Cline's POV
"dali na" pagpupumilit ko sakanya.
Kanina pa ako nagmamakaawa sakanya na lumabas lang kami. Eh pano ba naman kasi ay iniisip niya na date. Pwede din naman.
"Ano ba?" Naiirita na niyang tanong.
Mag iisang oras na ata ako sa pagmamakaawa sakanya pero pusong bato talaga ang babaeng ito
"Okay alis na ako... Harapin mo na yang unggoy mong ex" sabi ko sabay talikod
Di pa ako nakakatatlong hakbang ng bigla niya akong hinila
"Ano Baby Mine?? Mag date mamaya?" Siya
Nagulat naman ako sa sinabi niya pero napangisi din ng mapagtanto ko ang tinawag niya sakin.
'Baby Mine' sounds so cool
"Yes Baby Mine.. so prepare Okay? That could be so special" saad ko habang nakatingin kay Kiezer na ngayon ay masama ang tingin
"Yeah right" siya sabay bitaw sa pagkakahawak niya sa braso Ko.
Napasimangot naman ako. Grabe talaga. Nakakahurt tong si Ate Crush
" Sinisimangot mo Jan? Panget mo na nga.. papangetin mo pa"
Aray.. ang harsh niya.
Grabe ah? Nakakasakit na ng feeling yun ah?
Tumalikod naman ako at tuloyan siyang iniwan doon
Bahala na nga siya.
Naglakad na ako papunta sa room ko at di pinansin ang mga nakakairitang tingin na lagi nilang ipinupukol sakin.
Nakakainis na talaga ah?
Agad akong umupo sa chair ko sabay dukmo.
Nagtataka pa nga yung nga kaibigan ko
"Anyare?" Biglang tanong ni Jasper
"Panget ba talaga ako?" Bigla kong tanong kaya ang tatlo ay humagalpak ng tawa.
Minsan iniisip ko kung pano ko naging kaibigan Ang mga bwisit na mga lalaking ito.
"Ano pumasok sa ulo mo at itinanong mo yan?"Jin na ngayon ay nagpipigil pa rin ng tawa
Pag ako talaga napuno lagot na naman sakin Ang mga toh.
"Paki niyo" ako sabay dukmo ulit.
Di ko na sila pinansin at patuloy pa rin sila sa pagtawa.
Last na talaga nilang tawa iyan. Tatahiin ko na talaga ang maingay nilang bibig.
Hours passed at natulog lang ako.
Nagising nalang ako ng maramdaman ko ang gutom. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo.
Naglakad na ako palabas pero pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sakin Ang mukha niya
"Why are you doing here? Tanong ko
Magkasalubong naman ang kilay niya na tinignan ako
"Halika " siya at hinila ako
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang hila hila niya pa rin ako
"Tumahimik ka nalang at sumunod" saad niya
Napabuntong hininga nalang ako at nagpahila nalang sakanya.
Nakarating kami sa parking lot at binuksan niya Ang pinto ng passenger seat at pinapasok ako.
Pumasok naman ako at siya Naman ay sumakay na sa driver seat.
Nagtataka naman akong napatitig sakanya.
BINABASA MO ANG
Mind Of Love
Teen Fiction"age does not matter if we truly love each other" -Cline "The question is do we really love each other?"- Shyne It started from unexpected time, In a shameful way, in a Painless expectation But it ended up into a unknown reason. Into a Living conf...