Wilfred's POV
Simulang umalis si Loisa ay hindi na ako lumalabas ng bahay. Palaging umiinom at palagi ko ring iniisip kung may nagawa ba akong mali kung bakit ako iniwan ng babaeng mahal ko.
It's already 5 months pero hindi ko pa rin tanggap ang pangiiwan niya sa akin.
"Ano ba iyan, Seb. Sa tuwing umuuwi ako lasing ka! Limang buwan na kaya mag-move on ka na kay Loisa."
"Hindi ko kaya. Mahal ko yung tao kaya mahirap siyang kalimutan. Pero gusto ko malaman kung bakit niya ako iniwan." Iinom na sana ako pero biglang inagaw sa akin ni Liam yung bote na hawak ko.
"Dahil narinig ni Loisa ang pinagawayan niyo ng papa mo noong gabing iyon. Kaya siguro nakapagdesisyon si Loisa na iwanan ka para magkaayos kayo ng papa mo."
"Kahit kailan hindi na kami magkakaayos ng matandang iyon. Puro sarili lang naman niya ang palagi niyang iniisip. Hindi niya iniisip na may pangarap rin ang mga anak niya. Mabuti pa si Ori natupad ang gusto niya pero ako hindi."
Kaya minsan ay naiinggit ako kay Ori dahil siya ang pinili ni mama samahan ng ilang taon at natupad ang pangarap niyang gawin, ang isang magaling na magaling na chef. Pero ako hindi ko man lang pinalaban ang gusto ko pagkalaki, ang maging engineer. Kaya lang hindi ko tinupad dahil ayaw ko lang magalit si papa sa akin. Gusto niya maging katulad niya ako kaya sinunod ko siya pero noong gusto niya ako ipakasal sa isang babae na hindi ko man kilala ay labag rin sa kalooban ko. Ngayon ay nagmahal ako sa isang babae ay kaaway pa ng pamilya namin.
Tapos ngayon iniwan ako dahil sa kanya.
Sana pumayag na lang siya sa kagustuhan kong mangyari. Sinira na nga niya ang pangarap ko pati pa naman ang mundo ko.
"Tama na ang pagmukmok mo diyan. Kailangan mo rin masikatan ng araw. Limang buwan ka na nakakulong."
"I don't care. Ayaw ko na rin lumabas ng bahay kung wala sa tabi ko si Loisa."
Hindi ko rin alam kung saan siya pumunta ngayon.
Isang linggo rin ay nagpasya na akong lumabas ng bahay. Ngayong gabi ay pumunta ako sa club.
Naglakad ako sa may counter bar.
"One tequila, please." Sabi ko sa order ko sa bartender.
"Coming up, sir."
Hindi naman ako matagal naghintay sa order dahil sinerve rin naman agad sa akin.
Hindi pa nga ako nakakainom na may babaeng lumapit sa akin.
"Hi, handsome." Sumulyap ako sa kanya. Isa lang ang masasabi ko maganda siya. Wala naman mawawala sa akin kung patulan ko siya. Wala naman akong girlfriend kaya ayos lang.
Kinabukasan, nagising na lang ako sa sinag ng araw at ang sakit ng ulo. Marami siguro ang mainom ko kagabi. Tumingin na rin ako sa paligid pero hindi ako familiar sa kwarto ito. Hindi ito ang kwarto ko. Tumingin rin ako sa tabi ko dahil may katabi akong babae.
Ano ba itong nangyari sa akin? Nagkakaganito ako dahil lang sa babaeng na inakala mong mahal ako pero iiwanan lang pala niya ako.
Pagkabihis ko sa mga damit ko ay umalis na ako.
"Tsk. Ang sakit pa rin talaga ng ulo ko." Hanggang ngayon kasi ay hawak ko pa rin ang ulo ko.
Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng suot kong pantalon. Shit, ang daming missed calls galing kay Liam. Wala siyang alam sa mangyari.
Urgh! Ang sakit na talaga ng ulo ko. Kailangan ko na umuwi pero nasa parking lot ng bar yung dala kong kotse. Bahala na nga. Mamaya ko na lang kukunin iyon. Magcommute na muna ako para makauwi na.
Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong ako ni Liam sa may pinto.
"Saan galing? At hindi ka umuwi kagabi." Daig ko pang asawa itong si Liam. Maka sermon wagas.
"Not now, Liam. Masakit ang ulo ko at kailangan ko ng cold water. Kung may gamot tayo pahanda na lang. Mamaya ko iinumin."
Dumeretso na ako sa loob ng banyo para maligo. Binuksan ko na ang shower kahit pa paano ay mawala na rin ang sakit ng ulo ko.
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako. Dumeretso na rin ako sa kusina para kumain para mamaya ay iinom na lang ako ng gamot.
"Ano ba ang nangyari sayo kagabi ah?"
"Sabi mo lumabas ako kaya ito lumabas ako ng bahay at kagabi naisipan kong pumunta sa club para naman maglibang."
"Tapos ginawa mong libangan ang mga babae."
"Ano naman masama doon? Masaya naman sila maging libangan."
"Alam mo hindi na ikaw ang kilala kong Sebastian. Ang kilala ko kasi ay isang mabait na kaibigan."
"Hindi naman ako mabait. Kung mabait man ako kaya sawang sawa na ako maging mabait dahil iiwanan rin naman ako."
"Hindi ka naman iniwanan ni Loisa. She has a reason kung bakit niya iyon ginawa."
"Shut up! And don't mention that name again." Tumayo na ako kahit hindi pa ako tapos kumain. Kinuha ko na rin yung gamot para inumin.
Kahit pa paano ay konti nawawala na yung sakit ng ulo ko dahil sa hangover. Kaya binalikan ko na yung kotse na dinala ko kagabi sa club. Binayad ko na para malabas ko sa parking lot ang kotse ko.
"Tsk. Ngayon pa talaga ako naipit sa traffic." Wala na ako magagawa kaysa makisabayan ako sa mga driver na ito sa pagbubusina.
Binaba ko yung bintana pero may naririnig kong may naaksidente daw kaya bumaba ako para tingnan.
"Excuse me. Let me through.. I'm a doctor." Binigyan naman ako ng mga tao na daanan kaya naglakad ako sa gitna. Nakita kong duguan siya at kailangan maidala siya agad sa ospital. Kinuha ko yung panyo ko para huminto ang pagtulo ng dugo sa ulo niya.
"Someone call an ambulance." Utos ko sa mga tao na wala namang ginawa kundi panoorin ang gingawa ko. Walang shooting, huy!
Mabuti may isang tao ang tumawag ng ambulansya kaya may dumating na. Sinakay na nila ang taong naaksidente.
Pero parang familiar sa akin ang lalaking iyon. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.
Tumalikod na ako para bumalik na sa kotse ko pero laking gulat ko noong makita ko siya. What she's doing here?! Kung kailan pinipilit ko siyang kalimutan.
"Tsk." Nilagpasan ko siya para bumalik na sa kotse.
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Prince
RomanceSi Wilfred Sebastian Tyson ay every girls' dream. May pagka bad boy ang dating ni Wilfred noong dumating siya sa US pero nagbago lang iyon noong may nakilala siyang babae sa bar noong araw bago ang kasal niya. Loisa Marie Rodriguez ay ang babaeng na...