Cline's POV
Lumapit kami dun sa mga manggagawa at bumati
"Magandang araw po Señora" bati nila Kat Ate Shyne
"Magandang araw din sa inyo ang kanyang bisita" bati nila.
Ngumiti lang ako at nagbow bilang balik bati sakanila
Hinila naman ako doon sa isang malaking lagayan na maraming ubas. (I can't explain it anyway.. sorry)
Hinugasan na muna niya Ang kanyang paalam tsaka siya pumasok doon at inapakan ang mga ubas.
"Halika dito" Aya niya.
Naghugas na muna ako ng paa bago sumunod sakanya.
Sa una para kang maawa.. seryoso maaawa dahil inaapakan mo yung pagkain. Diba masama yun?
Pero ganito talaga daw Ang paggawa.
"You know? Ngayon ko nalang ulit ito nagawa" siya na nakangiti pa
"Talaga? Ginagawa mo na ito dati pa?" Mangha kong tanong
"Yep. Pagdumadalaw kami nila Mommy at Daddy dito" sagot niya
Nagpatuloy lang kami sa ginagawa namin habang nagkukulitan.
Ang saya nga eh
Tumigil naman kami Nung nakaramdam na kami ng pagod.
Umalis na kami Doon Atsaka umupo sa isang mahabang upuan malapit sa kinaroroonan namin.
"Hoo.. so how was our date ?" Tanong niya ng makaupo kami
"Perfect at all" sagot ko
Ginulo naman niya Ang buhok ko
"Sa susunod babalik tayo dito" siya
Napangiti naman ako.
"Malawak pa ba itong hacienda niyo?" Curious kong tanong sakanya.
"Yep... Doon.. ilang layo lang ay pababa na at strawberries ang tanim doon" siya at Tinuro pa ang isang direksiyon
"Wooaah.. Meron dun? Kaya pala medyo may kalamigan dito. Ngayon ko lang napansin"
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ano punta tayo doon?" Ayang tanong niya
Umiling iling naman ako.
"Kain muna tayo... Nagugutom na ako... Kanina pa kaya tayo takbo ng takbo" ako sabay pout.
Natawa naman siya
"Oo nga din pala. Ngayon ko lang naramdamanan ang gusto."saad niya kaya natawa naman ako
"Anong oras na ba?" Tanong ko
Tinignan naman niya Ang wristwatch niya
"Malapit na palang mag one. Ang tagal naman ng pagkain" reklamo niya
Natawa na naman ako dahil ang cute niya. Isang college student na nag iisip bata na naman
"Hintay lang... Wait may paparating Oh?" Turo ko sa direksiyon kung saan may mga maid at isang Butler na papunta sa direksiyon namin
"Heto na pala eh.... Mga ma'am... Sir... Pahinga po muna kayo at tayo'y magsalo salo dito sa maliit na handaan" sigaw ni Ate Shyne kaya napatingin naman sakanya ang mga manggagawa at tumigil sa ginagawa.
Lumapit sila sa isang mahabaang mesa . Lumapit doon ang mga maid at inilapag ang mga pagkain
Ganito ba sila maghanda?
BINABASA MO ANG
Mind Of Love
Teen Fiction"age does not matter if we truly love each other" -Cline "The question is do we really love each other?"- Shyne It started from unexpected time, In a shameful way, in a Painless expectation But it ended up into a unknown reason. Into a Living conf...