Clive's POV
It's been a month Simula ng maconfine si Cline at ito na talaga ang pinakamalala sa lahat
Noon ay weeks lang ngayon buwan na
"Insan hanggang Kelan ka ba nakaratay jan sa higaang iyan?" Tanong ko habang nakatayo sa gilid ng kama niya at nakatitig sakanya
"Clive.. let's talk" halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Kuya Klien sa likod ko
"Ah eh... Sige po"ako at sumunod sakanya.
Lumabas kami at tsaka niya ako tinignan ng diretso sa mata
"Bakit mo tinago sakin?" Seryosong tanong niya
"Ang alin po?" Taka kong tanong
"That Shyne Kim was all the reason why my Brother is laying into that Fuckin bed!!" Sigaw ni Kuya.
Halos gulat ang mga tao sa paligid namin at napahinto
"Sorry" pagpapaumanhin ko.
Nakaramdam naman ako ng isang Kamao na tumama sa pisngi ko. Nakatanggap ako ng sapak galing sa Pinsan ko
"Saan ang bahay nila?"tanong niya habang kinukwelyuhan niya ako
"Di ko alam.. tsaka please Kuya di Niya alam" pagpipigil ko sakanya baka kung ano pa ang gawin niya kay Ate Shyne eh
"Saan ang bahay nila?!!!" Sigaw niya
"Di ko nga po alam.. please" pagmamakaawa ko.
Bigla niya akong binitiwan at naglakad palayo
Hahabolin ko sana siya ng may marinig akong kalabog sa loob
Agad akong pumasok ay nakita ko ang basag na plato sa sahig at si Cline na ngayon ay gising na gising na
"San" tawag niya
Agad ko siyang nilapitan
"May masama ba sa pakiramdam mo? Tatawagin ko ang doctor" ako pero pinigilan niya lang ako at umiling iling siya
"Please... Sundan natin si Kuya.. baka kung ano pa ang gawin niya kay Shyne" pagmamakaawa niya pero umiling lang ako
"Kakagising mo lang. Kailangan mo pang magpahinga" Tutol ko pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kamay ko
"Nagmamakaawa ako sayo pinsan" siya na halos mangiyak ngiyak na.
Ayoko rin naman na mapahamak si Ate Shyne kaya tumakbo ako at kumuha ng wheelchair
Agad akong tumakbo pabalik at isinakay kaagad si Cline doon.
"Saan ba posibling hanapin ang Kuya mo?" Tanong ko
" Sa condo niya. Andun si Kuya"
Sagot niya.
Halos takbohin ko ang hallway ng hospital habang tulak tulak ang wheelchair ni Cline.
Sinisita na nga Kai ng mga nurse at yung iba ay hinahabol na kami.
Agad akong tumakbo ng mabilis patungong parking lot at dali daling isinakay si Cline at ang wheelchair
Agad kong pinaharurot ng mabilis ang sasakyan ng makasakay na ako
"Dalian mo lang Clive. Nasa ***** condominium sila" Cline na. Nahihirapan pa at medyo napapaubo pa siya
Pinaharurot ko nga papunta sa sinasabi niyang condominium kahit malayo layo ay nakarating din kaagad kami.
Agad kong inilabas ang wheelchair at isinakay siya doon.
BINABASA MO ANG
Mind Of Love
أدب المراهقين"age does not matter if we truly love each other" -Cline "The question is do we really love each other?"- Shyne It started from unexpected time, In a shameful way, in a Painless expectation But it ended up into a unknown reason. Into a Living conf...