Cline's POV
30 minutes to go. Ang tagal mag lunch time. Ano ba naman toh!! Inip na inip na ako
Ano ba? Nag isip isip ako ng pwede kong idahilan para makalabas lang dito!
Cr? Clinic? Emergency?
Ano? Sobrang kati na ng lalmunan ko
Gustong gusto ko na siyang makausap
"Yes Mr.Hee?" Tanong Nung Teacher dahil tinaas ko kasi ang kamay ko.
Di ko na kayang maghintay pa
"Ma'am I don't feel well... Maaari po bang pumunta ng hospital. Naninikip po kasi Ang dibdib ko" magalang kong sabi
Tinitigan lang ako ni ma'am na para bang sinusuri
"Okay then... You can go now.. baka kung ano pang mangyari sayo dito" saad ni Ma'am
Dali dali naman akong naglakad palabas para agad na makaalis.
Halos takbohin ko na Ang palabas ng School at hingal na hingal na akong nakarating sa harap ng Gate.
"Hijo San ka? Di pa uwian ngayon ?" Tanong ni manong guard
"Kuya... Kelangan ko lang pong pumunta ng hospital. Emergency lang" saad ko
Agad din naman ako pinagbuksan ni manong.
Yes nasa labas na ako. Naglakad pa ako ng ilang metro. Tinignan ko ang paligid.
Ayon may taxing nakapark sa gilid ng Karenderya . Agad akong tumakbo sa direksiyong iyon.
Ng makarating ako ay agad kong nakita ang isang lalaking kumakain.
"Kuya? Ikaw po ba Ang nagmamaneho ng taxing iyan?" Tanong ko kaya manong
Tinignan naman niya ako atsaka tumango.
"Tapos na po kayong kumain? Kailangan ko na po kasi talagang makaalis" saad ko
Nagmadali namang lumamon si Manong.
Oh my ghad... Baka mabulonan siya dahil sa kin
Agad namang nag bayad si Manong sa Tindera atsaka pumunta sa taxi niya.
Agad din naman sumunod sakanya
"Saan ka ba Hijo?" Tanong niya sakin
"Sa East-Falcon po" tumango naman siya at agad na pinaandar ang sasakyan.
Daming tanong ang gumugulo sa isipan ko na gusto kong bigyan ng sagot
Sana naman this time ay makakapag usap na kami. Wala talaga akong dapat sayangin na oras. Kahit Segundo man o minuto
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa harap ng School Gate
"Maraming salamat manong" saad ko at iniabot ang isang libo at agad na lumabas
"Sobra ito Boy" sigaw ni Manong
Nilingon ko siya atsaka ngumiti
"Keep the change po" ako at tumakbo na papasok.
Buti nalang at pinapasok pa ako ng guard. Buti nga ay naaalala niya pa ako kung hindi. Ewan ko nalang
Agad akong tumakbo papasok. At lahat ng estudyanting nakakalat ay gulat na gulat.
Halos di makagalaw at di makapaniwala na nakita nila ako.
Ano bang nangyari at ganito nalang ang reaksiyon nila?
Nagsimula na naman silang magbulongan pero di ko sila pinakinggan at dire-Diretso lang ako sa pagtakbo
Saan ko ba siya maaaring makita??
BINABASA MO ANG
Mind Of Love
Teen Fiction"age does not matter if we truly love each other" -Cline "The question is do we really love each other?"- Shyne It started from unexpected time, In a shameful way, in a Painless expectation But it ended up into a unknown reason. Into a Living conf...
