Chapter 14

1.4K 45 0
                                    

Hindi ako makagalaw noong makita ko siya. Even, Ori was shocked. I can't be mad at my twin brother dahil alam ko hindi niya magagawang sabihin sa papa namin nandito ako.

"Pa, what are you doing here?" Sinira na ni Ori ang kakaibang atmosphere dito sa park.

Hindi sinagot ni papa si Ori dahil lumapit siya sa akin. Pinapwesto ko si Loisa sa likuran ko.

"Hindi mo man lang sinabi sa--"

"Look what you care?! Kung may balak kang paghiwalayin ulit kami ni Loisa, hindi na ako papayag na lumayo ulit siya sa akin."

"What?! Ginawa niyo rin ang ginawa niyo sa amin ni Sera kay Will. Ang akala ko pa naman nagbago na kayo."

"Hindi niyo na ako anak kaya kahit ano pwede kong gawin. Kahit sino pwede kong mahalin."

"That's why I'm here because I want to talk with you, Sebastian."

"We don't need to--"

"Will.." Tumingin ako kay Loisa sa likuran ko. "Bigyan mo ng pagkakataon ang papa niyo. Kausapin mo siya."

Ano ang gagawin ko? Susundan ko ba ang sinabi ni Loisa?

"Tsk." Hinawakan ko ang kamay ni Loisa bago tumalikod. "Ori, Thea, salamat sa tulong niyong dalawa."

"Wala iyon, Will."

Pagkasakay namin ni Loisa sa kotse ay tahimik lang ako habang nakahawak sa manebela.

"Will.."

"Give me some time to think, Loisa. Hindi pa ako handang kausapin siya."

"O-Okay. Basta nandito lang ako para suportahan ka." Hinawakan niya ang isang kamay ko.

-----

"I didn't call you because I want to. Let's meet at the Empire restaurant at lunch." Sabi ko at binaba ko na rin ang tawag.

"Sino ang kausap mo?" Lumingon ako sa likuran. Gising na pala si Loisa.

"It's nothing." Sabi ko.

"And by the way, mamayang lunch aalis ako."

"Okay. Pero pwede pumunta kila Thea? I really want to see her again." Tumango ako. Alam ko naman kung gaano importante sa kanya si Thea pati na rin si Ori. Mga kaibigan niya ang dalawang iyon.

"Basta hatid kita sa bahay nila."

"Okay. Thank you, Will."

Pagkahatid kay Loisa bahay nila Ori ay dumeretso na ako sa Empire restaurant.

Mukhang wala pa siya.

"Orion?" Tumingin ako sa tumawag sa pangalan ni Ori. Kasamahan siguro niya ito.

"No, I'm not Orion. I'm his twin brother."

Hindi na ako magugulat kung maraming nakakakilala kay Ori na magtatawag sa akin na Orion. Magkamukha naman kasi kami.

"Sorry. Akala ko ikaw si Orion."

"It's okay. Marami na rin naman tumatawag sa akin na Orion dahil magkamukha talaga kami ng kakambal ko."

"Sorry talaga."

"Yuri!" May tumawag doon sa kausap ko kanina kaya lumingon siya sa likod niya. "Will, ano ang ginagawa mo rito?"

"May hinihintay lang at kakausapin na rin siguro."

Nakita kong ngumiti si Ori. Sa tingin ko alam niya ang ibig kong sabihin.

"May bakante pa bang table, Yuri?" Tanong niya sa kasamahan niya.

"Meron pa, Orion."

"Paki assist si Will sa bakanteng upuan. At ako na magaassist sa hinihintay niyang tao."

"Okay." Tumingin sa akin yung tinatawag niyang Yuri. "Sumunod ho kayo sa akin, sir."

Sumunod ako sa kanya hanggang huminto na siya sa tapat ng isang bakanteng upuan.

"May gusto na ho ba kayo orderin?"

"Water na lang muna hanggang wala pa yung hinihintay ko."

"Sige po, sir."

Ilang minuto na rin ako naghihintay sa kanya hanggang narinig ko ang boses ni Ori. Lumingon ako dahil kasama na pala niya ang hinihintay ko kanina pa.

"Ako na bahala sa kakainin niyo basta magusap lang kayo." Sabi ni Ori.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang kakambal ko. Ganito ba ang epekto pag may asawa't anak ka na? Nagiging weird.

"Make it fast. Alam ko naman marami ka pang ginagawa sa ospital ngayon."

Marami akong gusto malaman kasama na doon kung paano naging rivals ang pamilya namin sa pamilya ni Loisa.

"Ano ang gusto mong malaman? Dahil alam kong marami kang gustong itanong sa akin, Sebastian."

"Yes, I have plenty of questions pero isa lang talaga ang hindi mawala sa isipan ko. Kung paano naging rival ang pamilya natin at pamilya ni Loisa."

"Gusto mo malaman?" Hindi na ako umimik dahil bakit pa niya tinatanong. Iyon lang naman kung bakit ko siya pinapunta dito. "Okay, sasabihin ko sayo ang dahilan kung bakit naging rival natin ang pamilya ng fiancee mo. Noong nagaaral pa ako ng medisina sa US para maging isang ganap na surgeon ako at doon ko rin nakilala si Edward ang ama ng fiancee mo. Magkaibigan kami dati noong nagaaral pa kami pero isang araw ay nawala lahat ng pagkakaibigan naming dalawa dahil sa inggit at galit. Sa nakikita ko sa kanya ang inggit dahil sa taglay ko sa pagiging surgeon. Pati na rin ang galit dahil sinisi pa niya ako noon kung bakit namatay ang pasyente niya noong inooperahan ko. Hindi naman maiiwasan na may mamatay tayong pasyente, ang trabaho lang naman natin ang iligtas sila. Hindi naman Diyos ang mga doctor na katulad natin."

Nakikinig lang ako sa kwento niya. Iyon pala ang nangyari kung bakit naging rival ang dalawang pamilya.

"Isang araw ay nagalit na rin ako sa kanya dahil may balak siyang agawin sa akin ang babaeng mahal ko. Iyon ang mama ninyo."

"Hindi na kayo nagkasundo pang dalawa?"

"Hindi na dahil simula noon ay hindi na kami nagkita pang muli ni Edward hanggang sinabi mo na may relasyon ka sa anak niyang babae."

"May alam rin ba kayo na kaibigan rin ba siya ni Ori?"

"Wala akong alam. Kung alam ko dapat matagal ko ng sinabihan ang kakambal mong lumayo na sa kanya."

"Ito lang ang gustong sabihin sayo."

"Ano iyon, Sebastian?"

"Kahit ito lang sana ang gusto kong mangyari sa buhay ko dahil noong pangarap ko simulang bata pa lang ako ay kinalimutan ko dahil sa kagustuhan niyong maging isa rin akong surgeon katulad niyo. Kahit naman tutol kayo eh, wala na rin naman kayo magagawa na dalawa."

"Ano ang ibig mong sbaihin?"

"She's pregnant. Kaya kung gusto niyo ipapalaglag ang magiging anak namin ay hindi ako papayag."

"Hindi ako ganoong klaseng tao, Sebastian. Siguro nga kagustuhan kong maghiwalay kayong dalawa dahil sa galit ko pero kahit pa paano ay isa pa rin akong doctor na gagawin ang lahat para lang mabuhay ang mga pasyente."

Sasagot pa sana ako pero biglang dumating na si Ori dala ang mga niluto niyang pagkain.

"Enjoy." Umalis siya agad paglapag ng mga pagkain.

"Pero hindi ako umaasa na magkakaayos pa ang pamilya natin sa kanila pag nalaman nila ang tungkol dito, Sebastian."

"Hindi naman ako nawawalan ng pagasa." Sabi ko sabay subo sa pagkain. "Kahit rin hindi magkaayos ang pamilya natin sa kanila ay hindi pa rin ako aalis sa tabi ni Loisa."

Hindi ako susuko. Ang kailangan ko lang gawin ay mapaayos ang pamilya namin. Kahit saktan pa ako ng papa ni Loisa ay gagawin ko ang lahat.

~~~~

Hello! Nagbabalik na ako hehe!

Ito na katuloy ng chapter 13

-Skye

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon