"Bakit ang tahimik naman dito?" May narinig akong boses. Kaya pumunta ako sa sala para tingnan pero nagulat ako sa aking nakita.
"Liam?!" Nandito ngayon ang kaibigan ko. Pero ano naman kaya ang ginagawa niya rito? Ang pagkaalam ko strict ang bago niyang boss. Isa kasing architecture itong si Liam. Hindi lang halata.
"Yo. May trabaho kasi rito sa Pilipinas kaya naisipan na rin kitang dalawin."
"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"
"I saw your twin brother earlier pero hindi siya sigurado kung saan ka nakatira at tinuro niya sa akin kung saan ang bahay niyo. Hindi ko nga inaasahan isang mansyon bahay niyo. Grabe! At mama mo ang nagsabi na dito ka nakatira."
"I'm glad you came. Musta ang buhay mo sa US?"
"Ayos lang. Ang daming ginagawa sa site tapos ngayon nandito ako sa Pilipinas dahil may naging client ako."
"Ikaw na lang kaya kunin kong architecture kung may balak ako."
"Sure. Hindi ko iyan tatanggihan, dude at saka bibigyan kita ng 20% discount."
Tamang mag-negotiate dito sa bahay.
"Will, sino iyang kausap mo?" Lumingon ako sa likod. Gising na pala si Loisa. "Liam?"
"Hey, Loisa. Long time no see."
"Oo nga. Musta ka na?"
"Ito okay lang naman ako. Naging busy nga lang."
"Mabuti nakapunta ka rito sa Pilipinas. Dahil yayain ka namin sa kasal namin ni Will."
"Kasal?" Tumingin sa akin si Liam. Patay. Nawawala kasi sa isip kong kausapin si Liam. "Kung hindi pala ako pumunta rito hindi ko malalaman na ikakasal na kayong dalawa."
"Sorry. Nawawala kasi sa isipan ko na kausapin ka."
"Nga pala, Seb nagkaayos na ba kayo ng papa mo?"
"Matagal na. Isang buwan na rin noong pinatawad ko si papa."
"Glad to hear. Pero ngayon malapit na kayo ikasal na dalawa, nagkaayos na rin ba ang pamilya ninyo?"
"No, hindi nga ako tinanggap ng papa ni Loisa dahil ayaw niya magkaroon ng manugang na isang Tyson pero wala na rin siya magagawa kundi ang pumayag na ikasal kaming dalawa. Sinuntok kaya niya ako. Ang sakit." Sabi ko pero hinampas ako ni Loisa sa braso. "Ow."
"Hindi ka kasi umilag. Ayan kasi." Tumingin na siya kay Liam. "Work kaya ka nandito ngayon?"
"Yup. May naging kliyente kasi ako."
"That's nice. Good luck."
"Salamat. Sorry, kailangan ko ng umalis at ayaw ko talaga maging third wheel sa inyo."
"Sira ka talaga. Sige, ingat."
Nagulat na lang ako noong bumisita si Thea rito.
"Sino kasama ng kambal?" Tanong ni Loisa kay Thea.
"Day off ni Brett ngayon sa trabaho."
Until now, hindi ko pa rin nakilala ang kambal nilang anak. Naririnig ko lang kay Loisa noon na kambal daw ang anak nina Ori at Thea.
"Kaya day off mo rin ngayon?"
"Hindi. Tinutulungan lang ako ni Brett sa pagalaga pero bago ako umalis ay tulog yung tatlo."
"Umalis ka na hindi alam ni Ori?"
"Alam niya."
Mabuti na lang kung ganoon. Ako pa malalagot kay Ori pag nalaman niyang nandito si Thea tapos hindi pa nagpaalam.
"Ilang buwan ka ng buntis, Loisa?"
"Five months."
"So, alam niyo na ang gender ng anak niyo?"
"Hindi pa kasi ayaw ni Loisa malaman na muna yung gender hanggat hindi pa daw siya nanganganak."
"Mabuti naman pumayag ka, Wilfred."
"Siyempre naman. Siya ang masusunod."
"Takot ka pala sa future wife mo, eh." Sabi niya sabay tawa. Loko itong asawa ni Ori.
"Hindi, huy! Hindi ako takot kay Loisa. Ayaw ko lang magaway kaming dalawa."
"Maswerte ako kay Will kaya wag kang ano diyan, Thea."
Noong nakahiga na si Loisa sa kama ay hinimas ko ang umbok ng tyan niya. Nilapit ko na rin ang mukha ko.
"Hi, baby. Hindi na ako makapaghintay na dumating ka. At ito ang tandaan mo palagi mahal na mahal ka ni daddy. Okay?" Hinalikan ko ang tyan ni Loisa pero nakaramdam ako ng sipa. "Aba, mahal mo rin si daddy."
"Will, may plano ka ba bukas?"
"Wala naman. Bakit?"
"Tumawag kasi sa akin kahapon si papa at pinapupunta tayo bukas sa bahay."
"Huh? Baka suntukin na naman niya. Maawa siya sa mukha ko."
"Hindi. Sinabihan ko na rin si papa na wag ka na niya suntukin."
"Sige, pupunta tayo sa bahay niyo."
Kinabukasan, kumunot ang noo ko noong naramdaman kong parang may sumipa sa may palad ko. Nakita ko ang kamay ko nasa tyan ni Loisa at hawak niya ito.
"Gising ka na pala."
"Nauna ka pa sa akin magising ah."
"Alam ko naman inaayos mo ang pamilya natin para sa pagdating ng kasal ay walang gulo mangyayari. At inaasikaso mo rin ang kasal natin."
------
"Sir Edward, nandito na ho sina ma'am Loisa at sir Wilfred." Sabi noong maid nila na nagbukas ng gate sa amin.
"Sige. Salamat."
Pagpapunta namin ni Loisa sa kusina ay napalunok ako. Nakatitig sa akin ang papa niya na parang mangangaen ng buhay. At sama pa ng tingin sa akin.
"Hindi naman siguro mangangaen ng buhay ang papa mo no? Ang sama kasi ng tingin sa akin." Bulong ko kay Loisa.
"Hindi naman. Masanay ka na kay papa."
Umupo na kami ni Loisa sa harap ng papa niya.
"Mabuti nakapunta kayong dalawa."
"Hindi naman pong mahirap kumbinsihin si Will para pumunta kami." Sabi ni Loisa. Ayaw ko magsalita dahil baka ano pa lumabas.
"Mabuti naman kung ganoon. Kahit ayaw ko sa mga Tyson pero sa nakikita ko ay inaalagaan ka talaga nito."
"Of course, pa. Kahit noon pa naman ay inaalagaan na ako ni Will."
Naalala ko yung mga panahon na iyon. Yung nangliligaw pa ako sa kanya kaya todo bilin ako sa kanya dahil ayaw ko magsakit si Loisa. Kahit pagod pa ako ay sinusundo ko pa si Loisa paguwi niya dahil gusto ko malaman na ligtas siyang makauwi sa bahay.
Pagkatapos kami kausapin ng papa ni Loisa ay nakahinga ako ng maluwag. Kinabahan ako sa tuwing nasa harapan namin ang papa niya.
~~~~
Hi guys. Last 2 chapters matatapos na ito. At sino gusto gawan ko ng story ang mga magulang nina Orion at Wilfred? Para rin siguro malaman paano nagaway ang dalawang pamilya. Dito niyo kasi iyon malalaman.
-Skye
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Prince
RomanceSi Wilfred Sebastian Tyson ay every girls' dream. May pagka bad boy ang dating ni Wilfred noong dumating siya sa US pero nagbago lang iyon noong may nakilala siyang babae sa bar noong araw bago ang kasal niya. Loisa Marie Rodriguez ay ang babaeng na...