PTBHB 29

298 11 0
                                    

Cline's POV

Mag isa lang akong nakaupo dito sa tabi ng Dagat.

Umalis na si Kuya Zyne dahil tinatawag siya ni Ate Shiela. Syempre babaeng mahal niya kaya dali daling umalis kaya heto ako.

Umiinom mag isa.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iinom ng naramdaman akong umupo sa tabi ko kaya tinignan ko ito.

Ang babaeng mahal ko at gusto ko ng kalimutan sa pamamagitan nitong alak.

Nakatitig lang ako sakanya habang siya ay nakatingin sa buwang maliwanag.

Bigla naman niya akong tinignan kaya iniwas ko ang tingin ko

"Ano ang ginawa mo dito?" Tanong ko para Iwas ng pagkailang sa pagitan namin.

"Wala lang. Nagpapahangin ako ng nakita kita dito"ani niya kaya tumango nalang ako atsaka tinungga ang alak ko.

"Nga pala... Maraming salamat dito sa pinahiram mo" saad niya sabay lagay sa balikat ko ang polo ko

Kinuha ko naman ito atsaka itinali sa bewang. Nanatili akong tahimik at umiinom ng bigla siyang magsalita

"May problema ka ba at naglalasing ka?" Agaran niyang tanong na ikinatingin ko sakanya.

Isa lang  naman ang problema ko.

Yun ay Kung pano makalimot.

Kung paano ko siya makakalimutan

Umiling nalang ako para hindi niya malaman ang problema ko

"Sabihin mo ng may maitulong ako" saad niya.

Di naman ako kumibo at nanatiling tahimik, nakatitig sa Dagat.

"Okay.. kung ayaw---" di ko na siya  pinatapos sa pagsasalita at nagsalita na ako

"Pano makalimot?" Walang alinlangang tanong ko

[Music Background ]

~Akala ko sa'yo natagpuan
Pag-ibig na walang hanggan
Ang ating pagsasama
Pinaglaruan ng tadhana~

"Ano ang ibig mong Sabihin?" Nagtataka niyang tanong.

Umiling nalang ako

"Wag mo ng sagotin" saad ko atsaka itinabi ang walang laman na lata.

~Nagmahal ka ng iba
Iniwan mo akong mag isa
Hindi ko maturuan ang pusong
'Wag magmahal ng tapat sa'yo~

"Dali na.. Sabihin mo na" pagpupumilit niya kaya di ko siya pinansin at tumayo na lamang.

"Hoy Cline" siya sabay Hila sakin ng malakas kaya Ang sitwasyon namin dahil sa pagkakatumba ko ay....

~Kahit pa, ako'y bahagi na lamang,
Ng nakaraan mo ohhh
Andito lang ako sa'yo ~

Nakaupo siya habang ako ay nasa harap niya at nakaluhod. Sobrang lapit ng mga mukha namin at ilang distansiya nalang ay maaari ko na siyang mahalikan

"Ehem" siya kaya natauhan ako sa pagkakatitig ko sakanya

Pero Imbes na umalis sa pagkakaluhod ko sa harap niya ay mas inilapit ko pa ang mukha ko sakanya

~Hanggang kailan aasa?
Hanggang kailan magdurusa?
Hanggang kailan?
Hanggang kailan? ~

"Anong ginagawa mo?" Kinakabahan niyang tanong sakin habang paatras siya paatras

"Anong ginawa mo sakin?" Tanong ko habang patuloy ako sa paglapit ng mukha ko sakanya.

Mind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon