Tumingin ako sa paligid nang bahay noong nakabalik kami ni Loisa ng Pilipinas. Ito yung bahay na tinirahan nila Ori noong umalis sila sa mansyon. Sana hindi sabihin ni mama na nandito kami ngayon. Pero pagnalaman niya nandito kami ay ipaglalaban ko si Loisa sa kanya, lalo na magkakaroon na kami ng anak. Wala na rin naman sila magagawa.
"Magpahinga ka na sa kwarto." Sabi ko kay Loisa. Tumango naman siya sa akin bago pumunta sa isang kwarto.
Ngayon ay ano ang gagawin ko? Mahirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon kahit tapos ka sa pagaaral.
Kaya nga pag nasa US ako ay hawak ko ang oras ko dahil kami ang may ari ng ospital doon. Ngayon nandito kami sa Pilipinas ay hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi naman ako pwede pumunta sa ospital namin dahil siya ang may ari simulang sinuway ko siya. Binawi niya lahat kung ano meron ako, mabuti na lang hindi niya binawi ang kotse at credit card ko. Kaya lang konti na lang laman ng credit card ko. Tsk.
Kinagabihan, nagulat na lang ako noong bumisita si mama dito.
"Huwag ka magaalala, Wilfred walang alam ang papa niyo nandito ka ngayon sa Pilipinas." Nakahinga ako ng maluwag. May inabot rin siya sa akin na isang plastic na parang pinag grocery ni mama. "Nag grocery kami ni manag kanina at sinabay ko na rin ito para sa inyo."
"Salamat, ma." Ngumiti ako kay mama bago kinuha ang plastic sa kanya.
"Ang laki na talaga ang pinagbago mo, Wilfred simulang nakilala mo si Loisa. You always smiling."
"Siyempre naman po. Siya talaga ang nagpabago sa akin."
"Sige, kailangan ko na bumalik sa mansyon baka hinahanap na ako ng papa mo."
Nagpaalam na si mama sa akin bago ko sinara yung pinto. Tiningnan ko ang laman na binigay ni mama.
"Magluluto na lang siguro ako ng adobo." Nilapag ko na yung plastic sa counter.
-----
"May pupuntahan tayo." Sabi ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Secret. Kaya magpalit ka."
Pagkaalis namin sa bahay ay pumunta kami sa isang paaralan.
"Ano ang ginagawa natin dito sa paaralan ko noong high school?" Tanong niya sa akin. Napalaki ang mga mata ko.
"Dito ka nagaaral? Dito rin ako naaaral pero half year lang dahil pinbalik na ako ni papa ng US para doon na ako magtapos. Bumalik ulit ako noong 1st year college na ako para magbakasyon."
"Really? Sayang naman hindi tayo nagkita noon."
"Tara. Baba tayo."
"Pero may pasok ang mga estudyante."
"Hindi naman tayo papasok sa loob. Doon lang tayo sa labas."
Naglakad na kami sa may garden pero hinawakan niya bigla ang kamay ko.
"Dalhin kita sa paborito kong spot dito." Hinila na niya yung kamay ko kaya sumunod na ako sa kanya. Hanggang huminto na siya sa paglakad. "Dito ako palagi pumupunta sa tuwing break time."
Napalaki ulit ang mga mata ko dahil isang beses napadpad ako sa lugar na ito at may isang babae akong nakita kumakain. Tumingin ako kay Loisa baka may alam siya.
"Ikaw lang ba ang pumupunta dito?"
"Yes, ako lang ang pumupunta sa lugar na ito." Tumingin siya sa akin. Natawa na lang ako ng mahina. "Bakit?"
"Isang beses kasi napadpad ako sa lugar na ito at may isang babae ako nakita. Siya kasi ang first love ko." Tumingin ako sa kanya kasi bigla siyang lumungkot.
"Akala ko ba kakalimutan mo na yung first love mo?"
"Paano ko naman siya kakalimutan kung palagi ko siyang kasama?" Tumingala siya sa akin na parang naguguluhan. "Hindi mo gets?"
"Hindi. Ano ba ang ibig mong sabihin?"
"Kung ikaw lang ang palaging pumupunta dito, ibig sabihin ikaw yung first love ko."
"What?!" Nagulat siya. Hindi niya inaasahan kahit rin naman ako hindi ko inaasahan. Matagal ko na pala kasama ang babaeng matagal ko ng minahal kahit hindi ko alam ang pangalan niya. "A-Ako? So, nagseselos ako sa sarili ko?!"
"Nagseselos ka?"
Tumango siya sa akin niyakap na rin niya ako.
"Sabi mo may karapatan ako magselos kaya ito nagseselos ako."
"Of course, may karapatan kang magselos dahil ang cute mo pag nagseselos ka."
Hinampas niya ako sa dibdib at iyon ang kinatawa ko.
"Kainis ka. May balak ka talagang pagselusin ako."
"Wala ah. Binibiro lang kita." Ginantihan ko na rin siya ng yakap. "Sayong sayo lang ako."
"Dapat lang."
Pagkatapos namin ni Loisa pumunta sa school namin ay pumunta na kami ngayon sa park. Ang hindi niya alam ay may surpresa ako sa kanya.
I'm going to propose on her.
Pero humingi ako ng tulong kila Ori at Thea dahil silang dalawa ang matalik na kaibigan ni Loisa.
"Ano naman ang ginagawa natin dito?"
"Magpahangin lang. Gusto ko kasi may kasama." Natatawang saad ko. Kahit kailan talaga hindi ako marunong nagsinungaling pero sana hindi makahalata si Loisa.
Hindi naman katagalan ay nakita ko sina Thea at Ori.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong niya. Tumayo na kasi ako pagkakita ko kila Ori.
"Bibili lang ng pagkain. Baka kasi gutom ka na."
"Sama ako sayo."
"Babalik naman ako kaagad." Naglakad na ako pero biro lang na bibili ako ng pagkain. Lumapit ako kay kila Ori.
"Sorry, bro. Babayaran na lang kita pag nagkaroon na ako ng pera."
"No problem, Will. Kahit wag mo na ako bayaran. Basta alagaan mo lang ang kaibigan namin."
"Oo naman." Kinuha ko na sa kanya yung bouquet. "Salamat ulit."
Bumalik na ulit ako kay Loisa at tumayo na siya.
"Oh, akala ko bibili ka ng makakain. Bakit bouquet ang dala mo?"
"Long story." Binigay ko na sa kanya yung bouquet sabay luhod sa harapan niya.
"Hoy, tumayo ka nga diyan."
"Hindi ako tatayo hanggat hindi mo pa naririnig ang sasabihin ko." Nilabas ko ang singsing. "Sa dami kong nakilalang babae noon pero iba sa kanila. Ikaw lang nakakilala sa ugali ko. At hindi ko alam na ikaw pala itong first love ko noong babaeng nakita ko nakaupo sa ilalim ng puno habang kumakain ng sandwich."
Narinig ko ang pagtawa ni Loisa.
"Pati pa naman iyon ay naalala mo." Tumango ako kahit hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin kung paano ko siya nakita. Sarap na sarap siya habang kinakain yung sandwich.
"Loisa, handa ka na ba palitan ang apilyido mo at maging Tyson? Will you marry me?" Hindi nakasagot si Loisa. May luhang tumutulo sa pisngi niya.
Pero dahan-dahan siyang tumango. Ngumiti ako habang sinusuot sa daliri niya ang singsing.
"Thank you for everything." Niyakap ko siya. Pati tuloy ako ay naiiyak na rin.
~~~~
Hindi pa dito natatapos ang mga mangyayari.
Naeexcite na ako ilagay yung kasunod pero hindi na muna sa ngayon. Haha! 😂😂
Relax na muna brain ko ng ilang araw. Haha
-Skye
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Prince
RomanceSi Wilfred Sebastian Tyson ay every girls' dream. May pagka bad boy ang dating ni Wilfred noong dumating siya sa US pero nagbago lang iyon noong may nakilala siyang babae sa bar noong araw bago ang kasal niya. Loisa Marie Rodriguez ay ang babaeng na...