TWENTY-EIGHT

23 1 0
                                    

CHAPTER 28 - The King Call Out

- 'Just remember, someone love everything you hate about yourself'

Phoenix

"I would like to congratulate all of us for a successful 3 days survival craft held here in Mellwood!"

ang lahat ay nagsi palakpakan.

"So let's enjoy this night! And celebrate our greatness! CHEERS!"

Nagsihiyawan ang mga classmates ko at tinaas ang kani-kanilang baso para makipag cheers nang umihip ang malakas na hangin galing dagat

Huling araw na namin sa Mellwood kaya ineenjoy nanamin ito. I can still remember what happened in me but its more like a nightmare now. Castiel said that I shouldn't stress myself of what happened. The most important thing right now is I'm alive and I'm with my family and friends

Alam na din ni tatay ang nangyari, of course with the help again of ace's mouth. He's just thankful na ligtas ako, well ako din.

"Tara sayaw tayo nix!" Yaya sa akin ni Ace pero umiling ako dahil kanina pa talaga ako inaantok.

"Bahala ka nga" sabi niya at lumakad palayo. Napa cross arms nalang ako at tinignan sila habang nag-eenjoy. They're like kids dancing free.

*ring*

Napatingin ako sa phone ko na nasa ibabaw ng lamesa

Castiel Calling...

Napatalon ako sa hiyaw ng tumatawag pala si Castiel

"Hello?" sagot ko

'I miss you' bungad niya na ikinangiti ko. Oo
nakakakilig. Aaminin ko

"Para namang hindi tayo magkatapat ngayon" napangisi ako dahil magkatapat lang naman ang lamesa nila at namin nila ace kaya nakikita ko siya ngayong panguso nguso sa akin.

'Sleep in my dorm pls. :‹'

napailing nalang ako, ever since Castiel and I been together, I already saw a lot of sides of Castiel Empire that only I can see.

I gave him an apologetic smile, "I can't. Ace is going to kill me"

Nakarinig ako ng malalim na buntong-hininga sa kabilang linya. Dahil hanngang ngayon si Ace at ang Supreme 7 palang ang may alam ng relasiyon naming dalawa. Humahanap pa ako ng tamang oras para sabihin ito kay tatay.

'Sayang may ice cream pa naman ako sa room ko'

  disappointed niyang sabi, please wag ang kahinaan ko!

"Okay, okay" pag suko ko kaya narinig ko ang mahina niyang pag 'yes' sa kabilang linya.

Hayysss, this adorable guy. I ended the call, and walk towards the buffet area to get some cold drink.

Pero nagulat nalang ako ng biglang tumigil ang malakas at masayang music, napatigil din ang mga tao sa pag sayaw.

There are more than 15 men in black arrived, standing in front of Supreme 7's table. Everyone looks curious. Who are they?? Napatingin ako kay tatay na seryoso lang na binulungan ang isa sa mga lalake, lumipat ang tingin ko kay castiel na bored na bored lang na naka crossed arms at nakatingin sa mga lalake.

EMPIRE STATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon