Chapter 15

1.4K 47 0
                                    

"A-Ano ang ginagawa natin sa tapat ng bahay namin?" May pagtataka sa boses ni Loisa. Yes, nandito nga kami ngayon sa tapat ng bahay nila.

"I'm going to talk with your father." Sabi ko. Pagkatapos ko marinig ang kwento ni papa ay parang gusto ko na siyang patawarin sa mga ginawa niya sa akin. Pero gusto ko rin marinig ang nasa side ng papa ni Loisa.

"What are you doing here?" Hindi pa nga ako nagdodoorbell, alam na agad nandito kami ngayon. "Umalis kayo bago pa ako tumawag ng pulis."

"Sir, hindi po ako aalis dito hanggat hindi niyo ko kausapin." Tiningnan lang niya ako. Isang malamig na titig ang binibigay niya sa akin. "Alam ko pong hindi kayo magkasundo ni papa pero sana man lang wag niyo idamay ang away niyo sa mga anak ninyong dalawa. Para na lang po sana kay--"

"I don't have a daughter. Kaya makakaalis na kayo."

"That's why no one loves you dahil sa ugali niyo." Naubos na talaga ang pasensya ko. Baka kalimutan ko ama ni Loisa itong kausap ko ngayon. "Dahil sa inggit at galit niyo kay papa kaya niyo iyan ginagawa sa sarili niyong anak. Kahit anong gawin mong pagtakwil kay Loisa ay anak--"

Binigyan niya ako ng isang malakas ng suntok sa mukha kaya napaupo ako sa semento.

"Will!" Sigaw ni Loisa.

Pinunasan ko na yung dugong tumutulo sa labi ko.

"Iyan ang matagal ko ng gustong gawin sa Tyson na iyon. Tutal nandito ka na rin naman at anak ka niya kaya sayo ko ginawa."

Masisira yata ang panga ko sa suntok ng papa ni Loisa ah. Ang lakas sobra.

"Loisa, bumalik ka na muna sa loob ng kotse."

"No, hindi kita iiwanan dito. Baka ano ang gawin sayo."

"Wag ka ng matigas ang ulo. Pumunta ka na sa loob ng kotse."

But this time ay sinunod na rin niya ang utos ko. Pumasok na siya sa loob ng kotse.

"Okay, sir." Tumayo na ako pero hawak ko pa rin ang panga ko. Ang sakit talaga. "Pagkatapos ko narinig sa side ni papa kung bakit kayo hindi magkasundo ay konti ko na naiintindihan. Kaya ako naparito para marinig ang side niyo."

"From the beginning I really hate your father. Masyado siyang nagpapasikat sa mga tao para siya ang magaling."

"Even I, I really hate my own father dahil sarili lang niya ang iniisip niya. Kinalimutan ko ang pangarap ko sa kagustuhan niya ako maging katulad niya. Pero ito lang po ang gusto kong sabihin sa inyo, sa tagal ng panahon sana magkaayos na kayong dalawa ni papa at saka bago sana kami ikasal ni Loisa magkaayos na kayo."

"Hey! Anong kasal?! Hindi ako papayag na magkakaroon ako ng manugang na isang Tyson."

"Wala na rin po kayo magagawa dahil buntis ang anak niyo. Kaya sa ayaw o gusto niyo po magpapakasal at magpapakasal kami ni Loisa. And besides, we're engaged because I asked her to marry me."

"Ano?! B-Buntis si Loisa?! Walang hiya ka!" Bigla niya hinatak ang kwelyo na suot kong damit at susuntukin sana ako pero bigla tumigil ang papa ni Loisa. "Alagaan mo ng maigi si Loisa at wag mo siya iiwanan."

Ngumiti ako pero sobrang sakit ng pasa ko sa isang pisngi kaya hindi ako makangiti ng maayos.

"I will, sir. Mamahalin ko rin siya habang buhay."

"At ito pa ang tandaan mo, hinding hindi pa rin ako pumapayag na magkaroon ng manugang na isang Tyson pero wala na ako magagawa dahil binuntis mo ang anak ko."

----

"O-Ouch." Humihiyaw ako sa sakit noong nilagay na niya yung ice bag sa pisngi ko.

"Bakit kasi tinanggap mo ang suntok ni papa kaya ayan tuloy. Nagkaroon ka ng pasa sa pisngi."

"Hindi ko naman alam kahit may edad na ang papa mo eh, malakas pa rin manuntok." Hinawakan ko ang kamay niya sa pisngi ko. Hinahawakan kasi niya yung ice bag. "Gagawin ko ang lahat para lang maging masaya ka. Makita kitang masaya ay masaya na rin ako."

Ngumiti lang sa akin si Loisa. Napangiti na tuloy ako kahit masakit ang isang pisngi ko.

"Ang gwapo mo pala pag ngumingiti ka, Will. Sana palagi ka ngumiti, hindi iyong nakasimangot ka. Ang sama kaya ng aura mo."

"You changed me. Kung hindi kita nakilala hindi ako maging masayahin na tao. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iniisip patawarin si papa."

"Pinatawad mo na ba siya?"

"Not yet because I want to hear the side of your father."

"Nasabi na ba sayo ni papa ang side niya?"

"Yes. Naiintindihan ko na ang lahat."

"Good, then. Masaya ako para sayo."

"Anyway, bakit hindi ko yata nakitang lumabas ang mama mo?"

"Dahil wala akong mama. Si papa ang nagpalaki sa akin but one time he told me namatay daw si mama noong pinanganak ako."

"Sorry. Dapat hindi ko na lang tinanong."

Ang tanga ko rin minsan.

"No, it's alright. Kahit lumaki ako ng walang ina pero nandiyan naman ang suporta na binibigay sa akin ni papa kahit alam ko namang busy siya sa trabaho niya. Kahit palagi siya wala sa bahay dumadating naman siya sa mga graduations ko. Iyon ang mahalaga sa akin." Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa pisngi niya.

"No matter what happen I'm always here all by your side."

"Thank you, Will." Ngumiti siya sa akin.

"No more crying. Makakasama sa anak natin iyan."

"Sorry. Hindi ko mapigilan ang maluha, eh."

Pumunta kami ngayon ni Loisa OB para sa monthly check up niya. Everthing's fine. The baby is healthy.

Medyong halata na ang tyan ni Loisa dahil apat na buwan na at sa susunod na buwan pa namin malalaman ang gender ng anak namin.

"Mukhang ang saya mo ngayon, Will. Pagkatapos ng check up ko ay hindi mawala iyang ngiti mo." Tumingin ako kay Loisa. Hindi pala nawawala ang ngiti ko.

"Masaya naman talaga ako. I can't wait to carry our baby."

Narinig ko ang pagtawa ni Loisa. Pinagtatawan niya ako.

"Halata ngang excited ka na makita siya."

"Of course. Gusto ko na siya makasama at hindi ko siya pipilitin sa ayaw niya. Kahit anong gusto niya masusunod."

"Aba, aba. Wala pa nga mukhang ma-spoiled na agad."

My Bad Boy PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon