 Nakita ko si Yoona kalalabas lang niya sa kwarto niya. Halatang nagulat siya na pumnta ako dito kasi nahulog niya ang basong dala-dala niya. buti nalang nasalo ko agad. Kundi baka mabasag pa ito. Tss.

"L-luhan?"

NIlagay ko ang baso sa pinakamalapit na mesa at hinarap siya ng nakangiti.

"Yeah." nakatayo lang ako dun ng nakapamulsa.

Pumunta ako dito kasi akilangan ko ng kaibigan. Kaibigan na naka-intindi sa sitwasyon ko. Kaibigan na pwede kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Kaibigan na hinding-hindi ako iiwan. Akala ko ioco-comfort niya ako. Akala ko sasabihin niyang naiintindihan niya ako. Pero bakit ganun.....

ANG AWKWARD!

"Uhmmm, ano...pasok ka muna..." Sinundan ko naman siya papasok sa kwarto niya.

Pagdating naman dun ay agad siyang umupo sa gilid ng kama niya habang ako naman ay nakatayo sa tabi ng pinto.

Shit. Bumalik na naman yung awkward feeling!

"Luhan, ano pala ginagawa mo dito?" Nakatingin siya sakin, hinihintay ang sagot ko.

Tumingin rin ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang na-realize na....ang ganda pala ng mga mata niya. Habang nakatitig ako sa mga mata niya ay napansin ko kung gaano kalungkot ito. Hindi na siya ang masiglang Yoona na nakilala ko. Parang gustong-gusto niya nang umiyak pero hindi niya kaya....

Ewan ko lang kung anong espirito ang sumanib sakin at bigla nalang akong pumunta sa tabi niya at yinakap siya.

Ramdam na ramdam ko kung gaano siya nahirapan. I don't know why. I don't know the reason pero I can feel her pain. I can feel she's hurting, too. Hindi lang ako nag nasasaktan dito. Pati siya.

"Luhan, ano-"

"Ssshh, just let it out."

"Anong pinagsa-"

"Alam ko kung gaano ka nahihirapan ngayon. Hindi ko alam kung bakit at hindi na lang kita tatanungin pa pero Yoona. Sana naman, wag mong dibdibin lahat n sakit. It'll only make the pain worse. Just let it all out. I'm here for you."

Maya-maya ay naramdaman kong nabasa na ang balikat ko at rinig ko ang paghahagulgol niya.

"Luhan, sorry...Sorry kasi dahil sakin...naghihira ka ng ganito....Kasalanan ko! Kasalanan ko 'to lahat, eh....I'm so sorry...."

HInahaplos ko ang likod niya. Kahit nalilito ako sa sinasabi niya ay hindi nalang ako nagtanong. 

"It's okay, Yoona. Ibuhos mo lang lahat ng sama ng loob."

Mas lalo lang lumakas ang pag-iyak niya.

HIndi ko siya iniwan. Nandun lang ako sa tabi niya. Kahit na nakatulog na siya ay pinagmasdan ko parin siya. Napakaamo nang mukha niya habang natutulog. Hindi mo mahalata na amazona din tong babaeng 'to! Ang sakit mambatok, eh! 

Hayy. Pumunta ako dito kasi inaasahan kog ico-comfort ako ni Yoona pero ako pala ang nagco-comfort sa kanya.

Nagulat ako ng biglang nag-vibrate ang phone ko. May ang-text pala sakin.

Ang Prinsipe Kong Bulol [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon