Loisa's POV
Noong makita ko si Liam pumasok sa opisina ni dra. Cruz ay nagtataka ako. Ano naman kaya ang ginagawa ni Liam sa opisina ni dra. Cruz? Kasama niya ba si Wilfred? Siya kasi yung doctor na tinutukoy kong handang tumulong kay Wilfred para makakita ulit.
Baka pumayag na siya sa kagustuhan ko.
Napapangiti ako dahil napapayag ko siya.
Nakita ko ang isang doctor na dumaan sa harapan ko.
"Hi, Loisa." Bati niya sa akin.
"Hello, doc."
"Don't you have a duty today?"
"Right now, I don't have a duty."
"You want to join---" Hindi natapos noong nasasabihin ni dr. White.
"Excuse me, doc." Nilagpasan ko siya para lumapit kay Liam. Bali-balita kasi dito babaero daw yung doctor na iyon. "Liam."
Lumingon naman siya sa akin pagkatawag ko sa kanya.
"Huy, hindi ko alam nandito ka pala."
"Ano pala ginagawa mo sa opisina ni dra. Cruz?"
"Hindi ko pala nabanggit sayo, kapatid ko siya kaya bumisita lang ako."
"Akala ko pa naman pumunta ka dito para kausapin si dra. Cruz dahil sa kalagayan ni Will."
"Nah, alam mo naman takot si Seb sa operasyon lalo na kung hindi tagumpay ang operasyon."
"Bakit ba kayo nagiisip na hindi tagumpay ang operasyon? Magiging tagumpay ang operasyon dahil naniniwala ako makakaya ni Will ang lahat na ito."
"Animin mo nga sa akin may gusto ka ba kay Seb kaya mo iyan sinasabi?" Tanong niya. Tumango na lang ako. Bakit pa ako magsisinungaling? Pero nakita ko rin siyang ngumiti. "Mahalin mo ang kaibigan ko ah. At kahit anong mangyari ay wag mo siya iiwanan."
"Bakit mo naman iyan sinasabi sa akin?" Naguguluhan ako. Ano ang ibig sabihin ni Liam doon?
"Basta. Mabuti pang si Seb ang pagsabi sayo ang lahat."
Naguguluhan na talaga ako. Ano ba ang nangyayari?
Nakita ko rin naglakad na si Liam palayo sa akin. Hindi man lang nagpaalam na aalis na siya.
Maaga natapos ang duty ko ngayon araw kaya umuwi ako maaga. Pagkauwi ko ay nakita ko si Daniel nagluluto ng makakain. Siya ang kasama ko dito at ang pagkaalam ko mamayang madaling araw pa ang duty niya. At saka pag sinabi ko kay Wilfred na lalaki ang kasama ko baka magselos ulit. Kay Liam nga nagselos, kay Daniel pa kaya.
"Nandito ka na pala, Loisa." Lumingon siya saglit sa akin at binalik niya ang tingin sa niluluto niya.
"Yes. Mabuti nga konti lang ang pasyente ngayong araw kaya maaga ako nakauwi."
"Mabuti ka pa. Siguro mamaya marami na iyan at walang pahinga ang mga nurse dahil nag-ra-rounds kami." Pagmumuktol ni Daniel. Yes, he is also a nurse. Pareho kaming nurse pero siya citizen na dito sa US kaya may sarili na ngang bahay. And luckily kaibigan ko siya kaya wala akong problema sa tirahan.
"Kamusta pala ang future boyfriend mo?"
"Future boyfriend?! Sino naman?"
"Ay? May amnesia ka na? Si Wilfred Tyson." Nilapag na niya ang kanyang nilulutong pagkain.
"Paano ko naman naging future boyfriend si Will?" Alam kasi ni Daniel na may gusto ako kay Wilfred. Hindi ko nga alam kung magiging isa na rin ako sa mga babae nagkagusto sa isang Wilfred Sebastian Tyson. Gwapo pero may pagka bad boy. Kung nakilala lang nila ng lubusan si Wilfred ay isa naman siyang mabait, masayang kasama.
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Prince
RomanceSi Wilfred Sebastian Tyson ay every girls' dream. May pagka bad boy ang dating ni Wilfred noong dumating siya sa US pero nagbago lang iyon noong may nakilala siyang babae sa bar noong araw bago ang kasal niya. Loisa Marie Rodriguez ay ang babaeng na...