Chapter nineteen.
Alas kwatro na hindi parin ako makatulog.. at hanggang ngayon naririnig ko parin sila sa kabilang kwarto.
Nagtatawanan..
Sana nabingi nalang ako para hindi ko sila marinig kung ano man sinasabi nila sa isa't isa, para hindi ko na rin marinig yung halakhak nilang nagbibigay ng iba sa atmosphere.
Nauuhaw ako. Sobrang nainikip na dibdib ko..
Lumabas na ako ng kwarto.. Napahinto nalang ako sa harap ng kwarto ni rain.
Bat ang tahimik na? Sumilip ako nang..
Hindi ko na kaya yung sakit! Ayoko na! Pero parang mas hindi ko kaya kung yung taong minahal mo mawawala na sayo at makukuha na sayo nung First True Love niya.
Nakikita ko sa mga mata nila na gaano nila kamahal ang isa't isa. Tapos.. nagkiss sila hanggang sa mapahiga si autumn.. si rain naman tinatouch niya mga private parts ni autumn.
Pumunta na ako ng kusina.. Ayoko na! Gusto ko ng mawala dito sa mundong to!
Lumabas nalang ako ng bahay.. bahala na kung saan ako ipadpad ng paa ko..
Teka.. park to ah? Wala ng katao tao tong park ngayon kasi nga alas kwatro na ng madaling araw.
Napaluhod nalang ako sa may damo..
"PTNGINA NIYO!!!!!!"
Oo sumigaw ako. Gusto ko talagang maglabas ng sama ng loob. Bakit sobrang sakit?
"Bat ang sakit? Di niya naman siguro ako totoong minahal e. Ginawang niya lang akong Rebound. Panakip butas. *cries* Bat ganon? Minahal ko siya ng todo. Kala ko ba siya na? Kayong mga bituin! Diba nakasaksi kayo nung gabing naging kami? *sobs* Pero bakit ganon?! Bat ang unfair niyo?!!! Ang unfair ng mundo!!! *sniff*"
Wala na akong ginawa kundi umiyak na umiyak. Humahagulgol na talaga ako! Ayoko na ng ganito!
"Hoy! Wag ka ngang maingay! Natutulog yung tao e! Kung gusto mo magdrama.. wag dito!"
Sino naman yun?! Panira moment ah. Napaurong naman luha ko.. ayun na e! Pang best actress na e! Yung bang matatalo mo na si sarah geronimo sa pagiging box office queen tapos may biglang sisingit na boses =_=
Lumingon ako kung saan galing yung boses na nagsalita.
"At sino ka naman aber?!"
A-ang gwapo niya...
"I'm Sky."
Sky? Sunshine?
**
Rain's POV.
Bakit ganito? Bumalik lang siya nagkaganito na ako? Bakit ka pa kase bumalik e! Maayos na ang lahat tsaka ka bumalik!
Nakita ko si sunshine.. sa harap ng kwarto ko..
Bat mukha siyang zombie? Di pa ba siya natulog? Tapos yung mata niya.. namumugto na. Fck! Di ko naman ugali yung magpaiyak ng babae e!
Teka... anong ginagawa ni autumn?
hinalikan niya ako.. tapos humiga siya.. hindi ko na mapigilan sarili ko nahawakan ko private parts niya..
Si sunshine? Nakita niya ba yun? Bakit bigla siyang nawala? Hays! Ang tanga ko.
Tinignan ko ng masama si autumn tapos sinundan ko si Sunshine kung saan siya pupunta..
Sa park.. Nagmamasid lang ako skanya. Nagsisisigaw siya tapos ang sakit ng iyak niya..
Tapos may lumapit na lalaki sakanya..
Aba! Baka Manyakis tong lalaking to! Manyakin pa si sunshine!
Pumunta din ako doon tapos hinarap ko si sunshine.
"Sunshine. Mag usap tayo"
**
Back to Sunshine's POV
"Sushine. Mag usap tayo"
Bat nandito siya?
"Bakit nandito ka? Diba kasama mo si autumn? Bat mo siya iniwan dun?"
"Mag usap muna tayo please? Alam kong naguguluhan ka na sa mga nangyayare. Kaya magpapaliwanag ako sayo."
Lord! Sana po bingi ako ngayon! Lord please.. Kung ano man pong sasabihin niya na makakasakit sakin please mag kaAmnesia sana ako..
Hindi lang ako umimik.. hinihintay ko kung ano yung sasabihin nya.. pero nyeta! Gusto kong magtakip ng tenga para hindi lahat marinig to.
"Unang una sorry kase nung monthsary natin.. nakalimutan ko kasi bumaling attention ko kay autumn kasi totoong namiss ko talaga siya. Pangalawa.. wag mong isipin na ginawa kitang rebound kasi totoong minahal kita sunshine. Unang una palang alam ko na ikaw yung babaeng matutumbasan yung tawa o saya na nabigay sakin ni autumn noon. Pangatlo sorry kung gulong gulo ako sa nararamdaman ko nung nakita ko siya ulit. Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ulit yung naramdaman ko nung una ko siyang nakita nung bata pa kami.. And Lastly.. Sorry because I'm broking up with you."
Huh? Ano? Nabibingi ako.. nabibingi ako sa tibok ng puso ko ang bilis ng tibok ng puso ko, di dahil sa kaba.. dahil sa lungkot at sakit lahat ng sinabi niya.. sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang sasabog na..
Umiyak nalang ako doon habang nakahug siya sakin tapos hinahampas hampas ko yung dibdib niya.. Nagbabakasakali na masaktan din puso niya sa pamamagitan nun..
"Gago ka!! Ang sakit sakit rain! Dapat hindi nalang kita syinota! Ang sakit sakit. Nagsisisi ako na nakilala kita.. nagsisisi ako bakit kita minahal. Pesteng kupido! Bat pa kasi tayo tinira! Gagong tadhana, ginagago lang pala ako! Punyetang ASA, asa na tayo nalang para sa future."
humagulgol nlang ako doon. Wala akong pakelam kung nasasaktan siya sa mga sinasabi ko.. Deserve nya lang yun! Fair lang yun kasi sinaktan niya rin ako. Sobra sobra pa!
"Sorry sunshine.. sorry.. tandaan mo.. mahal na mahal kita. Pero iba din pagmamahal ko sakanya.. Sana mahanap mo na yung lalaking magpapasaya ng totoo. Yung lalaking sasamahan ka hanggang sa future mo, yung lalaking deserve ng luha mo, yung lalaking hindi ka sasaktan, yung lalaking sasamahan ka tumayo at papakasalan ka sa harap ng altar, yung lalaking bibigyan ka ng anak at yung lalaking makakasama mo habang buhay at hanggang sa kamatayan. Wag mo akong iyakan. Di ko deserve yan."
tapos hinalikan niya ako sa noo. Ang sakit. Wala na ako masabi sa mga sinabi niya.. parang tumigil yung kakaikot ng mundo.
"Wag ka nang umiyak. Nandito lang naman ako e, ako pala yung matagal mo ng stalker.. Mag move on kana kahit gamitin o gawin mo akong rebound.. maging tayo lang."
Napaurong nanaman luha ko. Ano ba yan.. nagpapaurong ng luha tong isang to ha? Siya na ba? Pero di muna ako magmamahal..
itutuloy...
BINABASA MO ANG
Summer love. *Completed*
Teen FictionHi guys. This is not my first story :3 Huhubells. Dinelete ko kasi lahat ng yung sayang mga reads. So Eto nalang basahin niyp :) 'Don't expect to much' Expectation is too much disappointment. Di naman po ako magaling na writer :3 Gnawa ko lang to pa...