"Huy, ang tahimik mo yata ngayon. Simulang bumalik sa Pilipinas si Loisa hindi ka na maingay."
Dalawang buwan na kasi noong bumalik sa Pilipinas si Loisa kasi tapos na yung trabaho niya dito. And also I missed her.
Paano ko siya liligawan kung wala siya dito? Ano ang gagawin ko? Babalik rin ba ako ng Pilipinas para sundan siya doon? Pero ayaw ko bumalik dahil hanggang ngayon hindi pa ako handa harapin si papa.
Kaya lang babalik ako doon para kay Loisa hindi para kay papa.
"Liam, babalik ako ng Pilipinas." Seryosong sambit ko.
"Huh? Biglaan naman yata. Dahil ba kay Loisa kaya gusto mong bumalik doon?"
"Oo, hindi ko kayang hindi siya makitang isang araw. Alam kong busy siya sa trabaho niya pero sobra ko na siyang namiss."
"Kung iyan na talaga ang desisyon mo, hindi na kita kukulitin. Basta magiingat ka doon."
"Malaki na ako at alam ko na ang mga gagawin ko. Magbabakasyon na rin siguro ako doon mga ilang buwan."
Noong makarating na ako sa Pilipinas ay nagpasya ako umuwi sa bahay. Kahit ayaw ko pa makita si papa dahil wala na rin ako magagawa. Wala rin naman ako matitirahan dito.
"Wilfred?" Nagulat si mama pagkakita niya sa akin. Niyakap niya rin ako. "Kailan ka pa umuwi?"
"Kanina lang ako umuwi."
"Mabuti naman naisipan mong umuwi dito. Hanggang kailan ka dito?"
"I don't know, ma. Matatagal pa siguro ako dahil may kailangan akong hanapin."
"Ano iyon? O baka naman sino?"
"Papakilala ko siya sa inyo pag sinagot na niya ako."
"Hindi mo sa amin sinabi na may niligagawan ka pala sa US ah."
Hindi naman ako babalik kung hindi dahil kay Loisa.
"Kuya Will." Tawag sa akin ni Quinn. Kahit hindi kami ganoon kaclose ni Quinn ay mahal ko rin itong kapatid ko.
"Ang laki mo na, Quinn."
"Hindi nga ako tumangkad, kuya, eh." Nakangusong sambit ni Quinn.
"Ayos lang iyan. Bata ka pa naman. Malay mo balang araw madadagdagan iyang height mo."
"Sana nga po." Bumalik na ulit sa loob si Quinn.
"Sino ba iyang nililigawan mo, Wilfred?"
"Loisa Marie Rodriguez, ma."
Napansin kong nagulat si mama noong sinabi ko sa kanya ang pangalan ni Loisa. Ano ang nangyari sa kanya?
"You better stop courting her, Sebastian." Mawtoridad na utos ni papa.
"Huh? Bakit ko naman gagawin iyan?" Naguguluhan ako dahil wala akong alam sa nangyayari.
"Hindi magandang paintulot ng babaeng iyan sa pamilya natin."
"Bakit naman? Ano ba ang ginawa sa inyo ni Loisa ah? Sabihin niyo sa akin, pa. Tell me.."
"Wilfred, kaya iyon sinabi ng papa mo dahil hindi maganda ang relasyon ang pamilya natin sa kanila. Matalik na magkalaban ang pamilya natin."
"Paano nangyari iyon? Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang tungkol dito?" Kumunot ang noo ko. Naguguluhan ako sa sinasabi ni mama. O baka naman ayaw nila ako maging masaya kaya sinasabi nila na layuan ko na si Loisa. "Hindi ko na kailangan marinig ang mga paliwanag niyo. Alam ko na ang dahilan. Ayaw niyo lang naman ako maging masaya kaya niyo iyan sinasabi. Kahit anong sabihin niyo sa akin ay hindi ako lalayo kay Loisa dahil mahal ko siya."
"Nonsense! Lumayo ka sa kanya o gusto mo itakwil na kita bilang anak ko."
"Gilbert.."
"Sige. Hindi na ako nagulat kung pati ako gusto niyo rin itakwil. Nagawa niyo nga kay Ori kaya siguro kaya niyo rin gawin sa akin. Simula ngayon hindi niyo na rin ako anak." Lumabas na ako sa pamamahay na iyon. Hindi naman sila ang dahilan kung bakit ako bumalik. Nandito ako para kay Loisa.
Wala na ako matirahan dito kaya sa hotel na lang ako magpapalipas ng gabi kaysa naman sa kalsada ako matulog.
Pagka check in ko ay binigay agad sa akin ang susi ng magiging kwarto ko. Noong nakapasok na ako sa loob ay dumeretso na ako sa higaan. Pagod rin ako at saka ang layo ng binayahe ko para lang pumunta dito.
Kinabukasan, hinanap ko na si Loisa dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Wala rin akong ideya kung saang ospital siya nagtatrabaho. Ang tanga mo rin minsan Wilfred, ni hindi mo naitanong sa kanya. Paano mo siya ngayon hahanapin?
Sinasapok ko ang sarili ko dahil ang tanga ko.
"Salamat, hija."
"Wala po iyon, 'la." Namilog ang mga mata ko noong marinig ko ang boses na iyon. Hinanap ko kung saan nanggaling hanggang makita ko siya na may kasamang matandang babae. "Hatid ko na po kayo. Saan po kayo nakatira."
"Nakakahiya naman. Baka naabala na kita, hija."
"Ayos lang po. At saka wala naman po akong trabaho ngayon." Nakangiti lang siya habang kausap ang matandang babae.
Nagpasya na akong lumapit sa kanila
"Will?" Nagulat siya pagkakita niya sa akin. "Ano ang ginagawa mo rito?"
"Nagbabakasyon lang ako ng ilang buwan." Binalik ko ang tingin sa matandang babae. "Lola, hatid na po namin kayo sa inyo."
"Salamat, hijo."
Sinabi na ni lola kung saan ang daan papunta sa bahay niya. Bitbit ko ang mga grinocery niya. Hanggang nakarating na kami sa isang bahay.
"Salamat sa inyong dalawa."
"Walang anuman, lola." Sabi ko habang nakangiti.
Pumasok na sa loob ang matanda.
"Kanina ko pa napapansin sayo ang tahimik mo, Will." Sabi ni Loisa kaya tumingin ako sa kanya.
"May alam ka ba, Loisa?"
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa hindi magkasundo ang pamilya natin."
Hindi siya agad sumagot dahil nakatingin lang siya sa ibaba.
"So, may alam ka. Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"Nalaman ko lang siya noong pagkabalik ko ulit dito kasi nalaman niyang nakipag kaibigan ako sa karibal anak ng karibal niya. Ayaw ko naman masira ang samahan namin ni Orion, Will. Kaibigan ko siya. At mas lalo naman ayaw ko mapalayo sayo dahil importante ka rin sa akin."
"Then, let's run away."
"Huh? Saan naman tayo pupunta?"
"Babalik tayo sa US but you have to resign."
"Hindi ako pwede magresign. Mahal ko ang trabaho ko."
"Pwede ka naman doon magtrabaho. Kasama ko."
"Give me some time to think, Will."
"Kung mahal mo talaga ako hindi mo na kailangan pagisipan ang sinabi ko."
"I need to think. Tatawagan na lang kita kung handa na ako sa sinabi mo." Tumango ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Prince
RomanceSi Wilfred Sebastian Tyson ay every girls' dream. May pagka bad boy ang dating ni Wilfred noong dumating siya sa US pero nagbago lang iyon noong may nakilala siyang babae sa bar noong araw bago ang kasal niya. Loisa Marie Rodriguez ay ang babaeng na...