As what she said pumunta kami sa bahay ng Pinsan niya daw.
Babantayan niya daw kasi yung anak ng pinsan niya.
Nasa biyahe pa kami at hanggang ngayon ay nagtatalo pa rin kami about the kissing scene na nangyari sa mall.
Pulang pula na nga ang mukha niya at ako naman ay pinagtatawanan pa rin siya .
Kahit na inaasar ko siya at asar na asar siya ay ang cute niya pa ring tignan.
Di mo masasabi na isa na siyang college student dahil sobrang bata ng mukha.
Kala ko nga Nung una ay kaedad ko lang. Mas matanda pa pala sakin.
"Andito na tayo" siya at naunang lumabas.
Lumabas na rin ako at sumunod sakanya papasok.
"Kuya Klyd" tawag niyang sigaw.
Yun ata Ang pinsan niya
"Oh andito ka na pala. Yang kakambal mo talaga napakatamad" sabi nung lalaki na kakalabas lang ng Kusina.
" Sinabi mo pa. Sarap na ngang kutosan eh" reklamo niya.
Natawa naman yung lalaki.
"Sino naman yang Kasama mo?" Tanong niya ng mapansin ako
"Ahh si Cline .. kaibigan ko.. humingi lang ako ng tulong. Alam mo naman na ayaw ko sa mga bata" sabi ni Shyne at naupo pa sa Couch.
"Asan ba si Kylien,Kuya Klyd?" Tanong ni Shyne
"Nasa school na niya" sagot naman Nung lalaki...
Bigla siyang yumuko sa may likod sa sofa at pag angat niya ay may karga na siyang bata.
"Klycey Dito ka muna sa Tita Shyne mo ,okay?" Sabi niya don sa bata .
I think 2 years old palang ito.
"Bigay mo Jan kay Cline." Sabi ni Shyne ng iaabot na sana sakanya yung bata
"Sensya ka na jan sa Pinsan ko Cline. Ayaw niya talaga sa bata" sabi ni Kuya Klyd at iniabot sakin Ang anak niya.
"Okay lang Po Kuya... Hi baby... How old are you now?" I ask the baby
Bigla naman itong nag form sa mga daliri niya ng 3
Mali pala ako. 3 years old na pala ito.
Patuloy pa rin siya sa paglalaro ng Lego na hawak niya.
"Cline.. kayo muna bahala dito ah? Hoy Shyne... Alagaan mo yang anak ko kung ayaw mong sumbong kita kay Tita Shan" banta pa ni Kuya Klyd kay Ate Shyne.
"Yeah whatever... Dalian mo lang baka di mo na maabotan ang anak mo ng buhay" Biro ni Shyne pero sinamaan naman siya ni Kuya Klyd ng Tingin
"Subokan mo lang baka di ka na magkaanak babaeta ka" kuya Klyd sabay labas ng Bahay
"Kuya.. kuya... Wanna play" sabi nung bata at tumalon sa kandungan ko
Sumunod naman ako sakanya
"Cline maglaro na muna kayo jan.. maghahanda lang ako ng makakain" Ate Shyne at umalis na
Marunong palang magluto yun
Naglaro lang kami ng naglaro ni Klycey na umabot pa ng isang oras kaya nakatulog sa pagod.
Asan kaya Ang Mommy nito? Bakit naman kaya kay Shyne iniwan ang anak nila
"Hey" agad naman akong napatingin kay Shyne ng sumulpot siya sa gilid ko.
"Oh?" Tanong ko.
"Kain na tayo" siya.
Binuhat ko naman ang ulo ni Klycey na nakaunan sa hita ko habang natutulog.

BINABASA MO ANG
Mind Of Love
Teen Fiction"age does not matter if we truly love each other" -Cline "The question is do we really love each other?"- Shyne It started from unexpected time, In a shameful way, in a Painless expectation But it ended up into a unknown reason. Into a Living conf...