"Seb, nandito yung girlfriend mo." Sabi ni Liam kaya kumunot ang noo ko.
"Sinong girlfriend? At saka wala akong girlfriend."
"Si Loisa, dude."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ang nangyayari sa akin ngayon sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya.
"Ano naman ang ginagawa niya rito?"
"I don't know, dude. Baka naman gusto ka niyang dalawin."
"Papasukin mo.."
Narinig ko ang pagtawa ni Liam kaya lalo ang kumunot ang noo ko.
"Bakit ka tumatawa?"
"Binibiro lang kita, Seb. Wala dito si Loisa." Tuloy pa rin siya sa pagtawa.
"Ay, ewan ko sayo, Liam. Malala ka na."
Bilgang tumahimik ang paligid. Mukhang iniwanan na ako ni Liam sa kwarto ko.
Ilang oras rin ang nakalipas hindi ko nga matandaan kung anong oras ako nakatulog. At mas lalo ng hindi ko alam nakatulog pala ako. Nakarinig ako ng may kumakatok.
"Pasok. Bukas iyan." Dahan-dahan ako bumangon sa higaan ko. Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Dude, pasok na ako ah." Tumango ako sa kanya. "At saka may bisita ka pala."
"Sino naman?"
Imposible naman kung pamilya ko dahil alam ko busy silang lahat sa kanyang kanya nilang buhay. At nabalitaan ko na rin okay na sina Ori at papa.
"Si Loisa, Seb."
"Tigilan mo na nga ako! Umalis ka na nga." Irita kong tugon. Baka binibiro na naman ako ng mokong na ito.
"Hindi kita niloloko. Totoo na ito ngayon."
"Ewan ko sayo. Pumasok ka na nga sa trabaho mo at baka pag ikaw nahuli, ako pa ang sisihin mo."
"Ayaw maniwala. Loisa, pasok ka sa kwarto ni Seb. Nahihiya lang siya." Sabi niya sabay tawa.
"Salamat, Liam."
Natigilan ako noong marinig ang boses niya. Hindi nga nagbibiro si Liam, nandito nga talaga si Loisa. Ano ang ginagawa niya rito?
"Hi, Wilfred. Musta ka na?"
"Ayos lang naman ako." Naramdaman ko ang pagalog ng higaan ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Ayaw mo ba makakita ulit?"
"Hindi naman sa ayaw. Natatakot lang ako."
"Natatakot ka saan? Pero himala may kinakatakutan ka pala."
"Oo naman. Kahit isa akong black sheep sa pamilya ay tao pa rin ako."
"Saan ka naman natatakot?"
"Mamatay. Takot ako mamatay kung hindi maging tagumpay ang operasyon."
"Huwag ka magisip ng ganyan. Ang isipin mo na magiging tagumpay ang operasyon mo. Mabubuhay ka. Makakakita ka ulit."
"Wala ka naman siguro balak i-donate sa akin iyang mga mata mo, 'no?" Pabiro ko.
"Wala, huy! Marami akong gusto makita. Kaya sayang kung hindi ka makakita dahil hindi mo makikita ang mga magagandang lugar sa mundo."
Tama siya. Hindi ko maeenjoy ang paligid ko kung hindi ako makakita pang muli.
"May gusto ka bang puntahan?" Tanong niya. Tumayo na kasi ako.
"Sa kusina. Baka kasi may hinanda si Liam ng pagkain." Sagot ko. Nawala sa isip ko na hindi pa pala ako kumakain ng lunch.
Inalalayan niya ako papunta sa kusina. Hinahanap ko kung nasaan yung upuan hanggang mahawakan ko na iyon. Umupo na rin ako sa hapag kainan.
"Nga pala, sa tuwing umuuwi ako ng Pilipinas palagi ako tinatanong ng kakambal mo pati na rin ni Thea kung nagkita na daw ba tayo dito."
"Oh, bakit naman nila tinatanong?" Tanong ko habang sumusubo ng pagkain.
"Hindi ko alam sa magasawang iyon."
"Baka siguro para may matirahan ka dito."
"Ewan. Pero may matitirahan naman ako kasi may kaibigan ako dito rin siya nakatira sa LA. Kaya tinawagan ko siya para doon ako sa kanya tumira habang nandito pa ako nagtatrabaho."
"Ano pala ang trabaho mo?"
"Isang nurse. Pinadala ako dito para magtrabaho."
"Nurse ka pala. Surgeon naman ako."
"Alam ko naman dahil sa inyong dalawa ni Orion ikaw ang sumunod sa yapak ng ama niyo."
"Yeah, kahit ayaw ko talaga maging surgeon pero wala ako magagawa dahil ayaw ko naman suwayin si papa. Kahit si Ori gusto rin ni papa na maging surgeon rin pero sinuway niya. Kaya ito na siya ngayon, isa na siyang magaling na chef."
"Oo nga. Kung hindi pinili ni Orion ang pagiging chef niya baka hindi ko siya makikilala. Si Thea lang siguro makikilala ko."
"Paano mo pala nakilala yung dalawa?"
"Sa school. Schoolmate kaming tatlo at napapansin ko na palagi magkasama sina Thea at Orion kaya lumapit ako sa kanila para makipagkaibigan. Simula noon naging magkaibigan na kaming tatlo. Kung nagkakasabay ang lunch break namin ay sabay kami kumakain."
"Ahh.. Ganoon pala kung paano kayo nagkakilala. Pero palagi ba magkasama ang dalawa?"
"Oo, hindi mo na nga sila mapapahiwalay, eh. Maliban na lang kung may class na yung isa sa kanila."
Grabe pala ang pagkakaibigan nina Thea at Ori, siguro simula noon ay may gusto na si Ori sa kanya kaya ayaw na niya mawala ang babaeng mahal niya. Daig pa niya ang boyfriend noon. Pero may karapatan na si Ori kay Thea ngayon dahil kasal na sila.
"Ano pala ang gusto mo sa isang lalaki?"
"Biglaan naman niya iyang tanong mo." Mukhang nagulat siya sa tanong ko sa kanya. "Hindi naman ako mapili, eh. Basta ang importante lang naman ay mamahalin niya ako, aalagaan, rerespetuhin. Ikaw ano gusto mo sa babae."
"I don't know. Hindi pa kasi ako nagkakagusto sa isang babae noon. Pero may isang babae ang nagpatibok nito." Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib.
"Hindi ko alam may pagka cheesy ka pala."
"Cheesy ba iyon? Pero totoo iyon ah."
"Ang swerte naman noong babaeng iyon."
"No, ako ang swerte sa kanya dahil nakilala ko siya." Napapangiti na lang ako sa tuwing naalala ko yung pagaalala sa akin ni Loisa. "Hindi niya ako iniiwanan."
"Wag mong sabihin si Liam?!"
"Ano?! No. Of course not. Ano tingin mo sa akin bakla?"
Narinig ko ang pagtawa niya. Kahit ang pagtawa ay ang sarap sa pandinig ko.
"Wala akong sinasabing bakla ka. I know medyo nakakadiri sa inyo pagsinasabihan niyo ng mahal niyo ang kapwa niyong lalaki."
"At saka ni minsan hindi ko inisip na sasabihin ko iyan kay Liam."
Parang gusto ko ilabas lahat na kinain ko pag naiisip ko kung magsasabi ako ng mahal kita, Liam. Yuck! Parang gusto ko na nga sumuka.
"Change topic. Hindi ko na kinaya yung pinaguusapan natin ngayon."
Tumawa na naman siya.
Wala kaming ginawa ni Loisa kundi ang magusap lang kami ng kung anu-ano. Hanggang nagpaalam na siya sa akin dahil kailangan na niyang umuwi at maaga pa daw ang pasok niya.
Sana bukas bumisita ulit siya sa apartment.
Pero ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati ah. Hindi ako iyong lalaking magkakagusto sa isang babae pero ngayon iba na ang nangyayari sa akin.
Nagkakagusto na ba ako kay Loisa?
~~~~
Hello! Long time no see, readers. Dahil okay na yung wattpad ko kahapon at ito ang isang best gift na tanggap ko kahapon sa bday ko. :)
Love lots.
-Skye
BINABASA MO ANG
My Bad Boy Prince
RomantizmSi Wilfred Sebastian Tyson ay every girls' dream. May pagka bad boy ang dating ni Wilfred noong dumating siya sa US pero nagbago lang iyon noong may nakilala siyang babae sa bar noong araw bago ang kasal niya. Loisa Marie Rodriguez ay ang babaeng na...