Chapter 1

5K 109 3
                                    

"Liam, ikaw na ba iyan?" Tanong ko dahil narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nangangapa ako dahil hindi ko matandaan kung saan ko nailagay ang tungkod ko. Iyon na lang ang paraan para malakad ako kahit maraming tao pero kung walang trabaho si Liam ay sinasamahan niya akong maglakad sa labas.

"Yes, dude."

Simulang college kami ni Liam ay magkasama na kaya iisang apartment na lang kinuha namin. Tinurin ko na rin kapatid si Liam dahil siya lang ang naging tapat kong kaibigan. Even he knows I'm a bad boy. Black sheep of the family pero hindi sumuko sa akin si Liam. Malaki daw ang utang na loob niya sa akin kahit wala naman ako naalala na may ginawa akong mabuti sa kanya.

Nangyari ang aksidente itong noong may tinulungan akong isang babae sa may bar. Hindi ko naman alam kasama pala niya yung boyfriend niya at mga kaibigan ng nobyo niya kaya pinagtulungan ako. Pinaghahampas ako sa ulo ng bote ng alak hanggang may bubog ang pumasok sa mga mata ko kaya ito bulag na ako ngayon. Hindi na rin ako umaasa makakita pang muli. Natatakot kasi ako baka hindi maging tagumpay ang operasyon. Kahit isa akong bad boy ay may kinakatakutan pa rin ako. Takot akong mamatay.

Noong tinawagan ako ni Ori para sabihin na ikakasal na sila ni Thea. Masaya ako sa kanila pero noong sinabi niya iniimbita niya ako ay hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi pa nila alam ang nangyari sa akin dito. Kaya sinabi ko na sa kanya ay susubukan ko kung hindi ako busy sa trabaho ko. Alam ni Ori na hindi ko hawak ang oras ko pero kung alam lang niya na wala na ako sa pagiging surgeon dahil sa kalagayan ko ngayon. Naging pabigat na nga ako kay Liam.

"May kailangan ka ba, Seb?" Tanong niya. Tumayo na ako noong mahanap ko na yung tungkod ko.

"Wala naman. Lalabas na muna ako ah. Kung may maghanap sa akin sabihin mo may pinuntahan lang."

Lumabas na ako sa tinitirahan naming apartment. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ang ginagawa ko lang ay naglalakad lang ako hanggang may narinig akong boses ng mga bata. Nakapunta yata ako sa playground. Nangangapa ako kung may bench man lang dito pero naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Inalalayan niya akong umupo sa bench.

"Thank you."

"My gosh. Hindi ko inaasahan sa ganito tayo magkikita ulit, Wilfred." Kumunot ang noo ko dahil familiar sa akin ang boses na iyon.

"Do I know you, miss?" Naramdam kong umupo rin siya sa bench sa tabi ko.

"Kilala kita pero ako hindi mo ko kilala dahil noong nagkausap tayo sa bar ay hindi naman ako nagpakilala sayo."

"So, pwede ko ba makuha ang pangalan mo, miss?"

"Loisa. Loisa Marie Rodriguez." Pakilala niya sa akin. Ngumiti na lang ako.

"Ikaw yung kaibigan nina Ori at Thea, diba?"

"Ako nga. Paano mo naman nalaman?"

"Pumunta ako dati sa paaralan ni Ori para tingnan iyon. Hanggang nakita ko si Ori na may kasamang dalawang babae. Isa doon si Thea dahil sinabi sa akin niya sa akin simulang high school pa lang sila ni Ori ay magkaibigan na pero yung isa hindi ko kilala until Thea told me about you."

"Ano nangyari sayo? Paano ka hindi nakakita?"

"Mahabang kwento at ayaw ko na naalala ang nangyari."

"Hindi kita pipilitin pero nandito naman ako para makinig."

"Salamat, Loisa." Naramdam kong may humawak sa kamay ko. Hinahawakan yata niya ang kamay ko.

"Ilang buwan ka na bang bulag?"

"Two years na rin."

"Hindi ka ba nahihirapan dahil hindi nakakakita?"

"Nahihirapan rin pero sanay na ako. Sa loob pa naman ng dalawang taon akong ganito at saka may room mate akong tumutulong sa akin. Tinutulungan niya ako kung wala siyang trabaho."

May narinig akong sumigaw na isang babae. May matanda daw ang nahimatay.

"Tulungan mo ko maglakad papunta sa matanda." Tumayo na ko at inalalayan naman ako ni Loisa.

Lumuhod ako sa tabi ng matandang nahimatay. Kinuha ko ang kamay niya para tingnan ang pulso. Nararamdaman kong humihina na ang pulso ng matanda. Kailangan kaagad siya maisugod sa ospital kundi mamatay siya.

"Someone call an ambulance. Quick!" Sigaw ko. May tumawag naman agad ng ambulansya.

May dumating kaagad na ambulansya at nilagay na siguro yung matanda doon para maisugod na siya sa ospital.

"Sana umabot yung matanda sa ospital. Nararamdaman kong humihina na yung pulso niya noong hinawakan ko."

"Kahit bulag ka ay nagagawa mo pa rin tumulong sa mga tao."

"Hindi naman naging sagabal sa akin ang pagiging bulag ko. Katulad ni Daredevil bulag siya pero hindi naging sagabal ang pagiging bulag niya para tumulong sa mga tao. He is a lawyer and a superhero."

"Um, hatid na kita sa inyo."

"Huwag na. Kaya ko naman umuwi, eh." Sabi ko. Pero mapilit si Loisa kaya pumayag na rin ako.

Sinabi ko sa kanya yung mga daan papunta sa apartment ko. Hanggang nakarating na kami.

"Nandito na tayo. Salamat ah." Pagpapasalamat ko.

"Para saan?"

"Sa lahat dahil hindi naging boring ang pagpasyal ko kasi may kasama ako." Inangat ko ang dalawang kamay ko at kinapa ko ang mukha niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong maganda siya. Pero hindi ko na alam ang sunod kong ginawa. Naramdam ko na lang ang paggalaw niya habang hinahalikan ko siya. Ako na rin ang humiwalay. "S-Sorry. Hindi ko sinasadya. Sige, pasok na ako sa loob."

Muntik na nga ako matumba dahil sa pagmamadali kong pumasok. Ano ba itong pumasok sa isipan ko at hinalikan ko siya? Pero in fairness, ang lambot ang mga labi niya.

"Huy! Sino iyong babae kahalikan mo sa labas? Girlfriend mo?"

"Wala. Kaibigan siya ng kakambal ko. At nagkita kami kanina sa playground."

"Crush mo, no?" Sa pananalita ni Liam ay may kasamang pabiro.

"Sira ka talaga. Paano ko naman magiging crush kung hindi ko nga maalala ang itsura niya?"

"Kung hindi mo siya crush, akin na lang. Ang ganda at sexy niya."

"Hindi ba ang sabi mo sa akin ay mahal mo pa rin ang ex girlfriend mo? At saka magluto ka na dahil nagugutom na ako." Sabi ko habang naglalakad papunta sa kwarto ko.

"Yes, boss!" Sigaw niya.

Baliw talaga itong si Liam. Pero ano ba talaga pumasok sa isipan ko at hinalikan ko si Loisa? At ang sabi niya nagkita kami sa bar bago yung kasal ko. Kasal ko kay Thea pero hindi naman ako sumipot. Ilang buwan rin ako nagtago sa Laguna noon.

~~~

This is Wilfred and Loisa's story. Sana suportahan niyo rin.

-Skye

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon