Wilfred's POV
"Pumunta pala kahapon si Loisa sa bahay at hinahanap ka." Sabi ni Liam. Napatingin naman ako sa kanya.
Naging tagumpay ang operasyon ko kaya nakakita ulit ako pero ang sabi ng doctor ay mga dalawang buwan pa daw ako makakalakas at ngayon ang araw makakalabas na ako. Pinayagan na rin kasi ako lumabas ng ospital. Bored na nga ako at miss ko na si Loisa.
"Bakit daw?"
"Gusto ka daw niya makasama bago siya bumalik ng Pilipinas."
Babalik na pala siya.
"Wala ba siyang alam tungkol sa operasyon ko?"
"Mukhang wala naman. Pero isang araw noong pumunta tayo sa opisina ni ate Catherine ay nakita niya ako."
"Tsk. Hindi ka kasi nagiingat."
"Aba, malay ko ba may duty siya noong araw na iyon. Bakit kasi hindi mo tinanong sa kanya kung kailan siya wala dito."
Hindi na ako sumagot pang muli dahil ayaw ko na makipagtalo kay Liam. Siya na nga lang ang kasama ko palagi tapos aawayin ko pa siya. He helps me a lot and I owed him.
"Ano na pala ang balak mo ngayon, mr. Tyson?"
"Mamaya pupunta ako sa kanila para makasama niya ako bago siya bumalik ng Pilipinas."
"Iba ka talaga kung ma-in love. Gagawin ang lahat kahit kailangan mo pa magpahinga."
"If that's the only way to make her happy. Gagawin ko talaga para sa kanya."
Noong nakalabas na ako ng ospital ay iniwanan ko na si Liam dahil kailangan kong puntahan si Loisa. Sinabi niya sa akin kung saan siya nakatira kaya pumunta na ako doon.
Pagkapunta ko sa bahay niya ay nagdoorbell na ako pero kumunot ang noo ko noong makita na lalaki ang bumukas. Ang alam ko may kasama si Loisa pero ang hindi ko alam lalaki ang kasama niya.
"Yes? You need something?" Tanong niya.
"I think I went a wrong house. Sorry." Naglakad na ako palayo. Baka lumipat na si Loisa.
"Daniel, sino iyan?" Natigilan ako noong marinig ko ang boses ng kasama ng lalaking ito na tinatawag niyang Daniel. Hindi ako pwede magkamali. Tumingin ako sa gawi niya at ang bilis ng tibok ng puso ko noong makita ko siya. Totoo nga ang sabi ni Liam sa akin noon.. Maganda at sexy si Loisa.
"Will?" Nagulat siya pagkakita niya sa akin. "Nakakita ka na?"
"Yes. Naging tagumpay ang operasyon ko noon."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? At saka ang sabi ni Liam sa akin bumalik ka daw ng Pilipinas para magbakasyon."
Sinabi pala ni Liam iyon.
"Kinausap ko siya na wag niyang sabihin sayo. Kaya siguro iyon ang sinabi niya sayo at saka kakalabas ko pa lang ng ospital kasi ang sabi ni Liam gusto mo daw ako makasama--" Nagulat ako noong sinampal niya ako. Masakit. Hinimas ko pa yung pisngi ko kung saan niya ako sinampal.
"Kainis ka! I hate you!" Nakita kong may luha ang bumabagsak sa pisngi niya. Niyakap ko siya agad.
"Sorry na. Kaya ko lang naman iyon ginawa dahil gusto kong surpresahin ka." Ginantihan niya rin ako ng yakap. "Dahil sayo kaya napayag akong magpaopera para makakita ulit."
Bumitaw na ako sa pagkayakap. Hinawakan ko ang pagkabilaan niyang pisngi para punasan ang luha niya.
"Because I want to see you again."
"P-Pero may sinabi sa akin si Orion na may naging first love ka daw."
"Iyon ba? Yes, I have pero sa past ko na lang siya kasi hanggang ngayon wala pa akong alam kung ano pangalan niya." Tumingin ako sa kanya habang tuloy pa rin siya sa paghikbi. "Nagseselos ka ba kung mahanap ko siya?"
"H-Hindi. Wala naman akong karapatang magselos, Will. Walang tayo."
Ouch. Sakit naman noon. Pero tama naman yung sinabi niya dahil wala naman talaga kami. Sa ngayon.
"Pero meron ka ng karapatang magselos." Tumingin siya sa akin at mukhang naguguluhan. "Pwede ba kitang ligawan?"
Ilang minuto ako naghintay sa sagot ni Loisa pero wala siyang sagot o kahit tango man lang.
"Ayaw mo ba?"
"Sino nagsabi sayo? Hindi ko lang inaasahan na gusto mo ko ligawan. Pero bakit? I mean wala ka naman gusto sa akin."
"Sino rin nagsabi sayo na wala akong gusto sayo? Magseselos ba ako kay Liam noon sa tuwing kasama mo siya kung wala akong gusto sayo? At ngayon nga nagseselos ulit ako, eh."
"Bakit naman?"
"Hindi mo man lang sinabi sa akin na lalaki pala ang kasama mo dito." Medyo naiinis ang boses ko.
"Kung sinabi ko sayo eh di magagalit ka sa akin. Umamin ako sayo noon dahil ayaw kong magalit ka. Umamin ako sayo kahit alam kong-- hmmph..." Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko na siya sa labi. Ang dami pa kasing sinasabi.
"Ngayon may balak akong ligawan ka. Ano ang sagot mo? Yes or yes?"
"Wala naman pagpipilian, eh."
"Wala nga dahil sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkakaganito kaya ayaw ko ang mareject agad."
"Papayag lang akong ligawan mo ko basta wag mo ko sasaktan. Ikaw ang unang lalaking minahal ko."
"Hindi mo pa nga ako sinasagot." Natatawang sabi ko.
"Basta yun lang ang gusto kong gawin mo, Will."
"Opo, ma'am. Hinding hindi kita sasaktan at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko."
I know Loisa is a year older than me pero sabi nga nila age doesn't matter kung mahal mo ang isang tao.
"Pumapayag na akong ligawan mo ko."
"Thank you."
"Para saan?"
"Dahil masaya ako nakilala kita."
"Ako rin naman pero ang magkagusto sa katulad para na rin ako yung mga babaeng nagkakagusto sayo."
"No, iba ka sa kanila. Dahil ikaw ang babaeng minahal ko. Ang nakakilala sa totoong ako."
Kinabukasan, maaga ako pumunta sa bahay nila Loisa para hatid siya sa ospital. Tinanong ko siya kung anong oras ang duty niya at sinabi ko sa kanya ang gusto ko kaya tinanong ko siya. Dahil makulit ako kaya napapayag ko siya.
"Ang aga mo naman yata pumunta." Sabi niya pagkapasok niya sa passenger's seat ng kotse.
Hiniram ko itong kotse kay Liam tutal dalawa naman ang kotse niya kaya hiniram ko na lang ito. Minsan lang niya kasi gamitin ito. Mas gusto niya yung BMW niyang kotse.
Noong nakarating na kami sa ospital ay pinagbuksan ko siya ng pinto. Bumaba na rin siya ng kotse.
"Mamaya sunduin rin kita ah."
"If you really insist. Okay."
"Hihintayin kita dito mamaya ah."
"Kailangan ko ng pumasok. Marami pa akong gagawin."
"Wag masyado magpapagod ah. Para hindi ako magaalala."
"Kaya ko naman alagaan ang sarili ko."
"Basta kumain ka pag break time mo ah."
"Yes, I will. Alam ko ang ginagawa ko, Will.. Nurse ako" Kinurot niya ang kabilaang pisngi ko.
"Doctor naman ako."
"Ayaw ko na makipagtalo baka hindi na ako makapasok nito. Papasok na talaga ako."
"Sige, kita na lang ako mamaya."
"Okay!" Sigaw niya bago ako pumasok sa loob ng kotse. Hinintay ko pa kasi siya makapasok sa ospital. Noong nakapasok na siya ay doon ko na pinaandar ang kotse.
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Prince
RomanceSi Wilfred Sebastian Tyson ay every girls' dream. May pagka bad boy ang dating ni Wilfred noong dumating siya sa US pero nagbago lang iyon noong may nakilala siyang babae sa bar noong araw bago ang kasal niya. Loisa Marie Rodriguez ay ang babaeng na...