Cline's POV
Habang busy ako sa paggawa ng sketch ko para sa project na ipapasa ay bigla namang may tumawag sakin kaya itinigil ko na muna ang ginagawa ko atsaka sinagot ang tawag.
"Oh?" Bungad ko
"San ka?" Napatingin naman ako sa screen kung sino ang tumatawag dahil boses babae.
Unknown. Luh?
"Sino to?" Agad na tanong ko
"Shyne" sagot niya.
Napangiwi naman ako dahil si Shyne pala ito.
"Andito sa place ko bakit?" Tanong ko
"Punta ka muna dito sa Condo... I need you now" utos niya
Bossy nito ah?
"Bakit? Sobrang Dami ng ginagawa ko. Gumagawa ako ng sketch" saad ko
Di talaga pwede na di ko taposin ito ngayon
"Edi dalhin mo yan dito" siya at binabaan ako.
Anong problema nun?
Napabuntong hininga nalang ako atsaka ko niligpit ang mga gamit ko at naghanda na sa pag alis.
Dinala ko naman ang mga tatrabahuin ko at nagdrive na papunta sa Condo niya.
Ang bossy ng babaeng yun ngayon ah?
Ilang minuto lang ay nakarating na ako kaya agad ko ding dinala lahat ng gagamitin ko at pumasok na sa Building.
Tulad ng dati ay nginitian ko lang si Manong
Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang 3rd floor button.
Nakarating na ako at tsaka lumabas sa elevator at tinungo ang unit niya.
Nag doorbell na ako at ilang sandali lang ay sumalubong sakin Ang naka kunot noo na Shyne
"Di mo ako Papasokin?" Saad ko
Tsaka naman niya ako tinaasan ng Kilay... Ang sungit nitong babaeng to ngayon ah?
"Sandwich" siya at bigla nalang napahawak sa tiyan niya.
Agad naman akong pumasok at inilagay sa sofa ang mga gamit ko atsaka siya nilapitan.
"Anong nangyayari sayo?" At inalalayan ko siya
Bigla naman siyang napahawak sakin ng sobrang higpit na halos ikabaon na ng kuko niya sa balat ko
Ang sakit
"Hey" saad ko at mas lalo naman siyang napapilipit
"Sandwich" saad niya
Gutom ba siya? Pwede namang gumawa siya kanina ah
Wait bakit may Jacket na nakatali sa bewang niya?
"Wait gagawa lang ako" sabi ko at pinaupo siya sa sofa
Papaalis na sana ako ng bigla niya akong pinigilan.
"Bumili ka" saad niya
Humiga naman siya atsaka dun na namilipit ng sobra
Nagtataka naman akong napatingin sakanya dahil...
Anong sandwich? Tsaka bat bibili?
Wala namang nagbebenta nun
"Cline with wings" mahina niyang sabi.
Mas lalo napakunot ang noo ko.
Kelan pa nagkapakpak ang sandwich?

BINABASA MO ANG
Mind Of Love
Teen Fiction"age does not matter if we truly love each other" -Cline "The question is do we really love each other?"- Shyne It started from unexpected time, In a shameful way, in a Painless expectation But it ended up into a unknown reason. Into a Living conf...