Before we start.
Salamat ulit sa pagbasa. Sa mga hindi pa nakakabasa ng ibang stories ko punta lang kayo sa profile ko.
And lastly, thank you sa pagbasa niyo sa My Kidnapper Is A Mafia Boss dahil almost 1K readers na. 😍 Thank you guys.
~~~~
Wilfred's POV
Bago ako pumasok ay sumilip na muna ako sa guest room dahil hindi pa kami pwede magkasama ni Loisa sa ksang kwarto. Ang himbing pa ng tulog niya ngayon.
"Mabuti naman nagkaayos--" Lumingon ako sa likod dahil nandito rin pala si Liam.
"Shh... Natutulog pa si Loisa kaya wag kang maingay." Saway ko sa kanya.
"Sorry."
"Mamaya maaga ako uuwi. Siguro after lunch uuwi na ako agad. Tatapusin ko lang yung rounds ko ngayong umaga." Bilin ko sa kanya.
"Basta wag ka muna papasok hanggat hindi pa ako umuuwi." Dagdag ko pa sa kanya.
"Yes po, boss."
----
"Good morning, doc." Bati sa akin ng security guard pagkapasok ko ng ospital.
"Good morning to you too." Bati ko rin sa kanya.
"Mukhang good mood ho kayo, doc ngayon ah."
"Of course. Sige po, una na ako dahil kailangan matapos ko agad ang trabaho ko."
"Sige ho."
Nagsimula na ako maground ng mga pasyente ko. Inaalam ko kung kamusta na sila. May ibang pasyente nakakahalata na maganda ang araw ko ngayon. Maganda naman talaga ang araw ko dahil nakasama ko ulit ang mahal ko.
Pagkatapos ko ay nagpasya na ako umuwi sa bahay pero noong pasakay na ako ng kotse ko ay nakatanggap ako ng text galing kay Loisa.
From Loisa;
Nagpaalam na ako kay Liam pero ang sabi niya ay magpaalam rin ako sayo. Sana payagan mo ko bumalik na muna sa bahay.
To Loisa;
Importante ba iyang gagawin mo sa bahay niyo?
From Loisa;
Yes, sobrang importante. Kaya sige na payagan mo na ako.
To Loisa;
Okay, okay. Basta wag mo papagurin ang sarili mo
From Loisa;
Alam ko naman na iyan. Salamat. I love you.
To Loisa;
I love you too.
Pinaandar ko na ang makina ng kotse ko bago pinatakbo.
Wala na rin pa lang tao ngayon sa bahay pagkabalik ko. Bilin ko naman kay Liam na wag na muna siya papasok hanggat wala pa ako pero umalis rin si Loisa kaya siguro pagkaalis ni Loisa ay pumasok na rin iyon
Magpapahinga na muna siguro ako.
Mga ilang oras na rin noong nakatulog ako. Pagkagising ko ay nandito na si Liam.
"Si Loisa?" Kumunot ang noo ko dahil hindi ko pa siya umuuwi.
"Halos kakauwi ko lang. Sinilip mo na ba sa guest room?"
Pumunta ako sa guest room para sumilip pero walang Loisa doon. Tinatawagan ko siya pero unattended.
Saan naman kaya siya pumunta? Iniwanan na naman niya ba ako?
"Seb." Tawag sa akin ni Liam at lumapit ako sa kanya.
"Bakit?" Nakikita kong nakatingin lang siya sa labas sabay may tinuro. May usok sa hindi kalayuan dito sa bahay. May sunog. Saan naman kaya galing ang sunog?
"Saan naman galing ang sunog na iyon?"
Bigla akong kinabahan. Naalala ko malapit doon ang tinitirahan nila Loisa.
"Puntahan natin. Gusto ko makasigurado ayos lang si Loisa."
"Ako na ang magmaneho. Baka sa sobrang kabado mo ay mabangga pa tayo."
Pumunta na kami agad sa lugar na may sunog. Pagkarating namin doon ay hindi ko mapigilan ang magmura sa nakita ko.
"Shit, si Loisa!" Lumabas ako agad ng kotse. Lumapit ako sa bahay nasusunog.
Kailangan ko gumawa ng paraan para makapasok sa loob. Kailangan ko mailigtas si Loisa.
Tumingin ako sa paligid hanggang may nakita akong balde ng tubig. Kinuha ko iyon at binuhos sa sarili.
"Ano ang ginagawa mo?"
"Papasok sa loob. Kailangan kong iligtas si Loisa."
"Hayaan mo na ang mga bumbero ang gumawa."
"Hindi ko pwede hayaan. Kailangan na kailangan kong iligtas si Loisa sa loob." Tumakbo na ako papunta sa nasusunog na building. I know Liam is calling me.
Pagkapasok ko sa loob ay wala ako makita dahil sa sobrang kapal ng usok.
"L-Loisa, nasaan ka na--" May nakita akong taong walang malay. Nagmadali akong lumapit sa kanya. "Loisa! Hang in there. Ilalabas kita dito."
Nagmamadali na ako para makalabas kami ng buhay pero may nahulog na kahoy. Naloko na. Hindi na ako makahinga sa sobrang kapal ng usok.
Napasinghap ako pagkadilat ko. Teka, nasaan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko?
Bumangon na ako pero ang sakit ng ulo ko.
"Mabuti naman nagkaroon ka ng malay." Tumingin ako sa nagsalita.
"Ano nangyari? Nasaan ako ngayon?"
"Nandito ka ngayon sa ospital."
"Ano nangyari? Si Loisa? Ayos lang ba siya?"
"Natagpuan ka ng mga bumbero na walang malay kaya agad kayo nilabas sa loob ni Loisa. Ayos naman ang kalagayan ni Loisa pati na rin ng anak niyo. Ikaw nga ang hinahanap ni Loisa at gusto ka rin niyang puntahan noong nalaman niya ang nangyari sayo."
Nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas silang pareho.
"I want to see her. Tulungan mo ko pumunta sa kanya, Liam."
Pumunta kami sa isang kwarto sa katabi lang ng akin.
"Will?" Lumapit na ako sa higaan niya.
"Musta na ang kalagayan mo?"
"Ayos naman ako. Ikaw, kamusta ka?"
"Ayos lang din. Naging maayos ako na okay lang kayong dalawa." Hinawakan ko ang kamay ni Loisa. "Ano ang nangyari?"
"Hindi ko alam ang saktong mangyari. Habang may hinahanap ako ay may naamoy ako na parang nasusunog hanggang lumakas na rin ang apoy."
Kung sino man ang may gawa nito ay sigurado akong may galit sa akin. Pero sino naman gagawa nito? Sa sobrang dami kong nakaaway noon, siguro isa sa kanila. Alam nila ang kahinaan ko.
"Magpahinga ka na." Hinalikan ko siya sa noo.
Lumabas na ako agad ng kwarto noong nakatulog na si Loisa.
"Ano na ang balak mo ngayon?"
"I have no idea. Siguro babalik na muna kami sa Pilipinas dahil alam ko ligtas siya doon."
"What do you mean?"
"Hindi ako sigurado pero may kutob ako kung sino may gawa nito."
"Sino?" Kumunot ang noo ni Liam.
"Isa sa mga nakaaway ko noon. Sigurado ako isa sa kanila."
Bahala na kung saan kami titira o hihingi ako ng tulong kay mama. Sana nga lang hindi niya ako isumbong sa matandang iyon na bumalik na ako ng Pilipinas pero kasama si Loisa.
"Baka doon na rin kami magpakasal."
"Huh? Bakit doon? Bakit hindi na lang dito?"
"Walang divorce sa Pilipinas." Sagot ko sa katanunngan ni Liam.
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Prince
RomanceSi Wilfred Sebastian Tyson ay every girls' dream. May pagka bad boy ang dating ni Wilfred noong dumating siya sa US pero nagbago lang iyon noong may nakilala siyang babae sa bar noong araw bago ang kasal niya. Loisa Marie Rodriguez ay ang babaeng na...