PTBHB 15

345 13 0
                                    

Cline's POV

"San na naman ba kasi tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong kay Shyne dahil pabalik na kami Doon sa dinaanan namin kanina .

Di nga niya ako dinala dun sa taniman ng strawberries nila Ang daya daya tas sabi pa niya ay sa susunod na daw.

Ehh..

"Wag ng maraming tanong" saad niya kaya tumahimik nalang talaga ako

Malapit na kami dito sa back gate ng bigla niya akong hinila paliko

Gusto kong magtanong pero nanatili nalang akong tahimik baka ano na naman ang sasabihin niya at patatahimikan na naman ulit ako

Ilang sandali pa ay nakarating nga kami sa lugar na pinagdalhan niya sakin.

Andito kami ngayon sa isang Garden kumbaga napapalibotan na naman kami ng mga halaman but unlike earlier when we enter their hacienda

This one is a little bit Different. Did you know the style on how Royal Families have their Gardens?

Magkaibang magkaiba ito dahil matataas na mga halaman na lagpas pa sakin at may mga iba't ibang bulaklak pa. Di ko alam kung anong bulaklak ito pero ang alam ko ay sobrang Ganda ng lugar na ito.

"Among those... Alin ang mas maganda?" Tanong niya habang nakangiti pa

"This one" sagot ko at inakbayan siya

"Chuma-chansing ka na ah?" Siya sabay kurot sa tagiliran ko

Natawa naman ako at napaigtad

"Ate naman" reklamo ko

"It's Mine okay? Wag mo na akong tatawaging Ate kahit kailan" siya at ginulo gulo pa ang buhok ko

"Kahit na matapos pa ang tatlong buwang kasunduan?" Ako na ikinatigil niya at napatingin sakin

"Ahm.. siguro sa tatlong buwan lang" sagot niya.

Napangiti nalang ako. Hanggang tatlong buwan lang talaga siya.

"So ano ang gagawin natin dito ngayon?" Tanong ko.

Ngumiti naman siya at tinanggal ang kamay ko sa pagkakaakbay ko sakanya

"Prepared and wait" saad niya at umalis at pumunta sa kung saan

Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa Balat ko.

Tinignan ko ang langit di naman umuulan kundi galing sa hose na andito sa Garden..

Tatakbo na sana ako ng may bigla namang humigit sakin.

Pagtingin ko ay Si Shyne na ngayon ay nakangiti na

"San ka pupunta? Halika dito at samahan mo ako sa paglalaro" siya at hinila na naman ako sabay takbo.

Lahat ng hose na andito ay ini-on niya ata kaya sa kahit saan kami tumakbo ay nababasa kami.

Sobrang saya niya habang tumatakbo kami. Runner na ata tong si Shyne eh

Bigla niyang binitawan ang kamay ko at nagpaikot ikot siya habang nakataas ang mga kamay.

"Namiss ko to" sigaw niya

Tinignan naman niya ako. At bigla siyang ngumisi kaya nagtaka ako ng umalis na naman siya at sa pagbalik niya ay may dala na siyang Hose na itinapat niya sakin kaya heto ako.

Sakin napupunta lahat.

Naghanap naman ako pero wala akong makita

"Pano ba yan Mine? " Nakangisi niyang tanong na para bang nagtagumpay siya na pagtripan ako.

Nag isip naman ako ng paraan.

Aha!!! Hinabol ko siya kaya nataranta siya dahil di niya ito inaasahan

"Lintek lang ang walang Ganti baby Mine" sigaw ko at mas binilisan pa ang pagtakbo

"Waaah wag po" sigaw niya habang takbo pa siya ng takbo

Bigla naman siyang lumiko at ngayon ay di na niya dala pa ang hose.

Hinanap ko siya sa kung saan pero di ko siya mahanap.

Ito kasing mga halaman na ito ay parang pader. Tas path way at flower wall na naman kaya kahit saan talaga makakalusot si Shyne.

Tinignan ko ang bawat sulok pero wala siya. Pinakinggan ko ang paligid ko kahit di ko masyadong marinig dahil sa wisik ng tubig

Luminga linga ako para mas mapadali ang paghahanap sakanya at lagot ka ngayon dahil nakikita ko ang basa niyang buhok na nasa likod ng isa sa mga halaman.

Kaya hinay hinay akong lumapit dito at ng malapit na ako ay bigla naman itong napatayo kaya tumakbo na ako

"Got ya" sigaw ko ng mahuli ko siya

"Huwaahhh... Andaya mo naman eh" reklamo niya pero natawa lang ako.

Sobrang isip bata ng babaeng ito

"Ikaw kaya Ang madaya dito" saad ko habang yakap yakap ko siya

"So nag enjoy ka na ba sa kakatakbo mo?" Tanong ko

"Oo naman. Kaw Ang taya eh"

Siya sabay tawa.

"Di na mauulit ang ganito..." saad ko kaya napatigil siya

"Hmnn" siya

"Maaari pa ba?" Dugtong ko na may lungkot sa boses ko

"Edi habang tayo pa ay gawin na natin ito ng maraming beses.. tsaka magagawa mo pa naman ito sa iba" ani niya

"How about our study? " Ako

"Oo nga noh?" Siya

Inalis ko naman ang pagkakapulupot ng mga kamay ko

Tumalikod ako at kumuha ng isang bulaklak.

"What if one day...
.
.
.
.
.
.
.
Isang araw... Na sasabihin ko sayong mahal kita? Maaari ba ba kitang ligawan noon?"

Tanong ko pagkatapos kong ilagay ang bulaklak sa Tenga niya

"Hahaha depende iyon.. kung kaya kung ibalik Ang nararamdaman ko para sayo" saad niya

"Ganun ba?" Tanong ko

Tumango tango naman siya

"Pero mananatili naman tayong magkaibigan diba? Pagkatapos nito?" Tanong ko

Ngumiti naman siya at ginulo gulo ang basa kong buhok

"Oo naman" masaya niyang saad

Hanggang dun nalang talaga siguro

"Tara na? Magbihis na tayo?" Aya niya sabay lahad ng kamay niya kaya tinanggap ko ito at magkahawak ang kamay.

Darating ang araw na sasabihin ko sakanya pero umaasa ako na sana ay kaya niyang ibalik.

For now... Susulitin ko ang nalalabing buwan na kasama ko siya dahil baka darating ang araw na iyon na di niya talaga kayang ibalik Ang pagmamahal ko.

Magiging masaya muna ako sa tabi niya. Yung Kasama niya bilang boyfriend niya kahit isa lang itong kasinungalingan.

Hinahanda ko na Ang sarili ko sa darating na araw na yun pero sa ngayon.

Sa ngayon lang. Hahayaan kong maging masaya ako at siya.

Sa pagdating na araw na yun ay pwedeng magbago.

Ang lahat..

Magiging makakatotohanan ba o tuloyang hiwalayan na talaga?

Sa natitirang buwan ang kailangan ko lang ay mapaibig ko siya.

Kung hindi man ay... Tanggap ko na.

Isang masakit at walang kasiguradohan ang naghihintay sakin

Kaya susulitin ko ang mga araw na iyon habang hawak hawak ko pa ang kamay niya.

Ang babaeng nasa harap ko?!

Mahal ko na ata siya

Mind Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon