CHAPTER 3 - Ace
Phoenix's POV
Mga 7:00 pm na ako na tapos sa pag-aayos ng gamit ko dito sa dorm room ko. Sakto lang talaga siya sa isang tao isang Kama at baniyo may study table din at Cabinet para sa damit.
Pinaghalong White and Boysenberry ang kulay ng kwartong to. Kaya pala 'Boysenberry Dorm' ang tawag. Napansin ko ding puro Color ang mga pangalan ng dorm buildings. Then when I enter my room I realize why. Kasi naalala ko dun sa handbook ng eskwelahan, na kada dorm ay may 'Theme' di ko alam kung bakit actually.
Anyway, after I arrange my things pumunta na ako sa Dining Hall para kumain.
Natuwa ako ng malaman kong libre para sa lahat ng estudyante ang pagkain doon at ang ikinasaya ko pa ay 'eat all you can' ito pero may oras lang na pwede kang pumunta sa Dining Hall. Like Breakfast, Lunch at Dinner ka lang pwede makapunta at maka experience ng 'eat all you can' nila. If you missed it then kawawa ka nalang.
Kung snacks ang pag-uusapan ay meron silang maliit na mga store sa second floor ng Dining Hall at doon ka pwede bumili ng mga snacks, candies etc. Hindi parehas ng nasa dining hall na pagkain ay dito hindi ito libre.
Nagpalit lang ako ng T-shirt at lumabas ng dorm. Mamaya nalang ako maliligo pagkatapos ko kumain tutal sa isang araw pa ang start ng classes kaya may isang araw pa kami para mag handa.
Habang palabas ako ay meron din akong mga nakasabay na mga estudyante na galing sa dorm ko na papunta ding Dining Hall kaya sumunod nalang ako sa kanila.
Memorize ko na ang mga buildings dito sa Crimson dahil sa Map na kasama sa black envelope pero medyo na lilito parin ako so I better read it once again. Ako panaman yung taong hindi magaling sa mga direksiyon.
Pagpasok ko sa Dining Hall, rinig na rinig ko agad ang ingay ng mga estudyante. May nag tatawanan, nagkakamustahan may iba namang tahimik lang.
Napansin ko ding may limang sections ang mga lamesa. May pang isahan, may pang dalawahan, may pang limahan at may pang maramihan. Pero merong lamesa sa pinaka gitna na may walong upuan. Para kanino kaya yon? hindi ko nalang pinansin at kumuha ako ng maraming pagkain dahil nag aalboroto na talaga tiyan ko.
Tumingin ako sa pang-isahang lamesa puno na ito, pati yung pang dalawahan kaya no choice duon ako sa apatan Kahit mag isa lang nman ako.
Nilapag ko ang pagkain ko sa lamesa at ipinatong ang paa ko sa isang upuan na katabi ko. Mannerism ko na yata ang Pag patong paa basta kumakain. Hindi ko alam pero komportable ako basta ganun ako kumakain at tsaka nakajeans naman ako kaya okay lang.
Kumuha lang ako ng Chicken Adobo at tatlong cups ng rice tapos dalawang slice ng pizza at isang cheese burger tapos bottle of coke at nagsimulang kumain. Wala akong pakielam kung may nakakakita saakin. Ang main focus ko ngayon ay yung pagkain at wala nang iba.
*yummm*
*yummm*
*yummm*
Habang kumakain ako ay naririnig ko ang pinag uusapan ng mga ibang estudyante sa likod ko.
"Pupunta daw ba sila dito?" girl 1
"Oo nga. Nabasa ko yung post nila kanina oh ang sabi 'Crimson here we come'" girl 2 narinig ko.
Sino namang 'sila' ang tinutukoy ng mga to?
Dahil na curious ako ay mas nakinig pa ako sa usapan nila.
"Oh em geeee! dati parang pangarap ko lang na makita sila pero ngayon harap harapan ko na silang makikita!" girl 3
"Yeah right they are like the future legends of this world."