Epilogue

2.5K 81 3
                                    

Three years later...

Nagising ako sa ingay sa labas. Naglalaro na naman ang mag-ama ko pero ang aga naman yata nila maglaro ngayon. Bumangon na ako sa kama para puntahan sila.

"Papa, mama is already up." Sabi ni Varis. Tumingin naman sa akin si Wilfred sabay ngiti.

"Good morning. Kain ka na. Pinagluto ka ni Varis."

"Yes, mama. Try it."

"Okay, mama will eat it."

"Masarap po siya. Right, papa?"

"Yes, love. Magaling sa pagluluto ang anak natin."

"Gusto ko po kasi maging katulad ni uncle Brett. Magaling na chef."

"Matutupad iyang kagustuhan mo, lad paglaki mo."

Nandito kami ngayon sa states dahil inaasikaso ni Wilfred ang ospital. At gusto niyang sumama kami sa kanya kaya ito kasama niya kami ni Varis.

Sa murang edad ay magaling na sa kusina si Varis. He is only 3 years old.

"Hmm.. Ang sarap naman ng luto ng baby ko." Ngumiti si Varis sa akin. Every time he smiled nakikita ko si Wilfred sa kanya. Sabagay kamukha ni Wilfred si Varis.

"Alam ko naman tinulungan mo si Varis sa kusina."

"Oo pero konti lang ang tinulong ko sa kanya kasi ang sabi niya gusto niya na siya ang gumawa. Pero tinuturuan ko siya kung hindi maintindihan ang nakalagay sa recipe."

"Thank you, baby."

"You're welcome, mama."

Ang swerte ko talaga dahil binigyan ako ng mapagmahal na asawa at mabait na anak.

"Will, may gusto--" Naputol yung sasabihin ko noong may tumawag sa kanya.

Paano ko sa kanya sasabihin kung busy naman siya sa trabaho?

Bumuga ako ng malalim.

"Sorry, but I can't right now." Nagulat ako noong tinanggihan niya yung tumawag. Nakita ko rin na binaba na niya ang tawag. "Are you okay, love?"

"Tinanggihan mo yung tumawag sayo? Bakit?"

"Oo, gusto ko kasi makasama kayong dalawa ni Varis ngayon. Walang trabaho ako tatanggapin."

"Mabuti naman kasi may gusto sana ako pakita sayo."

"Ano iyon?"

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglaka pabalik sa kwarto namin. May kinuha akong isang papel pero hindi ito ordinaryong papel.

Bumalik na ako sa kusina kung ko iniwan ang mag-ama ko. Inabot ko na kay Wilfred yung papel.

"What's this?" Kinuha niya agad pero pagkatingin niya ay napalaki ang mga mata nito. Tumingin siya sa akin na may ngiti sa mga labi. "T-Talaga? Magkakaroon ulit tayo ng anak?"

"Magkakaroon na po ba ako ng kapatid?"

"Yes, lad. Magiging kuya ka na sa pagdating ng kapatid mo."

Napansin kong biglang lumungkot si Varis. Bakit naman? Dapat masaya siya dahil magkakaroon n siya ng kapatid.

"What's wrong, baby?"

"Hindi niyo na po kasi ako mahal kung dumating na yung kapatid ko."

Tumingin ako kay Wilfred pero lumuhod siya sa harap ng bata.

"Sino nagsabi na hindi ka namin mahal ng mama mo?"

"Kasi po mawawalan na kayo ni mama ng oras sa akin." Nakita kong ginulo ni Wilfred ang buhok ni Varis.

"That won't be happened. Okay? Kaya wag kang magisip ng ganyan. Kahit anong mangyari mahal ka namin ng mommy mo."

Ang laki na talaga ng pinagbago ni Wilfred noong pinanganak ko si Varis.

Narinig kong may kausap si Wilfred pagkapasok ko ng kwarto namin.

"Sorry kung tumawag ako sa ganitong oras, bro." Sabi niya habang kausap si Orion.

"It's fine. May kailangan ka ba?"

"Yes, kasi malapit na yung birthday ni mama. I want to suprise her kaya wala akong sinabihan na magkakasyon ako diyan ng ilang araw. Ikaw pa lang ang sasabihan ko."

"Si Gab? Sinabihan mo na rin ba siya?"

"Kilala ko si Quinn baka sabihin niya kay mama yung surprise ko para sa kanya. Kaya isama ko na lang siya sa surprise include our father."

"Ano ang plano mo?"

Nakita kong pagpasok ng kwarto si Thea sa kabilang screen. Aw, I missed the old time noong magkakasama kaming tatlo pero ngayon ay may sarili nang pamilya.

"Hi, sister-in-law." Nakita kong kumaway si Wilfred kay Thea. I missed my best friends. "Back to topic, next week na ako babalik diyan para magbakasyon."

Bakit kaya bakasyon lang? May bahay naman kami sa Pilipinas para doon na tumira. Tatlong taon na kami dito sa states.

"Hanggang kailan ka dito?"

"Isang buwan ako diyan."

"I'm sure matutuwa si mama pag nakita ka ulit. Ang tagal mo na rin hindi umuwi sa bahay."

"Sorry, busy lang ako sa trabaho at marami rin ako ginagawa dito. Nakapag leave lang ako ng isang buwan para makasama ko ulit kayo. Gusto ko rin bumawi sa inyo ni Quinn.

Pagkatapos magusap nila ng kakambal niya ay lumapit na sa akin si Wilfred sabay yakap.

"Magbabakasyon ka ng isang buwan sa Pilipinas? Tapos iiwanan mo kami ni Varis dito."

"No, of course not. Kasama rin kayo ni Varis sa akin paguwi ng Pilipinas."

Akala ko kasi iiwanan kami ni Wilfred sa states. Mabuti na lang isasama rin pala niya kami.

Sa hinding inaasahan dahil sobrang traffic talaga. Ang tagal ko na ngang nawala sa Pilipinas pero nandito pa rin ang traffic.

Pagkarating namin sa bahay nila ay nakita kong nagtatago si Varis. Ngayon pa lang niya makilala ang pamilya ni Wilfred.

"Sir Wilfred, mabuti naman ho nandito kayo."

"Of course, birthday ni mama ngayon."

"Sigurado ho ako matutuwa si madam Honey makita ulit kayo. Pasok ho kayo."

Pagkapasok namin sa loob ay may narinig kaming tawanan galing sa kusina.

"Mukhang masaya silang lahat ngayon ah." Tumingin ako kay Wilfred habang karga niya si Varis.

Naglakad na kami papunta sa kusina.

"Surprise!" Pagsulpot ni Wilfred. Lumingon si mommy sa amin.

"Wilfred?" Tumayo na siya sabay yakap kay Wilfred. "Mabuti naman naisipan mong umuwi."

"Of course, mama. Gusto ko rin po bumawi sa inyo."

"Hanggang kailan ka dito, Sebastian?" Tumingin si Wilfred kay dad. Naging maayos na rin ang relasyon nila.

"Isang buwan po, pa. Kailangan ko rin po kaagad bumalik sa California."

"Sulitin na natin habang kumpleto tayo ngayon." Sabi ni mommy. Nakikita ko namang masaya siya ngayon dahil kumpleto ang mga anak nila.

Nakita kong pinakilala ni Orion yung kambal kay Wilfred. Hindi pa nga pala nakilala ni Wilfred ang kambal. Ganoon din ang ginawa ni Wilfred, pinakilala niya si Varis sa kambal.

Pero ang problema ay hindi mo masasabi kung sino sa kambal si Seven at Jin dahil magkamukhang magkamukha silang dalawa.

__THE END__

~~~~|

Dito nagtatapos ang story na ito.

Don't forget to read MY GROUCHY GIRL.

Liam's story.

-Skye

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon